"BEING COMPARED TO SOMEONE"
Hindi matigil sa pagtulo ng aking luha sa tuwing naaalala ko ang mga masasakit Na salitang lumalabas sa bibig ng magulang ko at Ang patuloy na pagkukumpara nila sa akin kung kani-kanino na para bang isa lamang akong sampid sa bahay na kailangang may mapatunayan para tanggapin nila bilang isang kadugo.
"NAPAKA WALANG KWENTA MO TALAGA KAHIT KAILAN SIMPLENG PAG AARAL LANG HINDI MO MAGAWA!! BUTI PA YUNG KAIBIGAN MO MATATAAS ANG GRADO!IKAW PURO KATANGAHAN!"
"ANO TOH?! BAKIT MAY LINE OF 8 KA SA GRADE! DIBA SABI KO AYUSIN MO PAG AARAL MO, ANG BABA BABA NITO! BUTI PA YUNG PINSAN MO PURO LINE OF 9!"
"BAKIT HINDI KA PA NAGLULUTO! GAYAHIN MO YUNG PINSAN MO ANG BATA BATA PA PERO MAY ALAM NA SA MGA GAWAING BAHAY"
"OH! PAGLILIGPIT LANG ANG GAGAWIN MO HINDI MO PA MAGAWA TIGNAN MO NGA SIYA OH MARUNONG NA MAGLIGPIT"
"ANO TONG NABABALITAAN KONG NAKIPAG AWAY KA DAW! PURO NA LANG BA TALAGA KATARANTADUHAN ANG ALAM MO?! BUTI PA YANG MGA KUYA MO MATITINO!"
Isang araw naiwan akong mag isa sa bahay at natapos ko na lahat Ang mga gawaing bahay ultimo pagluluto,pagwawalis ng bakuran,paglilinis ng bintana ,pagliligpit ,pagwawalis sa loob ng bahay at paglalaba kaya naisipan Kong magpahinga. Kinuha ko ang cellphone ko at humiga sa duyan ng bigla Naman dumating sila mama.
"ANONG HINIHIGA HIGA MO DYAN! NAGLINIS KA BA NG BAHAY?! TIGNAN MO YUNG MGA PINSAN MO DUN NAKITA KO LAHAT MAY GINAGAWA TAPOS IKAW NAKAHIHIGA!"
"CELLPHONE KA NG CELLPHONE! INUUNA MO PA YAN KESA PAGLILINIS NG BAHAY ANG ATUPAGIN MO!"
"MAGWALIS KA NG BAHAY GAYAHIN MO YANG MGA PINSAN MO! SOBRANG KATAMARAN MO TALAGA"
Nilinisan ko pa rin ulit Ang bahay kahit Alam kong malinis na baka mapagalitan na Naman ako, minsan nakakasawa na din pero Wala akong magagawa Kasi mga magulang ko pa rin sila.
"AYUSIN MO YANG PAG AARAL MO, WAG KANG TATANGA TANGA "
"BUTI PA YUNG PINSAN MO NAKAKATULONG NA SA MAGULANG EH IKAW ANG TANDA TANDA MO NA PERO LUMALAKI KANG WALANG KWENTA"
All this time lagi na lang nila akong kinukumpara sa pinsan ko,mga kaibigan ko especially mga Kapatid ko. Being compared to someone is hard yet its hurt so much. Kahit minsan never nilang tinanong kung ano bang nararamdaman ko. I tried to amused them but I failed Ako pa nga Ang napapagalitan. Ganito Na lang siguro Ang magiging buhay ko na Hanggang sa magiging huling hininga ko ay ikukumpara pa rin nila ako.
"ANG HINA HINA MO NAMANG BATA KA, ANG BILIS BUMIGAY NG KATAWAN MO. BINIBIGYAN MO LANG AKO NG GASTUSIN EH BUTI PA YUNG MGA KUYA MO! HINDI AKO BINIGYAN NG SAKIT SA ULO" And that was the last word I heard from them Bago tuluyang tumigil sa pagtibok Ang puso ko.
YOU ARE READING
ONE SHOT COMPILATION
De TodoThis is not just a compilations of my one shot stories. Inside this are my random works. Poems, spoken poetry, etc... IN OTHER WORD, THIS IS A COMPILATIONS OF MY WORKS. DON'T MIND THE TITLE LOL HAHAHAHA