iMessage
Mon, 22 Jan, 1:12 PM
Amartya:
Agustin
My friends think we're an item
?!?!?!!!!?!?!?!??!?!
HAHAHA
Agu:
Sinong friends na naman
Si Tancinco?
Amartya:
Kasama na siya doon
But basically lahat ng close friends ko
Dalawa doon magiging estudyante mo btw. Magkikita kayo bukas
🤯
Agu:
Oh
Anong problema dun
Hindi naman totoo
Good luck kamo may pa-quiz ako sa first day
Amartya:
Oo nga. Pero hindi naman sila naniniwala! Pinagtitripan nila ako kanina pa
Paano ko ba iexplain?!!
2:00 PM
Agu:
Na sa akin mo binuhos lahat ng sama ng loob mo sa buhay pati mga lihim ng kapatid mo noong lasing ka kaya kinakaibigan mo ako ngayon para masigurong hindi ko ikakalat sa iba ang mga nalaman ko?
Malay ko sayo
Amartya:
Wtf
Alam ba ng mga estudyante mo na ganito ka ka-sabog?
Hahahaha
Agu:
Isagot mo na lang yan kapag may nakita kang "How's FERRERA, GABRIEL AGUSTIN E. for PH 04?" post sa Profs to Pick
Sabihin mo sabog kausap
2:09 PM
Agu:
Pero seryoso Amartya
Hindi naman yan problema
Hayaan mo yang sila Tancinco
Pagtripan ko na lang sa klase :)
Amartya:
Wow ha
K
Anyway, sinabi ko lang sa'yo na nag-iisip sila ng sketchy. Sana di ka naman ma-awkward thnx bye!
Agu:
Ha ka rin
Una sa lahat
Hindi kita type
Amartya:
The feeling is mutual.
Agu:
Alam ko
Mas gusto mo yung mga naka-sutana
Amartya:
WOW HA
EXCUSE ME?!?!?!?!?!?!?!
Agu:
Alam mo Amartya sakit na yan
Mabuti pa ipakilala na kita doon sa stepbrother ko
Favrian din
Applied Mathematical Finance
Matalino
Kaedad mo lang
Kaso third year
At lumaki rin sa Nueva Castallon
In other words pwede kayo
Bagay
Parehong wirdo
Amartya:
Buwisit ka?!?!?!
Agu:
Buwisit ka rin
Nananahimik ako sa ML tapos magtetext ka
Mabuti pa pag-isipan mo na gameplan mo sa data gathering mo
Tutal makikita mo na yung iniiwasan mo
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Amartya
General FictionAmartya's goal for her senior year is straightforward: to finish her senior thesis in Nueva Castallon, graduate, and dip. Constantly crossing paths with a young clergyman named Emilio was out of the list... and so is discovering that her sister is h...