CHAPTER 8

8.7K 298 2
                                    

TULALA. DI MAPAKALI. TILA LUMILIPAD ang kanyang utak sa kung saan. Madaming katanungan na naman ang pumapasok sa kanyang utak na ni isa ay wala pa yata siyang nasasagot.

"Mabuti naman at napadalaw ka, kagagaling lang din ni Erica dito kaninang tanghali nasabi nga niyang bukas ka pupunta dito."

Nilapag nito ang juice na dala sa center table at maingat na naupo sa sofa. Enaid is 36 weeks pregnant at malapit na itong manganak.

Hinaplos niya ang tiyan nang kaibigan at napangiti. "Mamaya mamimisa kana"

"At ninang ka ha!" Turi nito sakanya na ikinatawa nilang pareho. Ngunit sadyang hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman at bumabalik sa pagiging blanko nang kanyang utak bagay na hindi niya maitatanggi sa kaibigan.

"May problema ka ba?" Dinig niyang tanong nito sakanya. Tipid siyang ngumiti na parang napipilitan.

"Akala ko ba bukas ka pa dadaan dito? Yun kasi ang sabi ni Eca eh lalabas daw kayo ni Fire ngayon?"

"Di natuloy" tipid niyang sagot. Sumandal sa sofa si Enaid at matamang tumingin sakanya.

"Tell me Honestly besi..anong estado niyo talaga ni Fire?" Lumipad ang tingin niya kay Enaid. Pati ba naman ito nagdududa sa friendship nila Fire?

"I mean..Hindi ako against ha, honestly speaking may chemistry naman talaga kayo--"

"Walang ganun, ano ka ba! Friends lang talaga kami"

Enaid smiled at her "yung totoo? Baka naman iyan ang pino-problema mo kaya ka mukhang ewan--"

"He's back.."

She cut her off. Napatigil naman ito dahil sa kanyang sinabi. Halatw sa mukha ni Enaid na nalilito ito sa kanyang sinasabi.

"My Ex" pagpapatuloy niya. She saw Enaid's bitting her lips na parang nabigla.

"Your Ex? You mean--nagkita kayo? Paano kayo nagkita?"

Nasapo niya ang sarili niyang noo na hindi malaman kung saan mag uumpisa. Napangiwi siya at tumingin kay Enaid.

"Hindi ko alam kung paano o saan ako magsisimula..pero--naguguluhan din ako!"

"Calm down Rose.." lumipat si Enaid sa kanyang tabi at hinawakan siya sa braso.

"Magkikita sana kami ni Fire kasi nga kakain daw kami doon sa Restaurant na pag-aari nang kanyang kaibigan para makilala ko din daw mga iba pa niyang kaibigan--kaso"

She paused for a while tsaka nagpatuloy "kaso--nang makarating ako sa lugar na sinabi niya I saw my Ex--"

"Nakita mo Ex mo kasama nung pinalit sayo?"

Ngumiwi siya sa sagot ni Enaid "No..but I saw him with her daughter and.." humarap siya sa kaibigan.

"Nag-uusap sila ni Fire na para bang napakatagal na nilang magkakilala! I dont know! Pero pakiramdam ko talaga malapit sila ni Fire base sa nakita ko! And her Daughter.. oh my God! Ano ba itong nangyayari!"

"Wait lang ha..nakita mo kamo na magkausap sila ni Fire?"

Tumango lang siya bilang sagot niya dito.

"Sabi mo sa Cuisine nang kaibigan niya kayo magkikita so ibig sabihin yung pinuntahan mo sa kaibigan niya iyon? Eh saan bang Cuisine ka pumunta?"

"Santori's Cuisine"

Kitang kita niya na parang natigilan ito sa kanyang sinabi. "Santori's Cuisine?" Pag-uulit niya dito.

"Nagawi na kami doon ni Adam halos every weekend doon kami kumakain. And I met the owner of the Cuisine at kaibigan nga siya ni Adam so hindi nga malayong kaibigan din siya ni Fire o kilala niya iyon. Teka ha..I never met your Ex boyfriend since college tayo and so with his name di ko masyadong matandaan I just saw him on pictures pero matagal na iyon.. pero ano bang buong pangalan nang Ex mo?"

