Phone conversation
November 10, 10:38 AMMid-conversation
DAIGO:
(panicky voice) Ano?FR. EMILIO:
Meron... (clears throat) (lowers voice) meron na namang kakong dumating. (hitched breathing) May nakuha na naman ako ngayong araw.(Silence.)
DAIGO:
(whispering) Na envelope?FR. EMILIO:
Oo.DAIGO:
Ano'ng nakalagay?FR. EMILIO:
Pera... ulit. Gano'n na mensahe rin ulit. (short pause) Para sa katahimikan ko. May nagtext din sa akin kahapon. Gano'n... ulit ang sinabi.(Silence.)
FR. EMILIO:
Hindi... hindi ko na alam. (short pause) Pakiramdam ko nga nawiwirduhan na iyong staff sa office, kasi laging may naiiwan para sa akin. (lowers voice) Halata pa na talagang pera ang laman kasi pareho ng lalagyan ng stipend. Baka iniisip nila, tumatanggap na ako ng ilegal na pera o ano.DAIGO:
Haaah. (frustrated sighs) Pero hindi daw ba nila alam kung sino iyong umaabot sa parish office?FR. EMILIO:
Kartero daw, eh. (short pause) Kaso hindi din nila kilala. Iyong kahapon, nakaipit lang sa pinto.DAIGO:
Pwede mo bang matingnan sa CCTV?FR. EMILIO:
Sira pa 'yong CCTV dito. 'Di pa napapalitan.DAIGO:
Ano ba naman 'yan. (frustrated sighs) Papalitan niyo na kaya? Ang dami niyong budget? Para saan ang second collection niyo sa mga misa?(Instead of answering, Fr. Emilio laughs.)
DAIGO:
Bale ano na ang plano mo? (clears throat) Kakausapin mo ba si Amartya Sagarbarria tungkol diyan? O nakausap mo na?FR. EMILIO:
Hindi... hindi ko nasabi.(Silence.)
FR. EMILIO:
Saka medyo natatakot na ako magsabi kay Amartya kasi... (softly) Ito nga, oh. May ganito. Isang tao pa lang nakakausap ko, pero may nagtext na sa akin at nagpapadala ng ganito. Paano kung makaabot na sa kapatid mismo ni Ia? Baka madamay na rin iyong tao.(Silence.)
FR. EMILIO:
Saka... parang busy naman ang isang 'yon. Hindi nga nagrereply sa akin, eh.DAIGO:
Wow. Close na kayo, ah? (chuckles) Parang kailan lang, nagtatago ka pa. Text-text na kayo?(Instead of answering, Fr. Emilio laughs.)
DAIGO:
Anyway... (clears throat) Wala ka ba talagang suspetsa kung sino ang nanggugulo sa 'yo ngayon?FR. EMILIO:
Wala.DAIGO:
Talaga? Wala?FR. EMILIO:
Si... (lowers tone) si Father Sebastian lang naman kasi talaga, eh. Siya lang naman ang sinabihan ko. Siya lang ang unang kinuwentuhan ko. Pati ikaw... wala nang iba. (pause) Maliban na lang kung may nakarinig ng usapan namin ni Fr. Seb noon... pero imposible naman, kasi nasa archives kami no'n.DAIGO:
Malay mo naman? (clicks tongue) O baka may kinuwentuhan si Father Seb?FR. EMILIO:
Imposible naman. Sinabihan nga ako no'n na huwag magsasabi kahit kanino kasi baka—(Pause.)
DAIGO:
Baka?FR. EMILIO:
Te— teka lang. (swallows)(Short silence.)
(Fr. Emilio mumbles incoherently. Sounds of crashing can be heard on his end.)
DAIGO:
Father?(Incoherent noises.)
DAIGO:
Hoy? Naano ka diyan?FR. EMILIO:
Teka! (mumbles incoherently) Teka, Daigo, ano—DAIGO:
Ano?FR. EMILIO:
Sabi niya... (whispers) (heavy breathing) Sabi niya 'wag kong sasabihin kahit kanino... kasi baka ako ang balikan. (panicky) 'Wag ko daw sabihin sa iba kasi baka ako—DAIGO:
Balikan?FR. EMILIO:
Oo!(Silence.)
DAIGO:
Anong balikan?(Pause)
DAIGO:
Teka.... hindi kaya siya lang din naman talaga iyan?
End of transcript.
—
A/N: This is an edited version (2021) so please don't mind the comments (which I will delete later to avoid confusion). This conversation used to be in text message format and was a comedic version in 2019. I'm just trying to fix the mood of the story since it's starting to go downhill from here. Doesn't make any sense for these two to not panic or be serious.If you already know the answer to the question, ssh lang. Hehe.
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Amartya
General FictionAmartya's goal for her senior year is straightforward: to finish her senior thesis in Nueva Castallon, graduate, and dip. Constantly crossing paths with a young clergyman named Emilio was out of the list... and so is discovering that her sister is h...