DAYS HAD PASSED AT GINAWA NIYA ANG LAHAT SA ABOT NANG KANYANG MAKAKAYA PARA IWASAN SI PEIRCE.
"What's wrong?"
Basag ni Erica sa kanyang katahimikan nang magkita sila. Kagagaling lang nito sa isang bakasyon para doon mag-unwind kaya matagal na di sila nagkita.
Pinaikot-ikot lamang niya ang tinidor sa plato na may lamang spaghetti kunakalam naman ang sikmura niya kaso di siya nakakaramdam nang gutom. Ganito ba talaga ang epekto kapag stress? Di naman ganito kagrabe ang stress niya sa trabaho kahit mga bata pa ang tinuturo niya.
'Mas mahirap intindihin ang puso kesa mga batang tinuturuan ko at mga lessons na tinuturo ko..'
"Di ka ba magkukwento? Inaway ka ba ni Sunog?"
Tinaasan niya ito nang kilay at tsaka nagpakawala nang malalim na buntong hininga.
"I don't know what's happening to me!"
Panay ang kain ni Erica habang pinapakinggan ang kanyang pinagsasabi.
"Sa dalawang linggo na nawala ako anong ganap sa buhay mo?"
Tinignan lamang niya ito. Wala pa nga itong alam tungkol sa kung ano ang nangyayari si Enaid pa lang ang napagsasabihan niya. Kumibot kibot ang kanyang labi.
"Di ba bago ka magbakasyon nagkita tayo then dapat magkikita kami ni Fire kasi kakain kami nang lunch sa labas.."
"Exactly! At iniwan mo ako para sa lalaking sunog na iyon!" She point her finger to her. "Tapos?"
"Hindi natuloy"
"Kitams! Di pala natuloy ha! Mag-isa kaya akong nagpunta kina Enaid nun sana nagsabi ka kung iinjanin ka pala ni Fire--"
"Hindi naman kasalanan ni Fire..nag back out ako--kahit nasa labas na ako nang Santori's Cuisine"
Mabilis na nginuya ni Erica ang spaghetti sa bunganga at sumimsim sa nestea na order nito..
"What?! At bakit naman? Santoru's Cuisine? Di ba iyon ang sikat na kainan pangmayaman? Pang world class?! Pero alam mo ha..sounds pamilyar yung pangalan nang Cuisine--parang narinig ko na nun..Santori.."
Natampal ni Rose ang kanyang noo alam niyang pamilyar iyon kay Erica nabanggit na niya ito noon..
"Pamilyar talaga eh---Santori..Santori--"
"My Ex.."
Napaisip si Erica at napatango tango "ah...oO! Santori pala ang apelyido nang Ex mo nun..kaya pala pamilyar" yumuko ito at pinanood niya lamang iyon hanggang sa nag-angat ito nang mukha na namimilog ang mga mata.
"Do--dont tell me--"
Unti unti siyang napatango at napatakip naman sa kanyang bunganga si Erica dahil sa pagkabigla.
"Shocks! Shocker's go to hell!!! Kaya ka ba nag back out?!"
"Yes. I saw him inside that's why, I don't have any choice but to leave"
Nag-lean forward si Erica sakanya at hinawakan ang kamay niya "dapat di ka umalis.."
"Why? Ayokong ma-issue, isa pa--di ako titigilan ni Fire sa kakatanong kung BAKIT?! Knowing that Peirce and Fire are best of friend?"
Doon na naman natigilan si Erica. "Magkaibigan sila?"
"Oo at nakita ko silang nag-uusap sa loob. Pinuntahan ko si Enaid nung hapon na iyon, sinabi ko sakanya at kinon-firm niyang--kaibigan nina Adam at Fire si Peirce na may-ari nang Santori's Cuisine!"
Humalukipkip si Erica sa kanyang harapan at napaayos nang upo. "Ok ka lang ba? How's your feeling nang nakita mo ulit siya? Mabuti nga di pa kayo nagkita at di pa nalalaman ni Fire kundi baka--"
"That's the problem!"
"What do you mean?"
Tumingin ito sa paligid nang Mall at binalik ang mga mata sa kanyang kaibigan.
"I met Peirce nang pauwi na ako galing kina Enaid..nasa iisa silang Subdivision!"
Napangiti si Erica sa kanyang sinabi "layo nang layo..bat ka lumalayo! Labo labo tayoy malabo..malabo!"
Kumanta ito sa kanyang harapan "tago ka kasi nang tago tapos bigla naman nagkrus ang landas niyo! Sige--alam ko madami ka pang di sinasabi, ituloy mo na!"
Inirapan niya ito at tinuloy ang kanyang sinasabi. "Her Daughter..doon siya pumapasok sa school na pinapasukan ko. Then I attend her Mother's birthday party. At--nagpang-abot si Peirce at Fire sa school habang kinakausap ako ni Peirce--"
Napatili si Erica kaya napatigil siya sa pagsasalita. "Oh Shit! Shit talaga! Anong nangyari pagkatapos?" Excited na tanong nito sakanya with matching hampas hampas sa kanyang kamay.
"I hide..siyempre! Madaming tanong si Peirce, madaming tanong si Fire..ayoko nang madaming tanong--"
"Cause you want an Answer"
Tumulis ang nguso niya sa sinabi ni Erica. That's true! Pagod na pagod na siya kakatanong sa kanyang sarili nang mga BAKIT! Di nga niya iyon masagot sagot idadagdag pa ba niya ang mga katanungan nang mga ito?
"Im tired..parang sasabog yung utak ko Erica" pagsasabi niya nang totoo sa kaibigan.
"I feel you--bakit hindi mo kasi siya harapin? Since--di naman ikaw yung..alam mo na--nagloko..unless kaya ayaw mo siyang harapin kasi di ka pa talaga fully moved on?"
Patanong na wika nang kaibigan niya. Hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit ganito ang kinikilos niya kapag si Peirce ang pinag-uusapan. Her heartbeat makes fast..
Hindi tama iyon. Wala sa lugar na dapat niyang maramdaman ulit iyon sa lalaki. Napayuko siya..
"This is wrong..this feelin can't be ..you know it Erica--He is a Married man.. having a Daughter and Wife"
"Besi--"
Lumapit ito sakanya at inakbayan siya. Pinatong ni Erica ang kanyang mukha sa gilid nang shoulder nito..
"That's why.. I choose to hide, I choose to run--"
Dahil masasaktan lang ulit ako kapag hindi ko pinigilan..baka di ko na kayanin pa..
Pasado alas nuwebe na nang gabi nang makauwi siya sa kanyang bording house. Hapon na nang magkita sila ni Erica at naisipan nilang puntahan si Enaid para bisitahin dahil nanganak na nga nga ito.
Nagshower na siya agad at nagpalit after that nilabas niya ang mga kailangan sa school at nag-umpisang aralin ang mga lesson niya para bukas.
Ngunit di pa lang ito nakakapag-umpisa nang may kumatok nang sunod sunod sa kanyang pintuan. At nang binuksan niya iyon ay napangiti siya nang tipid.
"Anti Cathy kayo pala bakit po?" Bati niya sa matandang may-ari nang tinitirhan niyang bording house.
"Kanina pa kasi nasa labas itong bisita mo eh..baka nilalamok na doon kaya naman pinapasok ko na"
Bisita? Wala namang nagtext o nagsabi sakanya na pupuntahan siya dito ngayon. Kung si Fire kilala naman niya ang may-ari tsaka diretso ito sa loob..kaya nagtataka siya kung sino itong bisita niya, nawala ang ngiti sa kanyang labi nang makita ang bisitang tinutukoy nang matanda nang igiya siya nito sa kanyang harapan.
"Oh siya..maiwan ko na kayo"
Di na niya pinansin ang matanda at napalunok nang tumingin ito sa taong nakatayo sa kanyang harapan.
Anong ginagawa nito dito?
-itutuloy-
Joden15
BINABASA MO ANG
LEGENDARY BOYS #5: Peirce Santori (COMPLETED)
Любовные романы-WARNING: SPG [MATURE CONTENT]- LEGENDARY BOYS #5: PEIRCE SANTORI PEIRCE SANTORI. Para sa babaeng pinakamamahal niya ito ang IDEAL MAN. GWAPO. MATANGKAD. MAYAMAN. MACHO. RESPONSABLE. They believed in HAPPY EVER AFTER. Pero sa buhay pag-ibig hindi la...