"Peirce Santori" she said. Umawang ang bibig ni Enaid at nahulog sa malalim na pag-iisip.

"OMG! Really? Seriously? Peirce Santori? Is your Ex?!" Tumango ulit si Rose sakanya. Doon napatakip nang bunganga si Enaid.

"So..I really met your Ex! Siya nga ang kaibigan ni Adam na may-ari nang Santori's Cuisine! Kaya naman pala parang pamilyar sakin yung mukha niya parang nakita ko na siya somewhere and now I remember it! Siya yung nasa picture sa wallet mo noon!"

Confirmed!!!!! What kind of coincidence?!

"Anong plano mo ngayon? Hindi malayong magtagpo na nga ang landas niyo siyempre darating sa punto na magkakaharap din kayo.. don't tell me you will run away again?"

Sa ngayon hindi niya muna iniisip iyon. Lalo na nga kanina na nakita lang niya ito sa malayuan pero anong ginawa niya? She just run away.. paano na nga lang talaga kapag nagkaharap sila?

"You said na nakamove on ka na..you always told us that. Pero sa nakikita ko..--"

"I was just..shocked that's why I leaved.." pero sa totoo lang hindi niya alam ang kanyang naramdaman sa pagkakakita dito. Maybe she's not yet ready to face him.

"Bigla akong nataranta..na baka kapag nagkaharap kami wala akong masabi. Hindi ko naman kasi inaasahan na makikita ko pa siya"

"Bilog ang mundo besi..tsaka hindi malayong magtagpo ang landas niyo remember An--"

"Im fine..anyway, thank you besi for your time but maybe I need to go--"

Hinawakan ni Enaid ang kanyang braso at hinatak siya nito para yakapin. "Andito lang ako..kami ni Erica huwag kang mahihiyang lumapit at magsabi samin okay?"

Nang maghiwalay sila sa pagkakayakap nito ay tinanguan niya ang kaibigan. "Sorry..wala naman kasi akong mapagsabihang iba"

"Loka ka ba?! Beshie tayo!"

Tumawa silang pareho. After that nagpaalam na si Rose, Enaid insisted na ihatid siya sa labas nang Subdivision kaso tumanggi siya baka kasi mamaya mapaanak ito nang maaga kaya hinatid nalang siya nito sa labas nang kanilang gate.

Naglakad siya palabas nang Subdivision dahil wala namang dumadaang taxi doon until tumapat siya sa Legendary Park kung saan nasa loob din ito Legendary Subdivision. Tumigil siya at napatingin sa mga taong naroon. She's busy enjoying the view of Legendary Park nang may tumawag sakanya.

"Teacher Rose?!" Napatingin siya sa pamilyar na tinig nang bata. Tumakbo ito patungo sakanya.

"Sabi ko na nga ba ikaw yan Teacher Rose! What are you doing here at Legendary Subdivision po?"

Hinaplos nito ang buhok nang bata "may binisita lang akong kaibigan, ikaw? Dito ka ba nakatira? Bakit nandito ka pa sa labas you should go home--"

"Princess"

Tila nanigas ang kanyang katawan dahil sa boses na iyon. That baritone voice. Hinding hindi niya iyon makakalimutan kailanman.

"Daddy!!!" Tumakbo ito patungo sa lalaking tumawag sakanya. Umayos nang tayo si Rose pero hindi ito tumingin sa direksiyon nang mag-ama Gusto na sana niyang umalis nalang nang walang paalam pero nahihiya siya sa bata.

"Daddy I want you to meet Teacher Rose!"

Kahit hindi niya lingunin ang mga ito ay alam niyang hinihila ng bata ang kasama.

"Teacher Rose this is my Daddy!"

Buong tapang niyang nilabanan ang nararamdaman at pinakalma ang sarili bago lumingon sa dalawa. She composed herself and smiled at them..

"Goodeve Mr. Santori, it's nice to meet you"

-itutuloy-
-joden15-

LEGENDARY BOYS #5: Peirce Santori (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon