CHAPTER THIRTEEN

240 62 12
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Rafael De Jesus I


"Raffy! A-ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko sa kanya nang makita ko siya sa labas ng bahay namin.

He's wearing a denim jeans, white T-shirt topped with black long sleeves, and a pair of Dr. Martens boots.

"Aakyat ng ligaw," nakangiting sagot niya.

"W-what did you say?!" gulat na gulat na tanong ko.

"Anna?" Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng bahay namin. "Sino 'yang dumating?"

"Papa!"

"Good morning, Mr. Santos," bati ni Raffy kay Papa.

"Oh, Rafael, right?" nakangiting tanong ni Papa. Tumango naman ang huli. "What are you doing here?"

Umubo nang konti si Rafael, parang inaayos niya ang boses niya para hindi siya pumiyok o manginig. "Sir, gusto ko pong ligawan ang anak n'yo."

Nawala ang ngiti sa mga labi ng papa ko. Alam kong sinabi ni Papa na parang magaan ang pakiramdam niya kay Raffy, pero hindi alam ni Raffy kung ano'ng pinapasok niya.

"Sa loob tayo mag-usap," tanging sagot ni Papa at nauna na siyang pumasok sa loob.

Tiningnan ko nang masama si Raffy pero nginitian niya lang ako at nauna pa siyang pumasok sa akin. Parang confident na confident pa siyang naglakad papasok sa bahay namin.

Letse 'tong lalaking 'to! Bakit parang mas kinakabahan pa ako kaysa sa kanya?

Hindi pa namin napag-uusapan ni Raffy kung ano na ba ang status naming dalawa. Pero dahil sa sinabi niya na aakyat siya ng ligaw, mukhang gusto pa rin niyang magsimula sa umpisa.

Pagdating sa loob ay binati rin ni Raffy si Mama.

"Good morning, Mrs. Santos."

"Good morning to you, Mister . . .?"

Ipakikilala ko na sana siya nang maunahan niya ako.

"Rafael po, Ma'am," nakangiting sagot ng loko.

"Ma'am? Masyado ka namang pormal. Tita Mae na lang," natatawang tanong ni Mama. And she's looking at Raffy intently, na parang inoobserbahan niya ang lalaki.

"Sige po, Tita Mae." Ngiting-ngiti ang loko. Napapairap ako dahil parang wala siyang kabang nararamdaman.

"Sit down, Rafael," utos ni Papa.

"What are you doing here, Rafael?" tanong ni Mama.

"She wants to court my one and only Anna Mae." Si Papa ang sumagot.

"Oh, really? Teka, uso pa ba sa panahon na 'to ang pagpunta sa bahay para manligaw?"

Mama's right. To be honest, nakakakilig 'tong ginagawa ni Raffy. Bihira na ang lalaking nagpupunta sa bahay ng babae para manligaw. Pero letse! Kinakabahan ako sa mga maaari nilang pag-usapan ni Papa.

Umiling si Raffy. "No, Tita. But I want my courtship to be official and legal. And I also want to know if Anna's parents are approving her to have a boyfriend."

"What if we don't?"

"Then I am willing to wait, Sir. Walang problemang maghintay kung ang laki naman ng kapalit." Saka siya tumingin sa akin nang nakangiti.

Umiwas ako ng tingin at hindi sinasadyang kay Papa naman ako napalingon, na nakatingin din sa akin. Napaiwas na naman ako ng tingin at yumuko na lang. Kainis naman, oh! Hindi ko matagalan ang mga titig nila, isang nakakakilig at isang nakakakaba. Letse!

Letters from The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon