CHAPTER 16

7.8K 265 7
                                    

NAPATINGIN SIYA SA PINTUAN NANG 7-eleven store nang pumasok doon ang isang pamilyar na mukha.

"Pinuntahan kita sa bording house mo kaso wala ka daw doon. Buti na lang pala nagtext ako sayo."

Nakatitig siya dito nang mapatingin ito sa kanyang kinakain.

"Cup Noodles? Mabubusog ka ba diyan?"

Inismiran na ito at sumubo sa noodles na mainit init pa tsaka ito humigop nang sabaw nun. Magdadalawang araw ngayon pagkatapos nilang mag-usap ni Peirce at ang pagpunta nito sa tinutuluyan niya.

And this guy beside her? Muli niya itong sinulyapan.

Not bad.. talagang inakala ni Peirce na itong lalaking nasa kanyang tabi ay kanyang Boyfriend at anong ginawa niya? Hindi niya ito sinagot nang tama, ibig sabihin..binigyan niya ito nang mapanglinlang na kasagutan.

At ang masama pa hindi alam ni Fire ang ginawa niya na parang pinapalabas niyang Boyfriend nga niya ito sa harapan nga lang ni Peirce.

"Gabi na ah..bakit andito ka pa? May pasok ka pa bukas" pag-aalala nito ngunit napatigil siya sa pagnguya nang hilain nito ang cup noodles sa kanyang harapan at agawin ang tinidor na hawak at ito na ang kumain doon.

"Uhmm..masarap pala ito? Kahit cheap ano?"

"Kinain mo na nga lang may nasasabi ka pa!"

Kukunin pa sana niya ito nang biglang hinigop lahat iyon nang binata. "Kulang eh..gutom ka pa ba? Kuha pa ako" wika nito

"Huwag na! Busog na ako.." ibabaling na sana niya ang kanyang mukha nang pigilan ito ni Fire. Kumunot ang noo nito nang pagmasdan nito ang kanyang mukha. At dahil di siya komportable sa ganuom tinampal niya ang kamay nito na nakahawak sa pisngi niya.

"Ano?!"

"Umiyak ka ba?"

Tumuon ang kanyang mga mata sa labas nang kalsada. "Hindi..napuyat lang ako"

"Puyat ka naman pala tapos di ka matulog nang maaga? Uy! May pasok ka pa bukas" siniko siya nito

"Wala akong pasok bukas. Di ba sinabi ko na sayo may seminar kami at walang pasok bukas"

Napa-Oh naman ang kausap niya at ipinagpapasalamat niyang di siya kinukulit nito dahil sa pamamaga nang mata niya.

Mula kasi nang makaalis ang lalaki sa kanyang bording house nang gabi iyon ay di na siya natigil sa pag-iyak hanggang sa nakatulugan na nga niya ito. Ang masaklap tuwing naaalala niya ang pangyayaring iyon napapaiyak na lang siya agad agad. Kaya naman kahapon buong araw siyang di lumabas.

"Magkakilala pala kayo ni Peirce?"

Mabilis siyang napalingon dito. Di kaya nasabi nito na magkakilala talaga sila? May iba pa kayang nasabi ito kay Fire?

"Ha?" Iyon lamang ang tanging nasabi niya.

"Nag-uusap kayo sa school di ba? So magkakilala na kayo? Kelan pa?"

Nakahinga siya nang maluwag dahil sa sinabi nito. Hindi pala gaya nang iniisip niya..

"Ahh..ilang linggo pa lang, I also attend her Mother's Birthday Party"

"Talaga?!" Napasuntok ito sa hangin "sayang di ako nakapunta! Eh di sana doon kita pinakilala! Anyway magkakilala naman na pala kayo so..okay na pero--ipapakilala parin kita nang pormal punch"

For what?! Napabuntong hininga siya at napapasilip sa binata.

"Masayang masaya nga iyon nung nakausap ko sa mga nakaraang araw. Porket nagkita na daw sila nang Ex niya..halatang inlove na naman yata"

Napapatawa si Fire habang sinasabi iyon sakanya. Inlove? Sa ex niya?"

Gosh!!! Tama ba siya nang rinig sa sinabi nito nang gabing iyon?

Napalunok siya at di maiwasang kagatin ang labi nito.

"Ihahatid na kita bukas"

Ngumiwi siya dito "huwag na..tapusin mo nalang lahat nang gawain mo sa office nang makauwi kana sa Cagayan"

"Tsk! Parang sinasabi mong umalis na ako ha! Grabe ka..pag nauwi ako doon tiyak mamimiss mo ako!"

Tumawa siya sa sinabi ni Fire "mukha mo no! Mamimoss ka diyan! Magcecelebrate ako pagalis mo dahil walang nanggugulo sakin! Sakalin kaya kita!"

Hinila siya nito at inakbayan bigla sabay gulo nang buhok niya. "Aray! Ano ba Fire!!!!"

Pero tumatawa lang ito sakanya. Nang bitawan siya nito ay tinulak niya ang braso nito. "Nakakainis ka talaga! Umuwi kana nga!"

"Sus! To naman!"

Agad siyang tumayo at lumabas nang store nang sundan naman siya nang binata. Naglakad siya at nakasunod lang ito sakanya.

"Ikaw? Paano kung--bumalik din ang Ex mo?"

Napatigil siya at sinulyapan ang binata sa kanyang likuran "bakit mo naitanong?"

"Wala lang" tuluyan na itong tumabi sakanya "baka kako kagaya ka din ni Peirce na magiging masaya kapag bumalik siya"

Hindi siya gumalaw at pinanood ang binata habang nagasasalita. Ano ba ang dapat niyang maramdaman? Dapat ba niyang ikatuwa ang nalaman patungkol sa kasiyahan ni Peirce?

Masaya siya sa muli naming pagkikita..

"Masaya naman ako without seeing my Ex, Im happy without his existence.."

Nag-umpisa na naman siyang maglakad kasunod nang binata. Masaya naman siya nang wala pa ito pero naging magulo na ang lahat sakanya nang dumating ito.

Bakit ba kung kelan nakakabawi na siya ay muli na parang muli na naman siyang bumalik sa umpisa?

"Bago ako umuwi sa Cagayan manood tayo nang Past, Present, Perfect"

Tumakbo sa isip niya ang palabas na iyon. Patungkol iyon sa pagiging broken hearted nang isang studyante sa past tapos babalik yung guy sa present..

Naisip niyang parang nananadya si Fire. "Ayoko nun--"

"Ang KJ mo! Makakarelate ka dun for sure.."

"Nananadya ka no? Bahala ka nga diyan!"

Nilakihan niya ang kanyang hakbang na tila tinatakbuhan ang binata pero talagang di siya nilubayan nito.

"Paano kung bumalik yong Past mo? Welcome ba siya sa Present mo?"

Umikot ang kanyang mga mata sa panggagaya ni Fire sa linya nang isang pelikula.

"Umuwi ka na nga lang.."

Taboy niya dito nang makaabot sila sa harapan nang kanyang bording house. Tinaasan siya nito nang kilay.

"Di mo ako papasukin? Baka may pagkain ka pa diyan.."

Hinarangan niya ito nang tangkain nitong pumasok sa loob. "Ang yaman yaman mo na nga lang sakin ka pa manghihingi nang pagkain?! Di pa ako nakapag grocery! Kita mo namn kung saan ako kumain kanina di ba?"

Napakamot ito sa ulo at umatras nang kaunti. "Masarap pala yung cup noodles na iyon?"

Napatawa siya nang pagak dahil sa inaasal nito. Mga mayayaman nga naman. "Lumayas ka na nga gabi na!"

Ginulo nito ang kanyang buhok at sabay talikod sakanya. Tinaas nito ang kanyang kamay "bye Punch.."

"Ingat ka pauwi" sigaw niya dito. Tumalikod siya para buksan nang gate nang tawagin siya nito.

"Punch!"

"Ano?!" Irita niyang baling sa binata.

"Anong flavor nung kinain natin kanina?"

Seriously?! What the heck! "Spicy Beef!"

"Okay thank you! Bye!"

Napangiti siya nang buksan niya ang gate at pumasok doon. Nang isasarado na niya iyon ay may nahagip ang kanyang mata sa di kalayuan..

Natulos siya sa kanyang kinatatayuan kahit na likuran niya lang ang nakita nito hindi siya pwedeng magkamali..


-itutuloy-

Joden15

LEGENDARY BOYS #5: Peirce Santori (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon