NAPAPIKIT SIYA NANG MARIIN AT SINUBSOB ANG KANYANG MUKHA SA MESA AT MAHINANG NAPASIGAW.
"Ano ba naman Rose! Nakakahiya ka! Anong gagawin ko ngayon?!"
"Kelangan mo nang umuwi kanina pa nakauwi ang mga kasamahan mo ikaw nalang inaantay ni manong guard sa labas"
Napaangat ang kanyang mukha para tignan ang nagsalita pagkatapos ay sinilip niya ang oras sa kanyang relo. Oo nga pala kanina pa uwian.
Nagsimulang maglakad ang binata patungo sa kanyang kinauupuan kung saan nililigpit na niya ang kanyang mga gamit.
"Alam mo bang 20 mins. na akong nag-aantay sayo sa labas?"
Tinigil niya ang kanyang ginagawa at sinulyapan ito at umarko naman ang kilay nito sakanya sabay upo sa mesa niya.
"Ilang araw ka nang ganyan ah sigurado ka bang wala kang sakit?"
Pangatlong araw na ngayon na iniiwasan talaga niya si Peirce. Literal! Kelangan niyang gawin iyon dahil wala siyang sapat na lakas nang loob para harapin ito ngayon. Matapos ang pangyayaring iyon sa kanyang bording house.
Sana hindi ganun! Di naman talaga ganun!!! Bakit ba kasi siya nakatulog? And then what?? Paggising niya..
Napahugot siya nang malalim na buntong hininga at biglang napangiwi. "Pagod lang ako.."
Napatango tango ito sa kanyang harapan. "Ah..Fire kelan ka uuwi sa Cagayan?"
Napakunot noo ang binata sakanya "palaging yan ang tanong mo..parang ayaw mo na yata akong makita"
Inirapan niya ito tsaka nito binuhat ang kanyang bag at nagpatiuna na itong maglakad palabas. Isa pa kasi ito nakakapaghatid nang stress sakanya.
"Ihahatid na kita" binuksan nito ang pintuan nang sasakyan para makapasok siya. Di na siya umimik at sumakay nalang bigla.
"Baka uuwi sa Cagayan after nang Birthday Celebration ni Adam. Ikaw aatend ka ba?"
Wala siya sa mood para makipag-usap at ang tanging gusto niya ngayon ay makarating nang bording house at mahiga sa kanyang kama.
Having some Peace of Mind..
"Hindi ko alam.."
"Tsk! Di mo alam tsaka wala ka pang Date na kasama..gusto mo partner tayo?"
Hindi niya ito tinignan "ayoko nang may partner..tsaka di ako sigurado"
Napatawa si Fire sa kanyang sinabi. "Aww! Sakit mo talagang makatanggi Punch..psshhh!!! Bahala ka ang gwapo pa naman nang nag-aalok sayo tinatanggihan mo lang"
Hindi na niya pinansin ang sinabi nito at ilang minuto pa ay nakarating din ito sa kanyang bording house. Mabuti nalang at may lakad pa ang binata at di na siya kinulit pa nito.
Maganda na ang panahon di kagaya nang nagdaang araw na bumabagyo. Binilisan niya ang paglalakad papasok nang binubuksan nito ang pintuan ay napatigil siya nang may tumawag sa kanyang pangalan.
"Rose"
Biglang nanginig ang kanyang kamay at di makapag focus sa pagbukas ng pintuan. Ilang ulit siyang napalunok at tila nanayo ang kanyang buhok sa katawan.
Hindi! Di pwedeng kausapin niya ito! Di pa siya handa!
Nang mabuksan niya ang pintuan ay agad siyang pumasok doon at sinarhan ito sa labas. Napasandal siya sa pinto at mariing napapikit nang marinig nito ang katok doon.
"Rose come on mag-usap naman tayo" pagsusumamo nito sa labas.
"Peirce please..umalis kana muna. Umuwi ka na" taboy niya dito dahil ayaw niya itong kausapin sa ngayon.
BINABASA MO ANG
LEGENDARY BOYS #5: Peirce Santori (COMPLETED)
Любовные романы-WARNING: SPG [MATURE CONTENT]- LEGENDARY BOYS #5: PEIRCE SANTORI PEIRCE SANTORI. Para sa babaeng pinakamamahal niya ito ang IDEAL MAN. GWAPO. MATANGKAD. MAYAMAN. MACHO. RESPONSABLE. They believed in HAPPY EVER AFTER. Pero sa buhay pag-ibig hindi la...