TRANSCRIPT
Phone conversation (1)
30 OCT 2017, 05:22:33 AMAMARTYA:
(soft tone) Hello?(Silence.)
AMARTYA:
Hello? (clears throat) Father?(Silence greets her words.)
AMARTYA:
Hello? Father Emilio?(Silence fills both ends for a couple of seconds. Amartya sighs exasperatedly.)
AMARTYA:
(mumbles) Oi—FR. EMILIO:
(low voice) Hello.AMARTYA:
(startled tone) Oh. . uy! (laughs awkwardly) Hi. . . good morning!FR. EMILIO:
Good morning din.(Silence envelopes both lines for a couple of seconds, only to be broken by sounds of heavy breathing on Emilio's end. Amartya clears her throat.)
AMARTYA:
Uhm. . . so. . . kakagising niyo lang po ba? Or gising pa rin kayo?FR. EMILIO:
(scoffs) Ikaw ba?AMARTYA:
Well, kakagising ko lang po. (yawns) Kakain sana ako no'ng nakita ko ang message niyo.(Silence.)
AMARTYA:
So. . . ano hong meron? (laughs nervously) Bakit napatawag kayo bigla? At first time, ah?FR. EMILIO:
Inaantok ka pa?AMARTYA:
Ho?FR. EMILIO:
(adjusts tone) Inaantok ka pa ba?AMARTYA:
Ah. Hindi. . . hindi naman po?FR. EMILIO:
(sighs) Alam mo, mamaya na lang tuloy—AMARTYA:
Ay hindi, okay lang, 'der! (short pause) Sabi ko, kakagising ko lang. Kakain sana ako. Babangon na talaga ako, 'der.FR. EMILIO:
Sigurado ka? Ang aga pa para bumangon, ah.AMARTYA:
Ganun talaga. (chuckles) Morning person kasi ako.FR. EMILIO:
Weh?AMARTYA:
Oo. Gulat kayo 'no?FR. EMILIO:
Ah. . . (pause) Eh 'di kumain ka muna.AMARTYA:
Ho?FR. EMILIO:
Makakahintay naman 'to. Kumain ka muna.(Silence.)
FR. EMILIO:
Sabi mo kakain ka, 'di ba? (breathes heavily) Mamaya na lang ako tatawag. Pasensya na kung—AMARTYA:
Hindi, okay lang! Pag-usapan na natin—FR. EMILIO:
(lowers voice in a tone of persuasion) Sige na, Amartya. (sighs) Mamaya na lang.AMARTYA:
Si 'der naman? Okay lang nga. 'Wag niyo na ibaba 'yung tawag.(Silence.)
AMARTYA:
'Pag binaba niyo 'to, 'di na ako mage-entertain ng tawag sa inyo.FR. EMILIO:
Ha?AMARTYA:
Oo 'der. Kasi one call a day lang. (laughs) Kaya 'wag niyo nang ibaba. Kung may tanong kayo ngayon, itanong niya na. Wala naman akong ginagawa.
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Amartya
General FictionAmartya's goal for her senior year is straightforward: to finish her senior thesis in Nueva Castallon, graduate, and dip. Constantly crossing paths with a young clergyman named Emilio was out of the list... and so is discovering that her sister is h...