CHAPTER THREE
Why Anna?
"Naku kang bata ka, Anna Mae! Saan mo ba inilagay ang ID mo?" mala-nanay na tanong sa akin ni Tine."Sigurado akong nandito lang 'yon. Nandito sa bag 'yong ID lace ko, oh! Kaya for sure na nandito lang 'yon," naiinis na sagot ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko malaman kung saan napunta ang ID ko.
Last Friday, pagkalabas namin sa gate ng university, hinubad ko ang ID ko at inilagay sa loob ng bag. Nandito ang ID lace kaya sigurado akong inilagay ko 'yon sa bag ko, pero bakit wala? ID lace lang talaga ang nandito.
"Hindi kaya humiwalay 'yong ID mo sa lace no'ng inilalagay mo na sa bag? Kasi 'di ba, paglabas natin ng gate, may dumaan agad na jeep? Nagmadali tayo para makaabot kasi ang luwag pa no'ng jeep," sabi ni Tine.
Then a bulb lit over my head. Nagmadali akong ayusin ang gamit ko, lumabas kami ng bahay, ini-lock ko ang pinto, at saka kami mabilis na tumakbo papunta sa university. Pagdating sa gate ay hingal na hingal kami. Hindi pa kami nakararating sa p'westo ng guard nang may humarang na sa dadaanan ko. I looked up and saw Rafael, our classmate in college algebra.
"This is yours, right?" nakangiting tanong ni Rafael sa akin.
Sa mga oras na 'to, alam kong hingal na hingal ako. Kahit na malapit lang ang university namin sa subdivision, e nakakapagod naman talagang tumakbo nang mabilis. Pero bakit the moment na ngumiti si Rafael, feeling ko huminto ang paghinga ko?
Quit it, Anna Mae! Nawawala ang ID mo!
That thought brought me back to reality. "Sorry, nagmamadali ako, e. Sige, a." Umalis na ako sa harap niya pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.
"This is yours, right?" tanong niya uli at iniharap sa akin ang bagay na kanina ko pa hinahanap at magiging dahilan ng pagka-late ko ngayong Lunes.
"OMG, besh!!! 'Yong ID mo!" rinig kong tili ni Tine.
"P-paano 'to napunta sa 'yo?" Kinuha ko kay Rafael ang ID ko.
"No'ng Friday, pagkalabas ko ng gate, nakita ko kayong dalawa. Parang pamilyar kayo sa akin kaya pinagmasdan ko kayo saglit. Hanggang sa hubarin mo 'yong ID mo at ilagay sa bag. Unluckily, mukhang na-press mo 'yong lock kaya humiwalay 'yong ID sa lace at nalaglag. I picked up your ID and tried to call and catch you but you didn't hear me. Luckily, you have a class schedule on the back of your ID," mahabang paliwanag ni Rafael.
"Maybe you're my destiny. You and I are meant to be . . ." pagkanta ni Tine, halatang nang-aasar.
"Ernestine Grace Instrella," pagtawag ko sa buong pangalan ng kaibigan ko at pinandilatan ko pa siya. It is a sign na kailangan niyang manahimik.
"Oops! Showi . . ." nang-aasar niyang saad.
Binalik ko uli ang atensiyon ko kay Rafael. "Thank you! Thank you so much! Actually, I was running to ask the guard kasi naalala ko ring baka nahulog ko nga rito. And I'm so thankful that you found it." I gave him a big smile.
"No worries. Just take care next time. Baka iba na ang makapulot niyan, baka hindi pa ibalik," nakangiti niyang saad.
"Huy, besh! Hala! Male-late na tayo!" sigaw ni Tine kaya biglang nag-panic ang isip ko.
"Sorry, we have to go," paalam ko kay Rafael.
"Sure, sure. Go ahead." Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya. Letse! Tama pala si Tine, kissable nga ang lips niya.
"Thank you uli, Raf! I'll see you when I see you!" Pagkatapos ay mabilis na akong nagpa-check ng bag sa guard at tumakbo papunta sa classroom.
Every class ay may palugit na fifteen minutes, but it is considered late. Pero masuwerte pa rin kapag umabot sa fifteen minutes, dahil papapasukin pa rin sa classroom. Pero kapag more than sixteen minutes ng late, hindi na makakapasok. Luckily, nakapasok pa rin naman kami ni Tine.
BINABASA MO ANG
Letters from The Past
Roman d'amourTuwing Biyernes ay may nakukuhang sulat si Anna sa labas ng kanilang bahay mula sa isang taong nagngangalang Rafael. But in her seventeen years of existence, she never interacted or been close with someone with the same name. The weird thing is, hal...