CHAPTER SEVEN
Pagtingin
Mahal kong Anna,Kumusta ka na, mahal ko? Ano na kaya ang ginagawa mo sa mga oras na ito? Kumusta na rin ang pag-aaral mo? Sana ay maayos ka lang. Sana ay nakakaya mo ang hirap na ibinibigay sa iyo ng siyensya. Dahil kinakaya ko ang mahirap na matematika.
Oo nga pala, mahal ko. Patuloy pa rin akong tinuturuan ni Ernestine. Marami akong natututunan sa kanya. Naging kaibigan ko na rin siya. Naging bahagi na siya ng aming grupo. Sana ay ayos lang sa iyo iyon. Huwag kang mag-alala, hindi pa rin naman kita ipagpapalit.
Nagmamahal,
Rafael
"May mali talaga, besh," sabi sa akin ni Tine pagkatapos niyang basahin ang sulat. "Mukhang hindi si Raffy na kaklase natin ang nagpapadala ng mga sulat sa 'yo.""Ang weird na nga ng mga nakasulat d'yan. Para bang hindi naman para sa akin."
"If this is not for you, bakit pangalan mo ang nakasulat dito? At bakit sa labas ng bahay n'yo naiiwan?" Nakakunot na ang noo ni Tine.
"I told you. Na-wrong house talaga ang mail carrier. Ayaw lang nilang aminin dahil baka ibawas sa suweldo nila 'yon."
Hinampas niya ako sa braso nang medyo malakas. "Ayan ka na naman sa pagiging judgmental mo! Isusumbong kita kay Raffy, sige ka."
"O, ano namang kinalaman ni Raffy dito?" tanong ko habang hinihimas ang braso kong hinampas niya.
"Sus! Kunwari ka pa e alam ko namang excited ka sa date n'yo. Pinu-push mo pa nga siyang mag-aral, 'di ba?" ngingiti-ngiting tanong niya.
"Puwede ba? Gusto ko lang na makapasa siya, that's all, period," depensa ko.
"Sows! E, wagas ka nga kung makatitig kay Raffy habang kumakanta siya no'ng Tuesday," kinikilig niyang pang-aasar. "Tell me, na-in love ka na rin sa boses niya, 'no?"
"Wait, na-in love? Wow! That's a big word, besh." Saka ako? Ma-i-in love kay Rafael dahil sa boses niya? That's not an enough reason to fall in love.
"Kapag talaga ikaw, na-in love kay Raffy, magpapalibre talaga ako sa 'yo."
"Sorry, that's not going to happen."
***
"Wow! Thirty-eight over fifty! Ang laki ng in-improve mo, a!" puri ni Tine kay Raffy. Nag-apir pa silang dalawa.
"Pa'no ba 'yan, Ms. Santos, mukhang matutuloy ang date natin after midterms," pang-aasar ni Raffy.
Inirapan ko siya pero nakangiti ako. Masaya ako na malaki ang in-improve niya mula sa diagnostic test namin hanggang sa long quiz namin kanina.
"That was just a long quiz, Mr. De Jesus. Midterms ang usapan natin."
"I will surely pass that one. So where do you want to go on our date?"
Napagpasyahan naming huwag munang mag-aral ng college algebra ngayon dahil nakaka-drain ang long quiz namin kanina.
Tinaasan ko siya ng kilay. "So you're really confident, huh?"
"Of course, Ms. Santos. Pagsasamahin ko lang ang kapangyarihan ng magaling kong tutor at magaling kong utak para makakuha ng passing score." Sinabi niya 'yon with actions kaya hindi namin napigilang hindi matawa. Pati naman siya ay natawa sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Letters from The Past
RomanceTuwing Biyernes ay may nakukuhang sulat si Anna sa labas ng kanilang bahay mula sa isang taong nagngangalang Rafael. But in her seventeen years of existence, she never interacted or been close with someone with the same name. The weird thing is, hal...