104. Fr. Emilio

848 265 52
                                    

iMessageThurs, 16 Nov, 9:22 AM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

iMessage
Thurs, 16 Nov, 9:22 AM


Fr. Emilio:

Hindi ko pa rin macontact, Daigo. 

Anong gagawin ko rito?

Daigo:

Di macontact pati phone? 

Unattended pa rin?

Fr. Emilio:

Oo. Unattended

Daigo:

Hayyyyyy. 

Alam mo bui, prangkahan na tayo ah: wala ka nang magagawa

Galit yan sayo. Hindi ka nyan kakausapin sa ngayon

Baka hindi ka na kausapin niyan kahit kailan

Fr. Emilio:

Ito na nga ba yung sinasabi ko

Dapat noon ko pa siya kinausap tungkol dito

Daigo: 

Bakit mo nga ba hindi kinausap agad?

Isa ka rin eh 

Emilio:

Pero kung sinabi ko kaagad, baka naman pati siya pinapadalhan ngayon ng kung anu-ano ng wirdong to. 

Ewan ko

Di ko na alam

Di ko na alam ang nangyayari

Bakit naging ganito ka-komplikado? 

Straightforward lang naman dapat ang lahat ng to eh 

Nalaman ko na may babae si Fr. Galdamez.

Sasabihin ko kay Amartya ang totoo, para at least maagapan sa side ng kapatid niya

Pero bakit may nanggugulo sa gitna? 

Daigo:

Hindi ko na rin alam, Father

Ang weird talaga, eh

Pero malinaw naman na ayaw ng kung sino man yan na nanggugulo na sabihin mo kahit kanino ang alam mo. 

Hindi kaya si Father Vincenzo din lang naman yan?

Fr. Emilio:

Si A?

Naisip ko rin na siya. 

Pero ang layo, eh. Sobrang imposible? 

At bakit niya gagawin to? Lahat ng kawirduhan na to? Pwede naman niya akong kausapin nang diretso kung alam niya na alam ko na? 

Daigo:

Kasi baliw na baliw siya dun sa babae niya? 

At may sira siya sa ulo, duh?

Siraulo lang naman ang gagawa niyan.

May pagka-sa-wirdo din naman talaga yun si Galdamez eh. Palibhasa sobrang talino, naalog na ulo. 


9:46 AM


Daigo:

I-consider mo na yung posibilidad na si Vincenzo Galdamez din lang naman ang nantitrip sa 'yo. Sino pa bang iba na pwede? 

Sino pa bang iba na sobrang passionate na wag ipaalam sa mundo na may kabit siya? Siyempre, siya mismo.

Fr. Emilio:

Ugghhh


10:00 AM


Fr. Emilio:

Pinoproblema ko talaga ngayon si Amartya

Alam na niya. Hindi ko siya macontact. 

God knows what she plans to do. Medyo impulsive pa naman ang bata na iyon.

Paano kung siya naman ang guluhin?

Daigo:

Kung si Father Vincenzo nga yan... chances are hindi naman siguro?

Kapatid yan ng minamahal niya, eh

The family would be off-limits, kumbaga

Emilio:

Pero paano kung hindi pala siya?

Paano kung may gawin si Marty?

Delikado si Amartya.

Kailangan ko talagang makausap iyon

Daigo Qian: 

Alam mo bui ito na lang

Puntahan mo na lang kaya sa Favre yung Amartya? Haha

Next year pa ako magtuturo dun eh, sayang. Kung andun na ko ako na kakausap sa kanya in behalf of you

Para lang matahimik na yang kunsensiya mo

Emilio:

Ahhhhhhh

Ok

Daigo Qian: 

Ano?

Anong ok? 

Tangina

Seryoso ka ba?
Read 10:16 AM

Ang Kwento ni AmartyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon