iMessage
Tues, 22 Nov, 1:22 PM
Daigo:
Alam mo desperado ka na talaga
Contact mo na lang kasi kapatid niya kung talagang kating-kati ka na kausapin siya?
Fr. Emilio:
Ayokong kausapin si Ia. Baka kung ano pa masabi ko sa isang yun.
Daigo:
Eh anong gagawin mo ngayon?
Mental telapathy?
Fr. Emilio:
Pwede rin akong pumunta sa Favre
Daigo:
Ulol
Ano ka boypren?
Fr. Emilio:
Eh ano nga?
Ilang araw na akong nagmemessage sa kanya. Wala talaga
Nag-aalala na ako
Daigo:
Alam mo ikaw.........
Di ko na alam
Bigyan mo na lang kasi muna ng space yung tao
SPACE
Nagagalit siya sayo. Malamang kapatid niya yun eh. Alam mo pala tapos di mo sinabi sa kanya kahit na nagtanong na siya?
Kahit naman ako magagalit sayo. Iboblock kita sa lahat ng social media na alam ko
Bigyan mo ng three months or so
Fr. Emilio:
Paano kung di na ako kausapin kahit kailan?
Haha
Daigo:
Eh di ok?????????????
Kung ayaw ka nyang kausapin hanggang mamatay ka, hayaan mo na
Ganyan talaga ang buhay
Ayaw niya talaga eh
Basta ang importante, safe yung tao o ano
Fr. Emilio:
Wow
Ok
Daigo:
At saka bakit ba masyadong big deal yun sa'yo to? Para ka namang ano
1:40 PM
Daigo:
Hoy
1:47 PM
Daigo:
Father Emilio, seryosong tanong nga
1:49 PM
Daigo:
Ok ka pa ba?
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Amartya
General FictionAmartya's goal for her senior year is straightforward: to finish her senior thesis in Nueva Castallon, graduate, and dip. Constantly crossing paths with a young clergyman named Emilio was out of the list... and so is discovering that her sister is h...