iMessage
Sat, 16 Sept, 9:27 PM
Fr. Emilio:
Good evening, Doc Ia. Kumusta na po ang kapatid nyo?
9:29 PM
Ia:
Hi Pads! Ok na si Marts. Nakatulog nga kaagad pag-uwi namin.
Fr. Emilio:
Pasensiya na talaga sa nangyari. May emergency kasi kami... hindi ko na rin po nacontact ang kapatid niyo dahil pinutol na nila yung signal sa Castallon
Pasensiya na rin dahil hindi ko na kayo naharap kanina sa Basilica. May pinag-usapan pa kami ni Mayor last minute... tapos pagbalik ko wala na kayo. Sorry po talaga
🙇🏻♂️
Ia:
Ano ba, okay lang yun. Actually ako dapat ang magsorry. Responsibility ko siya today pero inuna ko yung research namin. Hindi ko naisip na busy ka rin -- and basically busy rin naman talaga ang lahat ng clergy ngayong araw dahil fluvial procession. Sorry talaga.
9:40 PM
Ia:
And thank you, really. Was told by Fr. Seb that you were the one who asked for the security forces to look for her. Sobrang laking tulong no'n. Hindi namin siya mahahanap ni Fr Vincenzo kung di dahil sainyo.
Sorry sa abala at maraming salamat talaga. You guys had a rough day, huh?
Fr. Emilio:
Kapatid niyo pa rin yun doc. Siyempre hahanapin namin siya.
Magagalit din ho si Senator sa amin kung may nangyari sa kapatid niyo.
Kaya pasensiya na po talaga.
Ia:
Okay lang nga :) I understand. I was able to talk to Fr. Vincenzo about it. Thousands of lives were at stake, so of course you had to be there. Mas kailangan ka doon, kahit na sabihin pa natin na prank lang yun. My parents would understand.
Pahinga na kayo, Pads. May Sunday pa tayo. See you sa Arzobispado! :)
Fr. Emilio:
Get well soon po sa kapatid niyo.
At kahit ayaw niyong magsorry ako, hayaan niyo na lang ako na humingi ng pasensiya na ulit.
Pakiabot na lang din po sa kapatid niyo.
Delivered
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Amartya
General FictionAmartya's goal for her senior year is straightforward: to finish her senior thesis in Nueva Castallon, graduate, and dip. Constantly crossing paths with a young clergyman named Emilio was out of the list... and so is discovering that her sister is h...