ONE SHOT: FIELD TRIP

895 7 0
                                    

FIELD TRIP

" Skyzer dito ka tabi tayo!" papaakyat pa lang ako ng bus narinig ko na si Kiesha na sinisigaw ang pangalan ko.

Naagaw namin ang atensyon ng iba, napahinto ako ng titigan ako ng lahat ng tao sa bus. Binalewa ko sila at pinuntahan ang pwesto ni Kiesha.

Mahaba habang byahe bago kami nakarating sa bundok Aragon kung saan gaganapin ang aming fieldtrip.

" Studets, attention."  napatayo ako ng tuwid ng magsalita si prof. Tinignan niya kami isa isa saka napataas ng kilay.

" Magkakaroon kayo ng ibat ibang klase ng activities and I will group you into 5 then assigned your leader," napatango kaming lahat.

" Oras na makabuo kayo ng grupo, participation should be in your group kung gusto niyo manalo. Sa oras na manalo kayo makakatanggap kayo ng premyo." naghiyawan ang mga studyante sa sinabi ni prof.

Napailing iling ako sapagkat hindi ako mahilig sa mga activities. What should i do? wala silang maaasahan sa 'kin.

" Aries , La'vyanna, Caleb , Kiesha, Margaux and Skyzer for the the last group, and now you may assign  your leader," pagkatapos sabihin ni prof ang makakagrupo at dumiretso na ito sa kanya kanyang tent upang icheck ang iba.

Namula ang pisngi ko ng magawi ang tingin sa'kin ni Aries. Well, aries is my ultimate crush since Elementary. Magkaklase na kami nuon pa.

Siniko ako ni Kiesha ng mahuli niya akong nakatingin kay Aries " Yieee kagroup pala natin si myloves mo." napailing na lamang ako sa ibinulong nito.

" Si Aries na lang ang assign leader sa'tin tutal siya naman yung may pagka athletic at competitive sa ating lahat," napanguso ako saka napatango tango ng magsimula na silang magplano.

"Ang first activity natin ay  find a rare plants daw sabi ni prof," napakunot ang noo ko.

"Rare plants? saan naman makakakita nun?" tanong ko

" Kaya nga" napatango tango din ang iba.

"Find nga daw diba,tsk," napaismid na lang  ako ng barahin ako ni Aries, pasalamat ka crush kita.

Narinig ko bumungingis si Kiesha at napahalakhak naman si Caleb habang si yung dalawa naman ay nagpipigil ng tawa. I rolled my eyes.

"Sungit." I whispered.

Binalingan ko siya ng tingin at nakita kong masama ang tingin niya sa 'kin tsk.

" Nasa Bundok Aragon tayo, maraming rare plants dito kung yan ang nasa isip niyo." napalingon ako kay prof ng bigla siyang lumitaw at nagsalita.

"But students, kapag nag umpisa na kayong maghanap please be careful. Wag kayong aabot sa gitna ng gubat dahil delikado na roon at huwag din kayo magpapaabot ng gabi maliwag?!"

" Yes prof"

"Simulan niyo na."

Nag umpisa na kaming maglakad at halos isang oras na ngunit wala pa rin kaming mahanap. Maggagabi na rin dahil 4:36 na ng tignan ko ang relo ko.

" Nasaan na ba tayo?" napabaling ang tingin ko kay La'vyanna.

" Pwede bang magpahinga muna tayo, kalahating oras na tayong naglalakad."

" Mabuti pa maghiwa-hiwalay na tayo para mabilis , sa camp na lang tayo magkita kita ." napasang ayon ang iba habang ako ay nakayuko lang habang nakasandal sa isang puno. Gosh! I'm so tired.

" Dalawa na kami ni Skyzer!" napataas ako ng tingin kay Kiesha.

" Oo nga, dalawa na kami." tinignan ako ni Aries at tila sinusuri ang buong pagkatao ko.

ONE SHOT COMPILATIONWhere stories live. Discover now