iMessage
Fri, 26 Jan, 3:13 PM
Daigo:
Sinasabi mo ba na mali ang hypothesis ko na si Father Vincenzo si A? At posibleng Anton ang buong pangalan no'ng A?
Fr. Emilio:
Mukha nga.
Dahil kung may "Anton" na nanggugulo kay Father Vincenzo ngayon, posible na iyong "Anton" na 'yon din ang nanggugulo sa akin noon.
Kasi parang pareho ang timing. May nanggugulo sa akin. May nanggugulo kay Father Vincenzo. Ang sakto naman, 'di ba?
Daigo:
Gago mas naging nakakatakot at komplikado naman?
Parang mas ok pa nung naiisip ko na si Galdamez din naman pala yan kasi at least alam mo na kung sino ang iiwasan
Tapos ngayon, back to zero?
3:18 PM
Daigo:
Teka nga. Pakiulit ulit
Paano mo naabot tong conclusion na to?
Fr. Emilio:
Eh kasi nga di ba tinext pala kasi ni Amartya si Fr. Vincenzo gamit ang ibang number noong pasko? May sinend siya na medyo agresibo ang tono.
Kaso ang akala naman ni Father Vincenzo, si Amartya din yung ibang nagtetext at nanggugulo sa kanya na Anton ang pangalan
Tapos isang araw nakatanggap si Amartya ng text galing kay Fr. Vincenzo na nagsasabing tigilan na sya. Kung hindi idadaan na sa otoridad.
Si Amartya naman... naisip niya na
Daigo:
Naisip na?
Fr. Emilio:
Naisip niya na baka si Father Anton Fermin iyon.
Daigo:
TEKA
ANO
Eh di ba patay na yun? Tagal na ah?
Saka bakit alam ni Amartya yung kwento tungkol dun?
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Amartya
General FictionAmartya's goal for her senior year is straightforward: to finish her senior thesis in Nueva Castallon, graduate, and dip. Constantly crossing paths with a young clergyman named Emilio was out of the list... and so is discovering that her sister is h...