KABANATA 11

26 13 0
                                    

Nyx's POV

It's been almost a week since I stayed here.

Kunting tiis nalang Nyx..

Great! I'm convinsing myself to something, even myself don't know.

FAST FORWARD

@Vlad Academia

Kakatapos lang ng klase namin kaya nandito ako ngayon sa hallway.

Thank goodness walang Shawn na nangungulit sakin ngayon.

Ilang minuto narin akong naglalakad sa hallway ng maramdaman kong may nagmamasid sakin.

Pakiramdam ko kanina pa sya nakasunod, pero sa tuwing lilingon ako sa likod wala naman akong makitang tao kaya siguro guniguni ko lang yun.

So weird?

Walang ibang studyante ngayon sa hallway maliban sakin, kaya medyo binilisan ko nalang sa paglakad at nagpatay malisya na kunwari hindi ko alam na may nakasunod sakin.

I have the guts na meron talagang nakasunod sakin..

Sana pala nandito ang magkakapatid na Laćxon para kahit papaano ay alam kong safe ako.

May nakita akong pinto na naka bukas kaya mas binilisan ko pa ang paglakad ko, kasi pansin ko hindi lang isa ang nakasunod sakin marami sila.

Papasok na sana ako nang may biglang humigit sakin at mabilis na tinakpan ang bibig ko ng panyo.

Sh*t! May halong pampatulog!

Papalag pa sana ako pero unti unti na akong nilamon ng antok hanggang sa mawalan ako ng malay.

Shawn..

Shawn's POV

"Tumigil ka na please.. tama na." pagmamakawa ng isang mortal na kanina ko pa sinisipsip ang dugo.

Hindi ko alam kung bakit hindi parin ako makuntento sa dugo ng babaeng to.

Parang may hinahanap ako na wala sakanya.

I dunno..

Hindi ko nalang sya pinakinggan at patuloy parin ako sa pagsipsip ng dugo nya. Masyado akong nauhaw kaya ayoko syang bitawan gusto kong ubusin lahat nang dugo na meron sya.

Pero bigla akong napatigil ng makaramdam ako ng kaba, hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.

Hindi ko nalang sana papansin ang kabang nararamdaman ko, pero laking gulat ko na si Nyx buhat buhat ng tatlong lalaki at sinilid sa loob ng magarang kotse.

Agad akong napabitaw sa mortal na ito na hindi ko alam kung buhay pa ba o patay na, kasi ang mas importante ngayon ay masundan ko ang kotseng yun.

Fvck! Young lady!!

Nyx's POV

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Anong ginagawa ko dito?

Nyati! May dumakip nga pala sa'kin.

Hindi ko masyadong alam ang lugar na to kasi bukod sa madilim, nanakatakot din. Para syang.. abandunadong warehouse.

Ilang saglit pa ng maramdaman kong nakatali pala ako sa kinauopuan kong silya. At may takip ang bibig, kaya hindi ko magawang sumigaw ng tulong o makapagsalita man lang.

"Anong plano? Papatayin na ba natin sya?" rinig kong sabi ng isa sa mga dumakip sakin.

Tansya ko nasa di kalayuan lang sila, kaya medyo naririnig ko ang pinaguusapan nila.

Vampires do Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon