CHAPTER FIVE

452 74 57
                                    

CHAPTER FIVE

Reincarnation


Mahal kong Anna,

May ikukuwento ako sa iyo, mahal ko. Ngunit sana ay hindi ka magselos. Alam mo namang ikaw ang mahal ko, hindi ba? Nag-iisa ka sa puso ko, Anna. Kaya sana ay huwag kang makararamdam ng paninibugho sa aking isasalaysay.

Naaalala mo ba iyong kababata kong ikinukuwento ko sa iyo noon? Si Ernestine. Nandito rin siya at kaklase ko siya ngayon. Alam mo bang ibang-iba na siya sa batang gusgusin noon? Maganda na siya, balingkinitan, lumabas na rin ang lahing Amerikana niya, may pagkamasungit pa rin siya gaya ng dati, pero mabait pa rin naman. Tinulungan niya ako sa matematika noong Martes. Magaling siyang magturo, kaya sa tingin ko ay bagay sa kanya ang maging isang guro.

Huwag kang maninibugho, mahal ko. Natutuwa lamang ako sa kanya dahil mabait siya at mahusay sa matematika. Ngunit ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa aking paningin. Hindi ka nawawala sa aking puso at isipan. Kaya sana ay huwag kang magseselos.

Maalala ko nga pala, bakit hindi ka pa rin sumasagot sa mga sulat ko? Ako ay nag-aalala na, mahal ko. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Mahal na mahal kita, Anna. Kailan kaya uli kita makakapiling?

Nagmamahal,

Rafael


"OH MY GOD!" mahinang sigaw ni Tine pagkatapos niyang basahin ang sulat ni 'R.' "Kinilabutan ako, besh! Bakit nandito ang pangalan ko?"

"Sorry, I'm not him so I can't answer that question." Kinuha ko sa kanya ang sulat. "Pero nakapagtataka, 'no? Bakit kapangalan natin ang mga binabanggit sa sulat? At bakit parang may pagkakahawig sa mga nangyayari sa atin ni Rafael ang mga sinasabi rito?"

"Lumalakas na ang kutob kong si Rafael nga ang nagpapadala ng mga sulat na 'to," sabi ni Tine.

"Pero, besh, may mali, e. Sa sulat, si Ernestine ang nagturo kay Rafael. Pero dito sa atin, ako na si Anna ang nagtuturo kay Rafael."

"May point. Pero grabe talaga! Kinilabutan ako sa nabasa ko!"

Matagal-tagal akong hindi nagsalita, nag-iisip. Nandito kami sa classroom namin sa college algebra. Male-late raw si Sir Morala kaya may oras pa kami para magkuwentuhan. Actually, we have a short quiz today. Pero heto kami ni Tine at walang ibang pinag-uusapan kundi ang sulat na nakuha ko kanina sa labas ng bahay namin.

"Ano, besh, natulala ka na d'yan?" tanong ni Tine.

"Hindi kaya . . . we are reincarnated?" Tumaas ang isang kilay ni Tine pero hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. "'Di ba sabi nila, when someone is reincarnated, he or she will be born again with a different physical form, whether the same gender or not but with the same soul. Hindi kaya . . . tayo ang reincarnation nina Rafael, Anna, at Ernestine?"

"Woah! Woah! Stop there, besh. Tumataas ang balahibo ko sa 'yo!" Hinimas-himas niya ang magkabilang braso niya. "But, why us? Ang daming may pangalang Rafael, Anna, at Ernestine sa mundo, 'no!"

"Baka dahil tayo ang magkakalapit?" panghuhula ko.

"Duh! Ayaw ko nang isipin pa 'yan, OMG! I cannot handle this! Kapag nga may nakalagay na Ernestine sa sulat na makukuha mo, huwag mo nang ipabasa sa akin, ha?"

Hindi ko na sinagot si Tine. Nilingon ko naman si Rafael na sakto namang kaaangat lang ng ulo kaya nagtama ang mga mata namin. Kumaway siya at ngumiti, kahit na medyo naiilang dahil sa sulat na natanggap ko ay nginitian ko rin siya.

Letters from The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon