POEM: COVID 19

607 12 0
                                    

"COVID19"

Ano ng nangyayari?
Sa mundong ating pag aari.
Sakit na 'di mawari
Bakit bigla na lang naglagi

Mga taong nagkakagulo
Hindi mapalagay sa isang anggulo
Nag uunahan sa pagbili
Tila bang may kompitensyang kawili

" Miss, ako ang nauna dito."

" Ate pasensya na po pero kanina pa kami nakapila dito."

" Ano ba? bawal sumingit!"

Pagdami ng naapektuhan
Ng sakit na kalaban
Kailan nga ba malulunasan?
Kung ang lunas ay nasa kawalan

" Doc! ang anak ko tulungan niyo po siya."

" Positive siya sa Covid19."

" Pasensya na po pera kailangan siyang iquarantine."

Pasasaan pa nga ba?
Kung ang buhay ay unti unting nauubos na
Maraming buhay ang isinakripisyo
Malabanan lamang itong sakit na pauso

" I'm sorry but you're daughter is positive in COVID19."

" Time of death 9:45pm."

" Mama babalik ka naman diba?"

" Basta hintayin mo ako ha, mahal na mahal kita."

"Mama balik ka agad kapag nagamot mo na sila."

Kung makikita ang kapaligiran
Walang patid sa katahimikan
Mga taong dating may ngiti sa labi
Heto ngayo'y nakakulong ang sarili

Pahirapang makaalis sa tahanan
Bantay sarado bawat pupuntahan
Mga sundalong nakakalat kung saan
Haharangin ka na lamang biglaan

Hindi mapalagay sa isang sulok
Kung kapamilya nga ba'y buhay at ligtas
Mga kababaya'y nalulungkot
Dahil pati kabuhayan ay nasangkot

Marahil ay Diyos lamang ay nagalit
Sa mga taong mapagsamantalang pilit
Parusa nga ba ito sa atin?
Sa pagsira sa kanyang mga likhain

Wag tayong mawalan ng pag asa
Sapagkat pagsubok ay lilipas na
Diyos ay magbabalik
Na kahit kailanman ay hindi tayo tinalikuran.

ONE SHOT COMPILATIONWhere stories live. Discover now