CHAPTER FOURTEEN

286 63 3
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Anna Marie and Rafael I


"Sa lolo mo galing ang mga 'yon? So ibig sabihin . . . those letters are really not for me?" nagtatakang tanong ko kay Raffy.

Tumango siya. "Those letters are for Anna Marie Santos."

"E, bakit Anna Santos lang ang nakasulat sa ibabaw ng envelope?"

"'Yon lang kasi ang sinasabing pangalan sa akin ni Lolo kaya 'yon lang ang isinusulat ko sa envelope. Saka, malay ba naming may apo at anak pala siya na isinunod niya lang sa pangalan niya."

"Rafael, Anna, nag-aaway ba kayo?" Napalingon kami sa nagsalita at nakita ko si Mama.

Lumapit siya sa amin at hindi ko na rin naiwasang hindi magtanong.

"Mama, may kilala ba si Lola na Rafael De Jesus I?"

Halatang nagulat si Mama, napatakip pa siya ng bibig. "P-paano mo nakilala ang . . . ang lalaking 'yon?"

"Lolo ko po siya," sagot ni Raffy.

"Lo . . . Lolo mo siya?" gulat na gulat si Mama. Tumango naman si Raffy bilang sagot. "A-ano ba'ng buong pangalan mo?"

"Rafael De Jesus III po."

"So, kilala mo nga po ang lolo niya, Mama?" singit ko sa kanilang dalawa.

"O-oo, kilala ko." Huminga nang malalim si Mama. "Pero ang tanging alam ko lang tungkol sa kanya ay naging boyfriend siya ni Ina dati. Bukod doon, wala na akong alam tungkol sa lalaking 'yon."

This time ay ako naman ang nagulat sa sinabi niya. "B-boyfriend siya ni Lola?"

"Dating nobyo. Teka, bakit n'yo pala napag-usapan si Lolo Rafael?"

Ikinuwento ko kay Mama ang tungkol sa sulat. Kinuha ko ang mga 'yon sa kuwarto ko at hinayaan namin ni Raffy na basahin ni Mama ang mga 'yon.

"Bakit ngayon niya lang 'to ipinadala? Bakit ngayong wala na si Ina?" tanong ni Mama kay Raffy.

"'Yan po ang huling hiling ni Lolo sa akin. Sabi niya, ipadala ko raw 'yan kay Anna Marie Santos tuwing Biyernes. Hindi niya naipadala ang mga 'yan dati dahil hinaharang ng ama niya," sagot naman ng lalaki.

"Nasabi nga sa akin ni Ina na pilit daw silang pinaghihiwalay dati ng mga magulang ng lolo mo."

"Paano mo naman nalaman ang bahay namin?" pagsingit ko.

"Bumalik kami ni Lolo sa dating bahay n'yo, pero wala na kayo ro'n. May nakausap kaming kapitbahay n'yo dati ro'n at sinabi niyang dito na nga kayo nakatira. Papa is an architect and he's the architect who plans this subdivision. He's a good friend ng nagmamay-ari nitong lugar n'yo. And because of that connection, nalaman ko kung saan ang bahay n'yo. Pero hindi ko naman akalaing dito ka nakatira dahil noong hinahanap namin ang bahay n'yo, pangalan ng lola mo ang ipinagtatanong namin," mahabang paliwanag ni Raffy.

"Nasaan ang lolo mo? Gusto ko siyang makausap," sabi ni Mama.

***

"Yow, 'Lo!" bati ni Raffy pagkapasok namin sa isang hospital room.

Isang matanda ang nakaupo sa hospital bed at nakasandal sa isang unan. Kung hindi ako nagkakamali, siya na si Mr. Rafael De Jesus I.

"O, apo, bakit nandito ka? Akala ko ba'y hindi ka makakapunta?"

"E, 'Lo, I have something to tell you."

Kumunot ang noo ng matanda. Pinalapit kami ni Raffy sa lolo niya at parang noon lang napansin ng matanda na may kasama ang apo niya.

Letters from The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon