CHAPTER NINE
Thirty-Five
Mahal kong Anna,Ngayon na ang pagsusulit namin. Ipagdasal mo ako, mahal ko, ha? Sana ay magbunga ang pagtuturo sa akin ni Ernestine. Magaling siyang magturo, kaya sana ay makakuha ako kahit kaunting porsiyento ng galing niya. Nagkaroon din kami ng usapan na kapag nakapasa ako sa exam namin ngayon ay ililibre niya ako sa isang maganda at sikat na kainan dito sa baryo. Hindi ko alam ngunit parang lalo akong nagkaroon ng inspirasyon para makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit.
Alam mo ba, ang sayang kasama ni Ernestine. Masaya at masarap din siyang kausap. Minsan ay nagtatalo kami dahil madalas ko siyang inisin, ngunit para bang nagkakaintindihan kami na asaran lang ang mga iyon at hindi dapat seryosohin. Nagkakasundo rin kami sa ibang bagay gaya ng pagtugtog ng mga instrumento. Masaya siyang maging kaibigan. Hayaan mo at ipakikilala ko siya sa iyo.
Nagmamahal,
Rafael
Bakit may pakiramdam akong nag-iiba na ang nilalaman ng mga sulat nitong si 'R'? Bakit parang madalas na niyang ikuwento si Ernestine sa mga sulat niya? May mali talaga, e."Sigurado na ako sa hinala ko, besh. The letters are really not for you," sabi sa akin ni Tine pagkatapos niyang basahin ang sulat. Naglalakad na kami ngayon papunta sa university. Ipinabasa ko kasi agad sa kanya ang sulat dahil may pakiramdam talaga akong may mali, kahit pa nga sinabi niyang huwag ko raw ipapabasa sa kanya kapag nabanggit ang pangalang Ernestine.
Tumango ako sa sinabi niya bilang pagsang-ayon. "And the biggest question is, bakit sa akin ipinadadala?"
Pareho kaming napaisip ni Tine. Marami pa kaming pinag-usapang mga tanong, gaya ng bakit nakapangalan sa akin? Bakit walang address? Bakit parang sinasadyang sa akin ipadala? Bakit kapangalan namin nina Raffy at Tine ang mga nasa sulat?
"Nakakaloka naman 'to, besh! Mas mahirap pa 'to sa college algebra!" naiinis na saad ni Tine.
Natawa ako sa frustration na nakikita ko sa mukha niya. Napapaisip din siguro siya sa mga nangyayari. Sino nga ba namang hindi mapapaisip kung nasa isang misteryosong sulat ang pangalan mo at may pagkakapareho pa sa mga nangyayari sa 'yo?
Alam kong naiinis na si Tine pero may kalokohang pumasok sa isip ko kaya naisipan ko siyang asarin.
"Hindi kaya . . ." Napatingin sa akin si Tine, halatang nakuha ko ang atensiyon niya. "Hindi kaya . . . si Raffy talaga 'tong si 'R' tapos na-i-in love na siya sa 'yo?"
Pinanliitan niya ako ng mga mata. "Nice try, Anna Mae. Pero hindi mo mabubuwag ang Team RaNna. Team RaNna for the win!"
"Pero malay mo nga, 'di ba? Gusto lang akong maging tulay ni—"
"Okay, sige. What if gano'n nga ang gustong mangyari ni Raffy? So selos ka na niyan?"
"W-what?"
Natawa nang malakas si Tine, pinagtinginan tuloy siya ng mga kaklase namin. "Gotcha! Tigilan mo 'ko sa kalokohan mo, Anna Mae. Babalik at babalik lang din sa 'yo ang mga kalokohan mo. Alam mo namang mas malakas akong mang-asar kaysa sa 'yo."
Sabi ko nga, e.
Napahinga ako nang malalim. "Huwag na muna nating isipin 'to. May midterm exam pa tayo."
"Hey! Good morning!" bati ni Raffy nang makapasok kami sa classroom.
"Walang maganda sa umaga namin," sagot ni Tine pero nakangiti siya.
BINABASA MO ANG
Letters from The Past
RomanceTuwing Biyernes ay may nakukuhang sulat si Anna sa labas ng kanilang bahay mula sa isang taong nagngangalang Rafael. But in her seventeen years of existence, she never interacted or been close with someone with the same name. The weird thing is, hal...