CHAPTER TWO
Twenty-Two
Mahal kong Anna,Kumusta ka na? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Kumusta ang pag-aaral mo? Nahihirapan ka pa rin ba sa siyensya? Kung magkasama lang sana tayo, mahal ko, sana ay matuturuan kita. Huwag kang mag-alala, kapag ako ay nakabalik diyan, may magtuturo na uli sa iyo.
Mahal ko, bakit hindi mo sinagot ang unang sulat ko? Abala ka ba riyan sa inyo? Sana ay masagot mo na itong pangalawa.
Nagmamahal,
Rafael
"Hala! Alam ng admirer mo na mahina ka sa science? OMG! Sino ba talaga 'to, besh?" pangungulit ni Tine habang naglalakad kami papunta sa school.Walking distance lang ang subdivision na tinitirhan namin sa school na pinapasukan namin ni Tine. Kaninang umaga, paglabas ko ng bahay ay may nakita na naman akong sulat sa labas ng pinto namin. Maagang pumapasok sa trabaho ang mama ko na isang guro at ang papa ko na isang architect, alas-singko pa lang ay umaalis na sila. Alas-otso nagsisimulang maglibot ang mail carrier kaya hindi na nila 'to nakikita.
"Besh, samahan mo 'ko sa post office mamaya," sabi ko kay Tine.
"Ha? Bakit?"
"Para itanong kung kanino galing 'to." Kinuha ko sa kanya ang sulat at itinago na sa bag.
"Ay, oo nga, 'no? Bakit hindi natin 'yon naisip no'ng nakaraang Linggo?"
"Because we're too occupied na baka si Rafael si 'R.'"
Tumango-tango si Tine. "Sige, sasamahan kita mamaya sa post office. Malapit lang naman 'yon dito."
Nasa bayan kasi ang subdivision namin at halos nandito rin sa bayan ang mga government office. And speaking of Rafael, magkikita nga pala uli kami ngayon.
May diagnostic test kami ngayon sa college algebra. Required kasi 'to every second week of new semester. Kahit na basic math lang 'yan, kailangan ng diagnostic test para malaman ng mga professor kung may naaalala pa ba kami sa mga nakaraang lesson.
Nine o'clock ang simula ng klase namin sa college algebra at nang mag-9:30 na ay nagsimula na kaming mag-take ng diagnostic test.
After an hour of taking the test, oras naman para mag-check. I-che-check na rin namin ngayon dahil tatlong oras naman ang klase namin sa college algebra. Sayang nga naman ang oras.
Ni-shuffle ng professor namin ang mga test paper kaya maaaring hindi test paper ng seatmate namin ang ma-che-check-an namin. At kapag sinusuwerte ka nga naman, ang nagmamay-ari ng papel na hawak ko ay walang iba kung hindi si Rafael E. De Jesus III.
Napatingin tuloy ako sa kanya. Tiningnan ko siya para i-observe kung confident ba siya sa test paper niya. Minsan kasi ay makikita 'yon sa isang tao. Pero mukhang negative ang aura ni Rafael. Hindi ko nakikita sa kanya 'yong confidence ng kaklase naming dean's lister last semester.
And after checking the diagnostic test, that's when I found out na tama ang hula ko sa aura kanina ni Rafael. Over fifty items, he only got twenty-two. Ipinababalik na ni Sir Morala ang papel sa may-ari. Nilingon ko si Rafael at nakadukdok lang ang ulo niya sa ibabaw ng mesa niya. I guess, alam na niya kung ano'ng resulta ng diagnostic test niya. This is not recorded, pero nakakalungkot pa rin naman talaga kapag feeling mo wala kang natutunan o naalala sa mga pinag-aralan mo last semester. And unfortunately for him, this is his second take of college algebra, so nakakalungkot talaga 'yon para sa kanya.
Tumayo na ako at nakita kong tumayo na rin si Rafael. Confirmed, ang tangkad nga niya. Hanggang tainga niya lang ako. Naglakad ako papunta sa p'westo niya. Iaabot ko na sana ang papel niya nang may iabot siyang papel sa akin, ang test paper ko. Siya ang nag-check ng akin? Inabot ko na rin sa kanya ang test paper niya. Itinupi ko 'yon into two para walang ibang makakita ng score niya. And I think, I made a good gesture because he's looking at me as if he's pleading na huwag kong ipagsasabi ang score niya. Kung si Tine siguro ang nakakakita ng paawa face na 'to, kinikilig na 'yon. I just smiled at Rafael at bumalik na sa upuan ko. As for me, I got forty-seven out of fifty. Not bad.
***
"Seryoso? Twenty-two lang siya sa test kanina?!" gulat na gulat na tanong ni Tine pagkatapos kong ikuwento sa kanya ang score ni Rafael. Ikinuwento ko rin sa kanya ang paawa effect na ipinakita sa akin ng kaklase namin. And for the nth time, I'm right, na kikiligin siya kung siya ang nasa posisyon ko kanina. Pero ngayong alam na niya ang score ni Rafael, mukhang magbabago na ang ihip ng hangin.
"Yep! Kahit ako nagulat. I'm not expecting him to get that kind of score. Wala sa itsura niya. Though may clue na rin naman ako kasi nga he's a repeater."
"Wala talaga sa itsura niya! Sayang! I want guys who are good in math para matuturuan niya ako. No offense meant, besh. Pero ang sweet lang kasi n'on, 'di ba? Tuturuan niya ako sa math tapos isa 'yon sa mga magiging bonding namin. Tapos sabay kaming papasa, sabay ga-graduate. Haaay!" sabi ni Tine habang ini-imagine ang ideal love story niya.
Napailing na lang ako habang natatawa. "So no more Rafael E. De Jesus III on your crush list?" pang-aasar ko naman.
Biglang nawala ang puso sa mga mata niya. "No more!" malakas niyang sagot. "Pero sayang, ang pogi pa naman niya. Hay! Hindi talaga mababase sa kissable lips at mapupungay na mga mata ang kakayahan ng isang tao."
"Grabe ka! Ang judgmental mo!" pagbabalik ko sa kanya ng mga sinabi niya sa akin noong nakaraang Biyernes.
"Duuuh!" Natawa na lang ako.
Nasa post office na kami ngayon at kasalukuyang hinihintay ang resulta ng pagtatanong namin tungkol sa letter na nakukuha ko. Maya-maya pa'y bumalik na ang babaeng pinagtanungan namin.
"I'm sorry, Ma'am, pero wala pong Anna Mae G. Santos sa listahan ng pinadalhan namin ng sulat noong nakaraang Biyernes at ngayong araw."
"Sigurado po ba kayo? Baka po kasi naligaw lang 'to sa amin. Pangalan ko at address ng bahay namin ang nakasulat sa labas ng envelope pero baka error lang 'to kaya nagbabaka sakali po kami," sabi ko sa babae.
"Wala po talaga, Ma'am, e. At saka may seal po ang mga envelope namin. May tatak at address po ng post office ang envelope na ginagamit namin kaya nakasisiguro po kaming hindi talaga sa amin galing 'yan," paliwanag ng babae.
Wala na kaming nagawa ni Tine. Nagpasalamat na kami at saka umalis. Sumakay kami sa jeep hanggang sa makarating sa subdivision namin.
"Ano, i-co-confront na ba talaga natin si Rafael?" tanong agad sa akin ng best friend ko pagkababa namin ng jeep.
"Baliw! Hindi natin puwedeng komprontahin 'yong tao nang walang ebidensiya. Mapapahiya lang tayo kapag gano'n."
"Sa bagay. Pero ewan ko, besh, ha. Pero nagiging creepy na ang dating sa akin niyang 'R' na 'yan. Sa unang sulat, nabanggit niya ang morning routine mo na ginagawa mo every summer, everytime na wala tayong pasok, at every weekend. Sa pangalawang sulat naman, nabanggit niya 'yong science, ang subject na pinaka-hate mo." Nahimigan ko ang kaba sa boses ni Tine. "Hindi kaya . . . stalker mo 'yang si 'R'?"
Hinampas ko siya sa braso. "Huwag mo nga akong takutin. Pati ako kinakabahan, e."
"E, kasi naman! Hay naku! Ang sakit sa ulong magka-admirer! Babush na nga! See you tomorrow!" Pagkatapos ay nagpaalam na kami sa isa't isa.
Kahit naman ako ay kinakabahan sa mga sulat na 'to. Pero ayaw ko kasing dibdibin ang mga 'to. Baka kasi may nanloloko lang pala sa akin, pina-prank ako. O 'di kaya'y pinapa-fall ako, tapos sa huli iiwan din naman ako. Kaya mas okay siguro kung itatago ko na lang muna 'tong mga 'to. Wala pa namang nagiging masamang epekto sa buhay ko ang pagkakatanggap ko sa mga sulat, so I will just let this go.

BINABASA MO ANG
Letters from The Past
RomanceTuwing Biyernes ay may nakukuhang sulat si Anna sa labas ng kanilang bahay mula sa isang taong nagngangalang Rafael. But in her seventeen years of existence, she never interacted or been close with someone with the same name. The weird thing is, hal...