CHAPTER 30

7.6K 238 8
                                    

'Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko! Kasalanan mo ang lahat nang ito!'

Nakatanggap siya nang madaming sampal at sinabunutan siya ni Anabelle. Sumunod siya sa Hospital hoping na sana ay makaligtas si Atarah sa pagkakabangga. But No..

They Declared that Atarah is Dead On Arrival!

Kitang kita niya kung paano magwala si Anabelle doon habang nakaalalay rito si Peirce.

Parang gusto niyang maniwala sa sinasabi ni Anabelle na siya ang may kasalanan sa pagkawala ni Atarah..hindi niya maiwasang sisihin din ang kanyang sarili.

"Ikaw! Ano pang ginagawa mo dito?! Lumayas ka!! Alis! Mamamatay tao ka! Pinatay mo ang anak ko!"

Nang magtama ang mata nila ni Peirce ay tinanguan lamang siya nito. Wala siyang nagawa kundi umalis na lamang doon.

Ni hindi rin niya alam kung paano siyang nakauwi sa kanyang tinutuluyan..

Nakaluhod siya sa ibaba nang kanyang kama habang umaagos ang kanyang luha sa pag-alala sa nangyari kanina.

Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na wala na si Atarah. Nabaling ang kanyang mata sa side table kung nasaan ang isang drawing na binigay ni Atarah sakanya. Hinawakan niya iyon at pinakatitigan.

Bakit nangyayari ito? Bakit kelangang mawala ni Atarah? Niyakap niya ang papel na may drawing at napahagulhol. Masakit..sobrang sakit! Napakahirap tanggapin ang nangyayari.

Masakit para sakanya ang pagkawala nang bata paano pa kaya sa sarili nitong magulang. Seeing Anabelle that way ay di matatawaran ang pagmamahal nito sa sariling anak. At si Peirce? Alam niyang nahihirapan ito at kahit masakit para sakanya ang nakikita niyang closeness nila ni Anabelle ngayon ay kelangan niya iyong isantabi. Ngayon siya mas kailangan nito..

Ilang araw ang lumipas na di siya lumalabas sa kanyang kwarto. Nagpupunta siya sa lamay ni Atarah ngunit hanggang sa pagtanaw lamang sa malayo. Ngayon ay ang huling gabi nang buro nito at kailangan niyang makita ang bata bago ito ilibing.

Dumalaw sakanya si Erica. Hindi rin nakalimot si Enaid na palaging tumatawag sakanya at kinakamusta ang kalagayan niya.

"Besi..kumain ka muna"

Malayo ang kanyang tingin at wala parin siya sa kanyang sarili habang nakatanaw sa bintana. Gulo gulo ang kanyang buhok na di na rin niya masuklay at kung ano ang suot niya kahapon ay iyon parin hanggang ngayon.

She's so down!

"Wala akong gana" sagot niya habang walang kakurap kurap na tumutulo ang kanyang mga luha. Tumabi sakanya ang kanyang kaibigan at hinagod ang kanyang likod.

"Bakit ganun Besi? Hindi ko maintindihan..bakit si Atarah? Ito ba yung kabayaran sa pagiging suwail kung anak? Nakatadhana ba talagang di ako pwedeng sumaya?"

Niyakap siya nito habang tinatapik tapik ang kanyang likod "ssshhhh!!! Hindi besi...hindi--huwag kang mag-isip nang ganyan"

"Kasalanan ko Erica..kasalanan ko kung bakit namatay si Atarah"

"Hindi..wala kang kasalanan besi, wala! Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo.."

Nung nagtapat siya kay Peirce patungkol sa kanyang nararamdaman ay tinanggap na din niya lahat nang hamon na dadating sa buhay nila.

Siya mismo ay handang lumaban para sa kanilang pagmamahalan. She accept everything with Peirce, maging ang kaisa-isa nitong anak ay minahal din niya.

Alam niyang darating sa punto na hahadlang si Anabelle sa kanila pero mas pinalakas nila ang pundasyon nang pagmamahalan nila ni Peirce para di iyon masira..

LEGENDARY BOYS #5: Peirce Santori (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon