74. Fr. Emilio

902 271 155
                                    

iMessageThurs, 2 Nov, 8:27 AM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

iMessage
Thurs, 2 Nov, 8:27 AM


Fr. Sebastian:

Anong ginagawa mo sa bahay ng mga Sagarbarria?!?!? 

Fr. Emilio:

Good morning din po

Paano niyo nalaman?!?!???

Fr. Sebastian:

Busy ka ba? Tatawag ako 

Fr. Emilio:

Wag kayong tumawag der

Okay na 'to

👍🏻

Fr. Sebastian:

Hanggang ngayon ba, inaatake ka pa rin sa mga call? I-silent mo kasi nang hindi ka magkaproblema diyan

Fr. Emilio:

Basta. Ok na ho to

Kahit naman nakasilent ganun pa rin reaksyon ko


9:12 AM


Fr. Sebastian:

Yun nga. Nakita ka raw kasi nina Fr. Vincenzo sa labas ng bahay na tinutuluyan ng mga Sagarbarria kagabing mga alas onse. Anong ginagawa mo doon? Kinausap tuloy ako kanina nang mansinsinan

Eh hindi naman ako kinakausap nito masyado? 

Fr. Emilio:

Wow

Bakit parang napapasa sa akin?

Fr. Sebastian:

Sagutin mo muna tanong ko

Anong napapasa sa'yo?

Basta hindi natutuwa si Fr. Vincenzo. For sure, hindi rin matutuwa si Aletheia. Baka kinukuwestiyon non kapatid niya

Nagkita ba kayo kagabi ni Father?

Saka ano ba kasing ginagawa mo doon? Sa pagkakaalam ko dapat nasa sementeryo ka. Iniwan mo pa ata si Deogracias doon eh 

Fr. Emilio:

Hindi rin ho ako natutuwa sa kanila.

Kakausapin ko kasi sana si Amartya. Kaso parang tulog na siya kaya umalis na lang din ako

Hindi ko nakita sina Fr Vincenzo. Bat di nila ako nilapitan kung nakita nila ako?

Saka binalikan ko ho si Fr Deo. Minasahe ko pa nga likod nun eh

Fr. Sebastian:

Ah ok!

Pero ano ba dapat paguusapan niyo ni Amartya Sagarbarria at talagang tumakas ka pa papunta sa kanila?

Fr. Emilio:

Basta ho der

Sa amin na lang yun

Fr. Sebastian:

Ayan. Diyan ka delikado. Parang alam ko na rin eh.

Hindi ba sinabihan na kita? Hinay-hinay rin Emilio. Alam ko na mahirap magdala pero wag tayong pa-dalos-dalos. 

Pero bahala ka. Desisyon mo yan. Kapag ikaw ang binalikan,  bahala ka rin sa buhay mo. 

Fr. Emilio:

Huh? Sa pagkakaalam ko, Father, wala akong ginagawa na masama

At hindi naman ho tungkol doon ang sasabihin ko

Sabi niyo nga, "it's not my story to tell"

👍🏻

Fr. Sebastian:

Ewan ko sayo 

Basta yun nga

Tinanong tuloy ako kanina ni Father kung normal lang ba yun?

At parang biglaan lang daw na naging close kayong dalawa ni Amartya. Halata na medyo asiwa siya sayo

Samantalang nireject mo nga yung research request ni Amartya sayo dati di ba? Anong nangyayari? 

Fr. Sebastian:

Wag niyo na ngang pansinin yan. Wala naman mali sa ginagawa ko

Ang mabuti pa ho, pakitanong rin ho sa kaniya kung normal bang makipaghalikan sa iba

At kung normal ba pag-isipan na tumakbo na lang sa lahat ng to

Bye
Delivered

Ang Kwento ni AmartyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon