THE LAST CHAPTER

454 72 9
                                    

THE LAST CHAPTER

Anna Mae and Rafael III


"Hi, Lolo Rafael. Kamusta ka na po d'yan? Nagkita na po ba uli kayo ni Lola Ernestine?" tanong ni Raffy sa puntod ng lolo niya.

It's been forty days since Lolo Rafael died. Na-stroke siya habang nasa hospital. The doctors tried to save him pero tuluyan nang bumigay ang puso niya. Kahit na ilang linggo ko lang nakasama si Lolo ay naging malapit kami sa isa't isa. Marami kaming napagkuwentuhan, lalo na kapag tungkol kay Raffy.

Inilibing si Lolo Rafael sa tabi ni Lola Ernestine. Doon ko nakita kung gaano niya kamahal ang asawa niya. Gusto niyang hanggang sa libingan ay magkatabi pa rin sila. Siguro nga, sila talaga ang para sa isa't isa. Pinagtagpo lang sila ni Lola Anna pero hindi sila ang itinadhana.

"Hi, Lolo Rafael. Paki kamusta na lang din po ako kay Lola Anna, ha? Kung sakaling magkikita kayo d'yan, paki sabi sa kanyang miss na miss ko na siya," sabi ko naman.

Nilagyan din namin ng bulaklak ang puntod ni Lola Ernestine at kinausap din siya. Tumambay pa kami nang matagal sa pagitan ng puntod nila. Nagdasal din kami at kinakausap din namin sila paminsan-minsan na parang mga buhay na tao talaga sila.

Naalala ko tuloy si Lola Anna. Sayang at hindi siya rito sa sementeryo na 'to nakalibing. Gusto ko rin sana siyang puntahan at kamustahin. Gusto ko ring ipakilala sa kanya si Raffy as my official boyfriend. One of these days ay aayain ko naman si Raffy na dalawin ang puntod ni Lola Anna.

"By the way, Love, ma—"

"Love?" medyo nagulat at the same kinikilig na tanong ko kay Raffy.

"Oo, Love. Ayaw mo ba n'on?"

"G-gusto. E, nabigla lang ako. This is the first time someone called me like that other than my parents," nahihiyang sagot ko.

Natawa siya at nang tingnan ko siya nang masama ay noon lang siya tumahimik.

"Anyway, nagtataka lang ako, Love. Lola Anna's maiden name is Anna Marie Santos, right?" Tumango naman ako. "Ano'ng apelyido niya nang magkaasawa siya? Para kasing hindi mo nababanggit sa akin."

"Gonzales, she's now Anna Marie S. Gonzales."

"Ah. And your mother?"

"Mae Anne G. Santos. Actually, no'ng mag-boyfriend pa lang daw sina Mama at Papa, pinagtatawanan na ni Lola ang magiging future name ni Mama. Kasi nga, her maiden name is Mae Anne S. Gonzales. Tapos, kung sila raw ang magkakatuluyan ni Papa—na nangyari na nga—her name will be Mae Anne G. Santos. Parang umiikot lang daw ang apelyido ni Mama," natatawang kuwento ko.

Natawa rin naman si Raffy sa naging realization niya.

"Kayo, bakit puro Rafael? Bakit isinunod sa inyo ni Lolo ang pangalan niya?"

"As for me, nag-iisang anak lang ako kaya isinunod na ako ni Papa sa kanya. In Papa's case naman, bilang panganay at tagapagmana ni Lolo, isinunod siya sa pangalan ni Lolo."

Napatango na lang din ako. Pero maya-maya'y muli akong nagtanong.

"By the way, ano'ng pinag-usapan n'yo dati ni Papa no'ng nagpunta ka sa bahay namin?"

Napangiti siya. "He asked me if I'm serious in courting you. He asked me when did I start to feel these feelings for you. And he just asked a favor na alagaan daw kita at huwag na huwag pababayaan. 'Yong masaktan, hindi naman daw maiiwasan, lalo na kapag nag-aaway o nagkakatampuhan, pero ang mahalaga raw ay 'yong mag-uusap pa rin nang maayos sa huli."

Napangiti ako. Papa loves me that much.

Maya-maya pa'y nagdesisyon na kaming umuwi. Nagpaalam na kami kina Lolo Rafael at Lola Ernestine. Maglalakad na sana ako paalis nang muli akong hilahin sa baywang ni Raffy.

"What do you think, Ms. Santos, ipagpapatuloy na ba natin ang kuwento nina Lolo Rafael at Lola Anna?" nakangiting tanong ni Raffy.

"Ayoko."

"Ha? Bakit?" kunot-noong tanong niya.

Ipinulupot ko sa batok niya ang mga kamay ko at saka ngumiti. "Because I want us to have our own story. Our own love story."

Bumalik ang ngiti sa kanyang mga labi at mas inilapit pa ako sa kanya. "I want it, too."

Unti-unti ay lumapit ang mukha sa akin ni Rafael.

"Simulan na ba natin?" nakangising tanong niya.

Nakaramdam naman ako nang konting kaba. "Ang alin?"

"Ang kuwento nating dalawa." At bigla niya akong hinalikan nang mabilis sa labi.

Gulat na gulat ang reaksiyon ko habang siya ay nakangisi. Pinakalma ko agad ang sarili ko kahit na ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko.

"Raffy!!!"

"Oops! Sorry!"

Tumatawa siyang tumakbo na parang nagpapahabol. Hinabol ko naman siya at para kaming mga batang naghahabulan sa sementeryo. Iwas na iwas din kaming maapakan ang mga lapida rito. At sa huli'y doon na lamang kami naghabulan sa kalsada na nandito sa loob ng sementeryo.

Lolo Rafael and Lola Anna were not meant for each other. Maybe that's the main reason why they were parted by destiny, to not fall deeper to each other because they will not live together forever.

How about us, are we meant for each other? In this world full of jealousy, cheating, and broken hearts, are we really destined to be together? Is our love story a different one from our grandparents' love story? Or will our granddaughters and grandsons be the same with us, receiving letters from the past and finding out that there's a story that maybe is full of love but not meant to be?

THE END

Letters from The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon