CHAPTER 23

7.3K 263 6
                                    

ITS ADAM'S CELEBRATION. AT HABANG NAG-AANTAY NANG MGA BISITA AY NAISIPAN NINA ERICA AT FIRE NA MAGPUSTAHAN!

And she tag along! At ang masama pa niyan natalo si Fire so he need to take the consequences! It's Erica's idea, gustong gusto kasi nitong gumanti kay Fire.

"Madami siyang kinabukasan na sisirain! Madami siyang pusong paluluhanin! Madami siyang pepe na wawakwakin!!"

"Yang bunganga mo paki filter! Baka may makarinig sayo!"

Piniringan nila si Fire at tinali ang kamay at paa nito tsaka ikinulong sa loob nang malaking library nina Adam. Too bad! Di makakapag enjoy si Fire.

"Di kaya sobra naman yung consequences mo?" Wika niya kay Erica na napabusangot sakanya.

"No! Kung minsan nga nararamdaman ko pa yung sakit sa balakang ko! He deserve it! And excuse me! Natalo siya sa pustahan so kung ako ang natalo ako din naman ang nandoon noh! Yaan mo siya isipin mo nalang madami tayong kababaihan na maililigtas mula sakanya ngayong gabi"

Sumilay ang pilyang ngiti ni Erica tsaka siya hinila nito patungo sa kinaroroonan ni Enaid na hawak hawak naman nito ang kanyang anak na one month old baby!

"Hi Besi!!!" Nagbeso-beso silang tatlo at masayang nagkwentuhan.

"Asan pala si Fire? Di ba kasama niyo lang kanina?" Nagkatinginan silang dalawa dahil sa tanong ni Enaid.

"Ahhh--nagpapahinga sa Library besi..iniwan namin dun..don't mind him! Sus!" Pagsisinungaling ni Erica dito.

Nang magsidatingan na ang maraming bisita ay iniwan na sila nang kanilang kaibigan na si Enaid para mag-entertain nang mga bisita nila ni Adam.

Napako ang tingin niya kina Enaid at Adam. They look so happy together. "Mabuti pa siya nakahanap na nang ka-forever niya eh tayo kaya? Kelan?"

Napangiti siya nang balingan niya ang kanyang katabi. "Happy naman tayo kahit walang ka-forever eh!"

"Sus! Happy ka diyan! Lugmok ka nga sa kalungkutan dahil sa matagal mong paghihintay kay Peirce!"

Speaking of him..Nasaan kaya ito? Nilibot niya ang kanyang paningin para hanapin ang lalaki. Andito din kaya ito? Natuloy kaya na mag-attend ito?

Pero wala siyang nahagilap. Bagsak ang kanyang balikat at uminum na lang nang juice na sineserve nang waiter.

"Huwag ka nang malungkot..andiyan na Peirce Charming mo este--Prince Charming!" Nginuso ni Erica ang isang gawi na sinundan naman nang kanyang mga mata.

The man in a black suit having so manly aura. Pinanood niya ito habang nakikipag-usap sa mga kakilala niya. Nang biglang salubungin nito ang kanyang mga mata. Kahit nasa malayo ito but there eyes connected! Ang mga titig nito na nakakapaso at di maiwasan nang kanyang puso na mas lumakas pa ang pagkabog nito.

"He's there..I have to go!" Di na niya pinansin ang kanyang kaibigang si Erica nang tapikin nito ang kanyang braso at kumaripas na ito nang alis.

"Nasaan ang kasama mo?" Peirce ask her nang makalapit ito sakanya. Napakurap kurap siya nang bumalik sa katinuan ang kanyang pag-iisip.

"Ha? Ahhh!" Nilingon niya ang kanyang tabi pero wala ito roon kaya bigla siyang napakamot nang maalalang umalis pala ito sa tabi niya.

"Baka mag-CR lang.." alibi niya ngunit di talaga niya alam kung saan na ito nagpunta.

"Nasaan si--si Fire? Di mo ba siya kasama?" Kasunod na tanong nito. Napakagat labi siya dahil sa tanong nito na hindi naman nakaligtas ang kanyang reaksiyon sa lalaki.

LEGENDARY BOYS #5: Peirce Santori (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon