CHAPTER TEN

305 69 14
                                    

CHAPTER TEN

Sunset and Your Guardian Angel


"Hi, Tita!" bati ni Tine nang makapasok siya sa bahay namin.

"Hello, Ernestine. How are you? Hindi ka na nakakapunta rito, a," sabi naman ni Mama pagkatapos nilang magbeso.

"Sorry, Tita. Busy lang po sa nakaraang midterms." Bumaling sa akin si Tine nang makita niya akong lumabas ng kuwarto. "Hi, besh! Ready?"

Tumango ako at saka lumapit kay Mama para magpaalam.

"You look wonderful. Para kang makikipag-date," puri ni Mama sa suot ko.

I'm wearing a pastel pink cold shoulder dress and flat espadrille sandals.

Makikipag-date nga po ako, 'Ma.

"Napag-trip-an ko lang pong pumorma, Mama," nakangiting sabi ko.

"By the way, Tita, hindi lang po kaming dalawa ni Anna ang mamamasyal." Napalingon ako kay Tine nang sabihin niya 'yon. Don't tell me, she will tell about Raffy? "Kasama po namin 'yong isa naming kaklase. Naging ka-close na rin po namin siya dahil nagpaturo din siya ng college algebra kay Anna."

"Wow! Talaga? Bakit hindi mo siya naikukuwento sa akin, Anna?" tanong ni Mama.

"Sorry, 'Ma. Nakakalimutan ko lang pong banggitin."

"O, saan pupunta ang maganda kong anak?" Napatingin kami sa nagsalita, si Papa na kagagaling lang sa garden. Pareho silang walang trabaho ni Mama every weekend. Kaya nga madalas, kapag weekend, nasa loob lang kami ng bahay at nag-fa-family bonding. I'm their one and only daughter kaya bumabawi talaga sila sa akin every weekend.

My mom is a teacher and my dad is an architect, mga pam-busy na trabaho ang meron sila kaya talagang bumabawi sila sa akin. Which is naiintindihan ko rin naman. Hindi naman ako nagtatampo sa kanila.

"Hello, Tito!" bati naman ni Tine.

"Mamamasyal lang po kami ni Tine, Papa," nakangiti kong sagot.

"Then enjoy. Katatapos nga lang pala ng exams n'yo, ano?" Tumango kami pareho ni Tine. "You deserve a break, so go, go. Enjoy your day."

Nagpaalam na kami ni Tine at bumiyahe papunta sa university. Doon kasi namin kikitain si Raffy. Gusto pa nga niya kaming sunduin pero sinabi ko na lang na magagalit si Papa kaya hindi na siya nagpumilit pa.

Pagdating namin sa university ay nandoon na si Raffy. He's wearing a white long sleeved polo, three-quarter pants, and a black loafer shoes. Nakasandal siya sa isang pickup truck.

"Saan ba tayo pupunta? Bakit kung kailan tirik na tirik ang araw at saka mo naisipang magkita?" It's two in the afternoon for Pete's sake!

"May pupuntahan tayo," tanging sagot niya habang nakangiti. "Tara, sakay na!"

"W-wait, is this yours?" gulat na tanong ni Tine.

"Kay Daddy 'to, hiniram ko lang," natatawang sagot ni Raffy. "And don't worry, I have a student's license kaya wala kayong dapat ikatakot."

"Are you sure that your driving skill is safe?" nagdududang tanong ko.

"Do you remember what I told you, Ms. Santos? I will not put you in danger. Just trust me, okay?" Kinindatan pa niya ako.

"Hoy, besh! Sakay na! Huwag nang pabebe, oki?" sigaw sa akin ni Tine at saka siya sumakay sa backseat.

Sasakay na rin sana ako sa backseat nang pigilan niya ako.

Letters from The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon