CHAPTER 5

9.1K 310 7
                                    

"DADA! Damihan mo yung tuna!"

Napatingin ang matandang babae sa kanyang apo na maganang kumakain pero panay ang pagpapalagay nito nang kung ano anong pagkain sa lunch box nito.

"Pati na din yung hotdog Dada lagay mo nalang yung natira. Then yung sandwich po pwede dalawa tapos madaming tuna"

Nang mailagay nang matanda ang mga iyon sa lunch box nito ay naupo ito sa harapan nang kanyang apo.

"Hindi ka kaya maduwal sa kabusugan kapag nakain mo lahat nang ito Atarah?" Tanong nito sa bata na siya namang paglapit nang ama nito sa kanilang dalawa.

"Good morning Princess! Magana ka yatang kumain ngayon ah!" Sabay haplos sa buhok nito.

"Oo at magana din ang baon niyang pagkain" tinuro nito ang mga pagkain sa baunan nito.

"Princess magbibigay ka ba sa mga classmate mo?"

"No Daddy!"

"Eh bakit madami kang baon?" Tanong nang kanyang lola

"Siguro bibigyan mo lang mga friends mo noh?" Singit ulit nang kanyang ama.

"Of course hindi Daddy. Wala naman ako masyadong friends doon"

Nagsimula nang kumain si Peirce at napapatingin sa kanyang anak "eh bakit yan? Ang dami? Nagtitrip ka ba Atarah?" Tanong ulit nang kanyang lola

"No Lola! Kasi po I want to surprise Teacher Rose! I wanna give her sandwich then sabay kami maglunch"

Medyo napatigil ang matanda dahil sa sinabi nito "Teacher Rose?" Ulit nito sa pangalan na binanggit nang bata.

"Yes Dada! Si Teacher Rose po yung napakabait na teacher na nakakasama ko sa school. She's always there lalo na kapag malungkot ako sa school she always comfort me. And know what Dada shes pretty po!"

Pagbibida ni Atarah sa kanyang Teacher. "Teacher mo ba siya?"

Uminum muna ito tsaka sumagot "hindi po. Pero friend po siya nung adviser ko tsaka kapag wala po ying adviser namin siya po yung nagtitake-over samin"

"Uhmm..im sorry to interrupt you Princess pero malelate kana" paalala nito sa kanyang anak

"Excuse me Dada kunin ko lang gamit ko" tsaka ito nanakbo para kunin ang bag nito sa kwarto.

"Sinong Teacher Rose yun? Do you know her?" Tanong nang ina nito nang silang dalawa nalang sa mesa.

"Parang napapalapit ang anak mo sa Rose na iyon" dagdag pa nito.

"Yeah..but I dont know her Ma. Hindi ko pa siya nakita at nakikilala"

"Kumusta na kaya siya?"

Nagsimulang lagyan nang kanyang ina nang kanin ang sarili nitong plato pero hindi tumigil sa pagsasalita.

"Ilang taon na din ang lumipas--"

Napabuntong hininga nalang siya. Kahit hindi niya tanungin sa kanyang ina kung ano ba ang tinutukoy nito ay alam niya ang pinupunto nito.

Akma siyang tatayo nang muli itong magsalita. "Im sorry hindi ko dapat--"

Hinaplos nito ang likod nang kanyang ina. "Ma it's okay.."

Tumayo ito at inayos ang kanyang damit "mauna na kami Ma ihahatid ko pa si Atarah" tumango naman ito at iyon naman ang pagbaba nang bata. Humalik ito sa pisngi nang kanyang Lola at nanakbo palabas nang bahay.

***********

Magtatanghalian na ngunit tila walang gana si Rose na kumain kaya naman inilabas nito ang mga Exam Papers nang mga batang nasa kabilang section kung saan hawak nang kanyang kaibigang guro na si Sofia. Siya muna ang nag-subbed dito dahil may seminar itong dapat daluhan.

Ilang Exam Papers na ang nacheck nito nang mahugot nito ang papel ni Atarah.

'Atarah Santori'

Basa nang kanyang mata sa pangalan nito. Parang may kung anong kirot siyang naramdaman kapag nababasa nito ang surname nang batang babae.

"Teacher Rose"

Napaangat ang kanyang mukha nang marinig ang tinig nang isang batang babae. Nakatayo ito sa may pintuan at may hawak na lunch box.

Ibinaba nito ang ballpen na hawak at tinigil ang ginagawa "Atarah.." sambit niya sa pangalan nito habang palapit sa kanyang harapan ang bata.

"For you po Teacher"

Tinignan niya ang lunch box na hawak nang bata na ngayon ay inaabot na nito sakanya. Hindi siya nagsayang nang oras at kinuha iyom sa bata.

She smiled at her "Thank you..what is this?"

Naupo ang bata sa silyang bakante sa harapan niya. "Sandwich po with hotdog" napangiti ang bata sakanya. Atarah is sweet. Feeling niya kapag nababadtrip siya mapatingin lang ito sa mukha nang bata lalo na kapag nakangiti ito ay agad napapawi iyon.

"Your so sweet Atarah, Thank you for this..kain tayo sabayan mo ako" aya niya dito at pati rin ang bata ay kumain na din.

"Atarah bakit ka nagtransfer dito?" Kumakain ito nang hotdog nang mapatingin sakanya.

"Nag-away kasi si Mommy and Daddy that's why si Daddy inuwi ako dito sa Philippines"

Napakagat labi si Rose dahil sa sagot ni Atarah. "Ahmm..so naiwan sa New York Mommy mo?"

Tumango ang bata sakanya "ilang taon ka sa New York?"

Napaisip ang bata sa kanyang tanong "mag five years?" But she's not sure about her answer.

"Magaling ka magtagalog ha kahit nandoon ka"

"Yes Teacher Rose kasi si Daddy he wants me to learn tagalog pero kasi si Mommy.." natigil ang bata at napansin niya iyon kaya agad niyang di-nivert ang usapan.

"This sandwich is good. Uhmm..masarap!"

Ngumunguya siya nang mapatingin ang bata sakanya "talaga Teacher Rose? You like it?"

Biglang naging masigla ang boses nito. Kinindatan niya ang bata at nilapit nito ang sandwich sa bibig nito.

"Want some?"

Tumango ang bata sabay ngiti at kumagat sa sandwich niyang hawak. "Gusto mo Teacher Rose dalhan ulit kita bukas nang sandwich?"

"Nakakahiya naman Atarah nag-abala ka pa. Pero di ko tatanggihan yan sa sang kondisyon--"

Napatigil ang bata dahil sa kondisyon niya. "Ano po Teacher Rose?"

"I want to see you smile everyday..okay ba yun?" Hinawakan nito ang kanyang baba.

"Sure Teacher Rose"

Ngumiti ito nang todo sakanya at lumabas ang biloy nito.

"See! May dimples ka pala! Youre pretty but you are prettier when you smile. Whatever it takes don't ever forget to smile Atarah"

Tila nararamdaman niya kung ano ang pinagdadaanan nang bata dahil base sa mga kwento nito kapag nakakausap niya hindi magkasundo ang Daddy at Mommy niya isang masakit na bagay na pwedeng maramdaman nang isang anak. Isang pagmamahal at pag-aalaga nang ina ngunit wala ito sa tabi niya.

Nakakarelate siya dito lalo pa at parang parehas sila nang pinagdadaanan.

Kaibahan lamang sa part ni Atarah di magkasundo ang Daddy At Mommy nito isa pa di nito maramdaman ang presensiya nang Mommy nito dahil nasa malayo at sa part naman niya magkasundo ang Daddy at Mommy niya pero pagdating sa presensiya nang mga ito..

They are actually there but the Presence is absence. Di nito nararamdaman na nandiyan sila para sakanya ganun din pagdating sakanya..

Hinaplos nito ang buhok nang bata. Atarah is like her..

Seeking for Attention..

-itutuloy-

-joden15-

LEGENDARY BOYS #5: Peirce Santori (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon