CHAPTER EIGHT
#TeamRaNna
"Uy, Raffy!" Napalingon ako kay Tine at nakitang nakatingin siya sa isang direksiyon. Sinundan ko 'yon at parang gusto kong magpalamon sa librong hawak ko nang makita kong papalapit na sa amin si Raffy."Uy! Ngayon lang tayo nagkita rito sa building natin, a," rinig kong bati ni Raffy.
"Oo nga, e. Ano'ng ginagawa n'yo rito sa floor ng mga first year?" tanong ni Tine.
Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa habang nagkukunwaring nagbabasa ng Earth science book. Today is Tuesday at may long quiz kami. Every Tuesday kasi ang Earth science subject namin.
"Nag-room kami ro'n sa 102 dahil may meeting do'n sa room talaga namin. Dito ba ang klase n'yo?"
"Yup!"
"By the way, these are my friends, Henry, Earl, and Miko," rinig kong pakilala ni Raffy. "Dudes, this is Tine and she is Anna."
Narinig kong binati ni Tine ang mga kaibigan ni Raffy. Ayoko sanang lumingon dahil ayaw kong makita si Raffy pero ayoko rin namang maging bastos, kaya lumingon ako at bumati nang mabilis. Pagkatapos ay bumalik sa pagkukunwaring pagbabasa ng Earth science book.
"Hey, Ms. Santos. Bakit hindi mo 'ko nililingon?" Nagulat ako sa biglaang pagsilip ni Raffy sa mukha ko. Napaatras tuloy ako at hindi sinasadyang may nabangga ako kaya na-out of balance ako. Mabuti na lang at nahawakan ako ni Raffy sa baywang, na parang nasalo niya ako, kaya hindi ako tumumba.
"OH MY GOSH!" rinig kong reaksiyon ni Tine.
"I told you to take care, right?" Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Raffy.
"M-malay ko bang may tao pala sa likod ko," nahihiyang sagot ko.
"Mabuti na lang nandito 'ko, paano kung wala? Edi natumba ka na sa sahig?"
Hindi ako nakasagot. Letse! Bakit siya bumabanat ng ganyan?!
Umayos na ako ng tayo at nagpasalamat kay Raffy. Nakita kong naglalabasan na ang mga estudyanteng nasa Room 108, ang classroom namin sa Earth science.
"So, nag-enjoy ka ba sa pagtingin?" rinig kong pang-aasar ni Raffy.
"Letse! Hindi nga kasi!" pagpupumilit ko.
"Teka, ano'ng pinag-uusapan n'yo? I can't relate," pagsingit ni Tine.
"Ito kasing best friend mo—" I cut him off sabay hampas sa braso niya, na agad din naman niyang hinimas.
"Napindot ko lang 'yon, okay? Letse ka!" Saka ko sila tinalikuran.
Sakto namang nagpapasukan na ang mga kaklase ko sa classroom namin kaya nakisingit na ako sa kanila.
"Goodluck sa exam, Ms. Santos!" rinig ko pang sigaw ni Raffy. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Nakakainis ka talaga, Rafael De Jesus III!
Pagkaupo ko ay bigla kong naalala si Tine. Siguradong gigisahin na naman niya ako. Hindi ko kasi naikuwento sa kanya 'yon dahil umalis sila ng family niya noong weekend. At hindi nga ako nagkamali dahil nang makaupo sa tabi ko si Tine ay agad na niya akong tinanong.
"Anong meron sa pagtingin, 'te?" Nakataas pa ang kilay niya, nasa mataray mode siya ngayon. Ganyan siya kapag alam niyang may hindi ako ikinukuwento sa kanya.
Magkukuwento na sana ako nang pumasok na si Ma'am Castro.
"I'll tell you later."
"You should be."
BINABASA MO ANG
Letters from The Past
RomanceTuwing Biyernes ay may nakukuhang sulat si Anna sa labas ng kanilang bahay mula sa isang taong nagngangalang Rafael. But in her seventeen years of existence, she never interacted or been close with someone with the same name. The weird thing is, hal...