CHAPTER SIX
Midterm Deal
Mahal kong Anna,Kumusta ka? Ako? Heto, hinahanap-hanap ka pa rin hanggang ngayon. Kailan kaya uli tayo magkikita, mahal ko? Gusto na uli kitang makasama at mahagkan. Alam mo bang hinahanap-hanap ko ang mga ngiti mo sa tuwing tumutugtog ako ng gitara? Alam mo bang sa tuwing kumakanta ako ay naiisip kong nasa harapan lamang kita at pinanonood ako? Nais kong makapiling kang muli, Anna.
Mahal ko, nalalapit na ang aming pagsusulit. Alam kong ganoon din sa pinapasukan mo. Pagbutihin natin, mahal ko. Para makatapos na tayo at magkasama na tayong muli.
Oo nga pala. Maiintindihan ko kung bakit hindi ka nakasasagot sa mga sulat ko. Baka kasi hindi ka pinapayagang lumabas ng iyong ina. Ayos lang, mahal ko. Hangga't nababasa mo ang mga sulat ko, masaya na ako roon.
Nagmamahal,
Rafael
"Hey."Agad kong itinago ang sulat na binabasa ko nang makita ko ang paglapit sa akin ni Raffy.
"H-hey," bati ko pabalik.
Nakita niya yata ang pagtatago ko ng sulat kaya sinisilip niya 'yon.
"What's that?" takang tanong niya.
"Nothing. Huwag mo nang pansinin." Itinago ko na ang sulat sa bag ko. "Bakit mo pala ako nilapitan?"
"Bakit? Masama na bang lapitan ang kaibigan ko?" natatawa niyang tanong. Umupo siya sa upuan ni Tine na ngayon e kasalukuyang nasa CR.
Inirapan ko siya kaya mas lalo siyang natawa.
"Ayaw mo talaga akong maging kaibigan? Hanggang tutor-tuttee lang talaga? Can't we level up a bit?"
"Sira. Huwag ka ngang magsalita nang ganyan. Baka akalain nila may iba pa tayong relasyon," pabiro kong utos sa kanya.
"Edi kapag may inisip silang kakaiba sa atin, edi totohanin natin."
Nilingon ko siya at nakita ang nakangisi niyang mukha. Mukhang hindi ko na kailangang mag-assume na maaari akong magustuhan ng lalaking 'to.
"Sorry, you're not my type." Saka ako umirap.
And for the nth time, nag-inarte na naman siya. "Ano ba, Anna Mae? Masakit na, a. Kahapon ka pa."
Hindi ko na siya sinagot. Nakita ko na rin ang pagbabalik ni Tine from the CR. And the moment she set her eyes on me and Raffy, she grinned, not on us—but on me. I just rolled my eyes.
"Hi, Tine!" bati ni Raffy na nagpawala sa ngisi ng kaibigan ko. Tumayo na rin siya para makaupo si Tine.
"Hello, Raffy!"
"Anyway, Anna, I'm just here because I want to tell you na baka puwedeng doblehin mo ang hirap ng mga problem sa tutorial natin? Nalalapit na ang midterms, 'di ba? At nalaman kong mahirap daw magbigay ng exam 'tong si Sir Morala," sabi ni Raffy.
Tumango-tango ako kahit na hindi ko alam na ganoon si Sir. "Noted. I will make a quiz for you later. Not a difficult one, but a hard one."
"You like hard ones, huh?" Kinindatan ako ni Raffy. Bigla naman akong nahiya nang ma-realize kung ano'ng sinabi ko. Gaga ka talaga, Anna Mae!
"Letse! Bumalik ka na nga sa upuan mo."
Tumatawa siyang bumalik sa upuan niya at sakto rin namang dumating na si Sir Morala.
BINABASA MO ANG
Letters from The Past
RomanceTuwing Biyernes ay may nakukuhang sulat si Anna sa labas ng kanilang bahay mula sa isang taong nagngangalang Rafael. But in her seventeen years of existence, she never interacted or been close with someone with the same name. The weird thing is, hal...