CHAPTER 1

16.6K 396 2
                                    

PRENTENG NAKAUPO ito sa kanyang swivel chair at matamang pinipirmahan ang mga ilang papeles na nasa kanyang mesa. Ang ilan dito ay mga transaction mula sa kanyang Restaurant ang Santori's Cuisine.

Tatlong taon na din mula nang mag-umpisa ang kanyang bagong negosiyo at hindi niya inasahang tatangkilikin iyon nang mga tao lalo na ang mga turistang nagagawi doon. Isang taon pa lamang noon ang kanyang Restaurant ay nakagawa na ito nang pangalan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa labas nang bansa.

He removed his eyeglasses at marahang minasahe ang kanyang sentido nang biglang bumukas ang pintuan nang kanyang maliit na opisina sa kanilang bahay.

"Daddy! See oh! I've got a perfect score sa test namin!"

Nanakbo ang batang babae patungo sakanya at agad itong kumanlong sa kanya. Agad niya itong niyakap at hinalikan sa noo.

"May I see Princess"

Iniabot nito iyon sakanya at nakita niya ang perfect score nang kanyang anak. Minsan pa niyang hinalikan ito sa noo.

"You did a great job princess. Im so proud of you"

Malapad ang ngiti nang batang babae sakanya at hinalikan siya nito sa pisngi.

"Thank you Daddy. I love you too" wika nito at yumakap sa kanyang leeg. Binuhat niya ito at tumayo sa kanyang pagkakaupo.

"What do you want for a gift princess?"

Naglakad ito patungo sa pinto at mas niluwagan ang pagkakabukas nun tyaka ito lumabas at agad ding sinarado ang pintuan.

"I want to be with you Daddy" malambing nitong sabi. Ilang araw na din kasing palagi siyang late umuuwi dahil sa pagkabusy sa kanyang Restaurant. At ang limang taong gulang niyang anak ay mukhang nagtatampo na nga sakanya.

"Palagi ka kasing busy Daddy lalo sa work mo. You have no time for me but I do understand. But please daddy, sana maaga ka na din uwi next time"

Niyakap niya ito nang mahigpit at hinalikan sa pisngi. Malaki na ang utang nito sa kanyang anak at kaylangan naman niyang bumawi.

"Im sorry Princess kung halos wala palagi si Daddy. But I will promise you, magkakaroon tayo nang Quality time together. You want it?"

Nanlaki ang mata nang bata dahil sa kasiyahan. Kitang kita niya ang kislap sa mga mata nito.

"Yes Daddy! Atarah really really want it!..but Daddy..I really miss mommy too"

Medyo naging malungkot ang mukha nang bata nang sabihin nito iyon. Hindi siya nakapagsalita agad. Hinaplos nito ang buhok nang kanyang prinsesa.

"Mommy is busy princess..pero I'll try to call her okay?"

"Talaga Daddy?!" Bakas na bakas ang kasiyahan nito at unti unti siyang napatango. Everything for her princess.

"Yes princess! Wanna eat?"

"Uhmm...gusto ko sa Restaurant mo Daddy"

Napatingin ito sa kanyang relo. 7pm palang naman. Hindi naman siguro masama kung doon na sila kumain nito treat na din niya dahil sa perfect score na nakuha nito sa exam.

"Oh sure princess!"

"Anong sure iyan? Bakit masaya yata si Atarah?"

"Dada!!!" Sumigaw ito at bumaba sa pagkakabuhat niya at tumakbo ito sa matandang babae.

"Dada! I've got a perfect score sa exam namin and daddy wants to treat me sa kanyang Restaurant!" Masayang masaya ito habang hinahalikan ang matanda sa pisngi.

"Tara na po Dada!"

"Sasama ba ako? Hindi ba magandang kayo nalang ni Daddy mo?"

"Sumama ka na Ma di na naman yan matutuloy kapag wala ka alam mo naman yang si Atarah.."

Napangiti ito sakanila "okay..tara na"

About a minute ay nakarating na sila sa Cuisine. Madaming tao as usual dahil medyo peak hours na din..

"Do you want to eat to my office princess?" Tanong niya dito pero ngumiwi ang bata.

"I want here.." bigla itong pumuwesto sa pinakagilid malapit sa terrace. Doon ay matatanaw nito ang mga ibat ibang kulay nang ilaw na nagkikislapan sa mga gusali at gilid nang kalsada lalo pa at nasa pangalawang palapag sila nang Cuisine.

Nag-order na ito sa kanyang mga staff at inantay iyon. "Happy princess?" He asked.

"Yes Daddy..but--"

Muli itong napatingin sa labas nang bintana. "Christmas na..kaso wala pa rin si Mommy"

Nagkatinginan sila nang kanyang ina dahil sa tinuran nang kanyang anak. "Atarah..isang buwan pa bago pasko, malay mo surprise gift ni Mommy mo ang pag-uwi niya this christmas.."

Sinenyasan niya ang kanyang ina at tumango tango naman ito. Nang mapabaling ang bata sa bintana ay kinausap niya ang kanyang ina.

"Ma..bakit mo yun sinabi? Baka mamaya umasa lang siya--"

"That's why you need to do something about this."

Napasandal ito sa kanyang upuan. "I didn't call her or chat her if it is not important Ma.. we--"

"Anabelle is important to Atarah..and Atarah is important to you"

Napatingin ito sa kanyang anak. Ayaw na ayaw niyang nadidis-appoint ito kahit palagi nalang nangyayari iyon pagdating sa ina nito.

"Susubukan ko..yeah! Susubukan ko Ma"

"Sir ito na po yung order niyo" putol nang kanyang crew sa pag-uusap nila nang kanyang ina. Maganang kumain ang kanyang anak. Masaya ito pero alam niyang mas magiging masaya pa ito kapag kasama nito ang kanyang ina.

Matapos silang kumain ay pinasyal muna nila si Atarah sa Christmas Village bago umuwi. Dahil sa pagod nakatulog na ang kanyang anak pagkauwi nila.

Binuhat niya si Atarah at ipinasok sa silid nito. Kasama kasi ni Atarah ang kanyang ina na natutulog. Nang mailapag nito ang bata ay hinalikan pa niya ito sa noo.

"Sleep tight princess"

Nang makalabas ito sa silid ay dumiretso ito sa teresa. Napatingin ito sa mga bituin tyaka ito biglang napatingin sa kanyang kamay malapit sa hinlalaki nito. Korteng puso iyon na parang pinagtali. Simbolo nang isang relasyong hindi pwedeng maputol. Hindi mapaghihiwalay. Hinaplos nito iyon tsaka kusang napangiti.

Napahugot ito nang malalim na buntong hininga at nilabas ang kanyang cellphone. Mabigat at labag man sa kanyang sarili ngunit kelangan niyang gawin.

Para ito kay Atarah..para sa kanyang prinsesa. The he made a call overseas, ngunit nakaisang ring palang ito ay agad na niya itong ibinaba at naisipan niyang imessage nalang ito sa messenger.

"Atarah wants to see and be with you this Christmas"

Nang maisend niya ito ay bigla na namang nahulog sa malalim na pag-iisip.

It's been five years and exact month..ni minsan ay hindi niya ito nakalimutan. Paano nga ba niya makakalimutan ang isang bagay na pinagsisihan niya mula noon at hanggang ngayon, na pagsisisihan parin niya habang buhay..

Dapat nga ba niyang pagsisihan iyon samantalang isang napakahalagang bagay din na mas higit pa sa buhay niya ang dumating?

-itutuloy-

-joden15-

LEGENDARY BOYS #5: Peirce Santori (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon