CHAPTER ONE

965 98 82
                                    

CHAPTER ONE

The First Letter


Mahal kong Anna,

Ito ang unang araw ng ating pagkakalayo. Alam mo bang hinahanap-hanap na agad kita? Sanay kasi ako na paggising ko sa umaga, pagsilip ko sa aking bintana, ikaw ang aking unang nakikita. Nagdidilig ka ng mga halaman habang umaawit, at minsan ay kinakausap mo pa ang mga bulaklak. Hinahanap-hanap na agad kita, mahal ko. Sana ay matapos na ang aking paghihintay.

Nagmamahal,

Rafael


"Wow! Ang sweet naman nito, Anna!!!" kinikilig na sabi ni Tine, ang best friend ko. "Sino kaya 'tong Rafael na 'to?"

"Malay ko. Nakita ko lang 'yan kanina sa labas ng bahay namin," sagot ko at saka kinuha ang papel mula sa kamay niya. Ibinalik ko 'yon sa envelope at itinago sa bag.

"Pero nakakainggit ka, besh! May secret admirer ka na! Tapos handwritten letter pa talaga? Napaka-rare na ng ganito sa panahon ngayon!"

"Baliw! Secret admirer ka d'yan. Baka mamaya na-wrong house lang pala 'yong mail carrier," natatawa kong sagot.

"Wrong house? Ano 'yon, parang wrong send? Duh! Huwag kang mag-imbento, Anna Mae."

Nang makarating kami sa classroom ay naghanap agad kami ng mauupuan sa bandang gitna, sa tabi ng bintana. First year college na kami ni Tine at kumukuha ng kursong Preschool Education. Second semester na ngayon at kasisimula lang ng klase noong Lunes. Today is Friday at nandito kami sa klase namin sa college algebra.

"OMG! Ang pogi naman niya! The who kaya siya?" bulong sa akin ni Tine pero nasa ibang direksiyon ang mga mata niya.

Tiningnan ko ang tinitingnan niya at nakita ang isang lalaking naka-headphone habang nagbabasa ng libro. He has a slicked-black hair, pointed nose, and kissable lips. Mukhang matangkad din siya at maganda rin ang built ng katawan niya, lalaking-lalaki. Guguwapo na sana siya sa paningin ko pero napataas ang isang kilay ko nang makita ang title ng librong binabasa niya.

"Bakla 'yan," sabi ko kay Tine at saka muling tumingin sa harap.

"Huh? Bakla? E, ang pogi-pogi nga niya. Bitter ka na naman, besh!" pagtatanggol niya at muling nilingon ang lalaki.

"Tingnan mo 'yong librong binabasa niya. That's Every Day by David Levithan. At alam mo ba kung tungkol saan ang librong 'yon?" Hindi sumagot si Tine pero alam kong nakikinig siya kaya nagpatuloy ako. "That's about a person who switches body every day. He or she doesn't even know what his or her gender is. That book talks about life, different lives of people."

"O, e, ano ngayon kung nagbabasa siya ng gano'ng libro?"

I rolled my eyes. "Do you think men will read a book like that? A book that talks about life? A book that has fantasy and slice of life genre?" Itinuro ko ang ibang lalaking nasa classroom namin. "And look, ano'ng pinagkakaabalahan ng halos lahat ng lalaki? Cell phone, 'di ba? Siya lang ang naiiba. So I therefore conclude that he is a gay."

Hinampas niya ako nang mahina sa braso. "Aray! Bakit ba?"

"Ang judgmental mo! Kilalanin muna natin 'yong tao. Malay mo reader talaga siya. Duh!" mataray niyang sagot at inirapan pa ako.

"Whatever." Nag-make face na lang ako at saka binuksan ang bag para i-check ang cell phone ko.

Tiningnan ko kung may nag-text sa akin pero wala naman kaya isasara ko na sana uli ang bag ko nang makita ko uli 'yong letter na nakuha ko sa labas ng bahay namin kaninang umaga. Kanino kaya galing ang sulat na 'yon? Medyo makaluma na ang papel, parang matagal nang panahon noong isinulat 'yon. Pero bakit bago pa rin ang envelope? Walang ibang nakasulat sa envelope kundi ang address ng bahay namin at ang pangalan ko.

Letters from The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon