CHAPTER FOUR
I'll Be Watching You
Mahal kong Anna,Kumusta ka ngayong araw? Sana ay ayos ka lang. Sana ay kumakain ka sa tamang oras. Magpapahinga ka, ha? Alam ko kung gaano ka kasipag mag-aral, pero sana ay huwag mong pababayaan ang iyong kalusugan.
Ako? Ayos lang naman ako, mahal ko. Noong isang araw ay may nakaalitan akong kaklase ko. Mababa kasi ang nakuha kong marka sa matematika kaya pinagkatuwaan ako ng aking mga kaklase. Hindi ako mahilig makipag-away, alam mo iyan, mahal ko. At dahil doon kaya tinukso nila akong duwag at mahina ang utak. Pero huwag kang mag-alala, mahal ko, hindi ako nakipag-away. Umiwas na lamang ako sa kanila at umuwi sa bahay. Alam kong magagalit ka kapag nakipag-away ako, at mag-aalala rin ang aking ina kapag nagkasugat ako, kaya minarapat ko na lamang na hindi sila pansinin.
Ikaw, mahal ko, kumusta ka? Ano ang balita sa pag-aaral mo? Hindi mo na naman nasagot ang ikalawang sulat ko para sa iyo. Hindi ka pa rin ba makalabas ng bahay ninyo? Mag-iingat ka lagi, ha? Mahal na mahal kita.
Nagmamahal,
Rafael
Is this some kind of a joke? Bakit parang related sa nangyari sa amin ni Rafael, na kaklase ko, ang laman ng sulat ngayong araw? Siya ba talaga ang nagpapadala ng mga sulat na 'to?"Kausapin mo na kaya siya, besh?" tanong sa akin ni Tine habang ibinabalik ang sulat sa envelope. Inabot niya 'yon sa akin at ipinasok ko na sa bag ko.
Nandito na kami sa classroom namin sa college algebra. Yep, today is Friday, meaning, magkikita na naman kami ni Rafael, na inaway ko lang naman noong Martes.
Umiling ako. "This is not enough. Hindi naman inasar ng mga kaklase natin si Rafael, 'di ba? Ako ang umaway sa kanya no'ng Tuesday."
"Oo nga. Pero bakit mahina rin sa math 'tong si 'R'? Saka, malay natin kung 'yong blockmates niya ang nang-asar sa kanya, 'di ba?" panghuhula ng besh ko.
That's possible, but not enough. Naasar ko na ng isang beses si Rafael, baka isipin niyang inaaway ko na naman siya kapag kinompronta ko siya tungkol dito sa sulat.
"I have a plan." Napatingin ako kay Tine nang sabihin niya 'yon. "First, you need to apologize to him." Lumingon siya kay Rafael, nilingon ko rin ang lalaki at nakitang nagbabasa na naman siya ng libro habang nakasuot ng headphone. He's the headphone guy once again. "Second, makipag-close ka sa kanya. Third, kapag naging close na kayo, saka mo siya tanungin kung siya ba ang nagpapadala ng mga sulat na 'yan."
I will really do the first one. Alam kong kailangan kong mag-sorry sa kanya dahil sa ginawa kong pang-aasar noong Tuesday. Pero 'yong pangalawa at pangatlo . . .
"Do I really have to be close to him?" tanong ko kay Tine. "Hindi ba puwedeng ang hingin ko na lang na kapalit sa pagtuturo sa kanya ay 'yong pagtatanong tungkol sa mga sulat na 'to?"
"'Te, tingin mo ba bibigyan ka pa niya ng kapalit e inaway mo na nga siya noong Martes? Duh!" mataray na sagot ni Tine.
"E, siya naman ang may kailangan sa akin, a?" depensa ko at saka ngumuso.
"Wow! Parang nakakakita ako ng makapal na pader sa bandang ulo mo, besh," pang-aasar ni Tine at sinipat-sipat pa talaga ang ulo ko.
Inirapan ko na lang siya.
"There's nothing wrong naman to be close to him. Baka nga magkasundo pa kayo dahil pareho kayong mahilig magbasa."
Hindi ko na pinansin ang huling sinabi niya at iniba na lang ang usapan.
BINABASA MO ANG
Letters from The Past
RomanceTuwing Biyernes ay may nakukuhang sulat si Anna sa labas ng kanilang bahay mula sa isang taong nagngangalang Rafael. But in her seventeen years of existence, she never interacted or been close with someone with the same name. The weird thing is, hal...