iMessage
Sat, 24 Mar, 9:12 PM
Parish Priest (DO NOT ANSWER PHONE CALLS):
Nakauwi ka na?
9:14 PM
Parish Priest (DO NOT ANSWER PHONE CALLS):
Ang sama ng tiyan ko kaya tumaas na ako. Kumain ka na lang. Pinaghanda kita kay Manong.
Bakit ka pinatawag ni Archbishop?
Fr. Emilio:
Nasa garahe na po ako. May inaayos lang.
Wala naman po, Father. May tinanong lang po siya.
Parish Priest (DO NOT ANSWER PHONE CALLS):
Tinanong ka nang ganitong oras?
Alam mo ba na noong pasaway pa ako kagaya mo, ganitong oras din akong pinapapunta ni Archbishop sa palasyo?
Ano, pinagalitan ka? Bakit?
Fr. Emilio:
Hindi po ako pinagalitan.
Pinag-usapan lang namin yung sa Chrism Mass.
Parish Priest (DO NOT ANSWER PHONE CALLS):
Sigurado ka, ah?
Hindi ka pinagalitan?
Fr. Emilio:
Hindi po.
Bakit naman ako papagalitan?
Parish Priest (DO NOT ANSWER PHONE CALLS):
Alam mo na. Ang daming pinapatawag ngayon sa opisina.
Fr. Emilio:
Ho?
Parish Priest (DO NOT ANSWER PHONE CALLS):
Asus
Ho-ho ka diyan. Maang-maangan pa
Natawag ka kasi masyado kang close dun sa isang nagsisimula sa A ang pangalan...?
Fr. Emilio:
Po?
Si Amartya po ba?
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Amartya
Ficción GeneralAmartya's goal for her senior year is straightforward: to finish her senior thesis in Nueva Castallon, graduate, and dip. Constantly crossing paths with a young clergyman named Emilio was out of the list... and so is discovering that her sister is h...