87. Amartya & Fr. Emilio

1K 259 64
                                    

Phone conversation
06 NOVEMBER 2017, 9:21 AM


AMARTYA:
(cheerily) Good morning, Father Io!

FR. EMILIO:
(hoarse) Hello... good morning. 

(Short silence.)

FR. EMILIO:
(clears throat) Wala ka bang pasok? 

AMARTYA:
Wala pa po! Hapon pa. 

FR. EMILIO:
Eh gagawin? Requirements?

AMARTYA:
Siyempre... meron. (yawns) Pero mamaya ko na gagawin iyon. Tinatamad pa ako. 

FR. EMILIO:
Naku, masama 'yan.

AMARTYA:
Wow ah. Kung makapagsalita kayo... (mumbles incoherently) Bakit, ni minsan ba, hindi kayo tinamad magtrabaho?

(Instead of answering, Fr. Emilio laughs, leading Amartya to a snort and a chuckle. The two then fall towards silence - which goes on for seconds - until it was broken by loud chirping on the priest's end.)

AMARTYA:
Ginagawa niyo pala? 

FR. EMILIO:
(deadpan) Nagdurusa.

AMARTYA:
Yikes... hangover ba? (clicks tongue thrice) (proceeds in a reprimanding tone) Ayan kasi... inom pa more! Ano ba kasi ininom niyo kagabi at nagdurusa kayo ngayon?

FR. EMILIO:
Ewan... (murmurs incoherently) Halo-halo... ata.

AMARTYA:
Ano?

FR. EMILIO:
(groans) Hindi ko na alam, Marts. 'Wag mo nang tanungin—

AMARTYA:
Halo-halo talaga?

FR. EMILIO:
Depende kasi sa table na madadaanan. (sighs) Kapag may inaabot na baso, lalagukin na lang.

AMARTYA:
Wow. (reprimanding tone) I can't believe that you're such a pushover. (clicks tongue) Kung binigyan kayo ng lason, iinumin niyo rin ba? 

FR. EMILIO:
(nagging) 'Wag mo na akong pagalitaaaan.... (mumbles) (buries voice beneath something dense) Ang sakit, sakit ng ulo ko ngayon, Amartya. Sobra. 

AMARTYA:
(softens tone) Tubig lang 'yan, 'der. (laughs) Laklakan niyo ng tubig.

FR. EMILIO:
(clearer voice) Halatang manginginom ka talaga.

(Short silence ensues.) 

AMARTYA:
(clears throat) Anyway. So, Father... second call, na 'to, ah? 

FR. EMILIO:
Second? (murmurs incoherently) Mali... 

AMARTYA:
Ha? 

FR. EMILIO:
(clears throat) Ang sabi ko, mali. (short pause) Seven. 

AMARTYA:
Seven?

FR. EMILIO:
Ika-pito na tawag mo na 'to, Marts. (heavy breathing) Naka-lima kang tawag sa akin no'ng lasing ka... isa no'ng nasa Castallon ka pa... tapos ito. Bale pito. 

AMARTYA:
Oh.

(Short silence)

AMARTYA:
(gasps) Teka— binibilang niyo?

FR. EMILIO:
Hindi...  (chuckles lightly) Naalala ko lang.

AMARTYA:
(teasing) Wow, ha. Napakatibay naman ata ng memory niyo?

FR. EMILIO:
(boastfully) Siyempre naman. Hindi naman ako lasenggero, eh.

AMARTYA:
Anong connect sa alak?

Ang Kwento ni AmartyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon