One Shot : "KAROLING SA BAHAY NI CRUSH"

1K 11 1
                                    

" Next na bahay naman tayo, ang kukuripot naman nung pinuntahan natin." napahalakhak ako sa tinuran ni Karylle.

" Sampung piso? anong mabibili natin diyan?"

" Buti nga binigyan tayo eh, paskong pasko ang reklamo mo."

Napailing iling na lamang ako. Nangangaroling kami pero ang kukunat naman masyado ng mga bahay na pinuntahan namin.

Nahagip ng paningin ko ang isang kulay white na bahay. Ito yata ang pinakamalaking bahay dito sa bayan namin.

" Dun naman tayo kela Kevin,"napangisi ako ng sumang ayon silang lahat.

" Anong gawin natin mamanhikan?" sinulyapan ako ni Chiney.

"Ayowwn!"

" Tara na sa asawa ni Ashley!!" namula ang pisngi ko ng pagtinginan kami ng mga tao.

" We wish you a merry christmas."

Inumpisahan namin patugtugin ang kanya kanyang dalang instrumento.

" We wish you a merry christmas." mas lalong lumakas ang boses namin at ginanahan pang kumanta ng isa isa silang lumabas kasama na si Kevin, nagtama ang paningin namin.

Nagready kami sa bagong kanta...

" Ang nagsindi nitong ilaw."

" Walang iba, kun'di ikaw." napalunok ako ng seryoso lamang itong nakatingin sa akin

" Salamat sa liwanag mo, muling magkakakulay ang pasko."

" Namamasko po," nagsitawanan kami ng matapos. Lumabas si Kevin ng gate at nilapitan kami nang makaisip ako ng kalokohan.

" Sa paskong darating, ako'y iyong mahalin."

" We wish u to marry me crush , we wish you to marry me crush."

" Tayo na Kevin, magtanan na tayo!!."

Nagsitawan sila Karylle ng matapos akong kumanta, napailing iling si Kevin. Inabutan niya sila Chiney ng tag 100 pesos. Tangina ang yaman.

Nagtaka ako ng ako lang ang hindi niya inabutan.

" Thank You! Thank You! sayo na si Ashley thank you!" biglang tumakbo lahat palayo ng kasama ko, ano to bugaw.

" Bakit hindi mo ako binigyan?"

" Nasayo na ang puso ko diba? Damn baby, I can give you more than that 100 pesos. So,shut your mouth co'z you already have me."

"ha?" nalaglag ang panga ko.

Bye mom, ikakasal na ako.

" Kevin anak! juskong bata ka. Nasa ikalawang baitang pa lang kayo ay ang haharot niyo. Magsitigil na nga kayo." napatingin ako kay aling Nena na pinalo ng tsinelas sa pwet si Kevin.

" Don't worry Ashley, age is just a number!" napahagikhik ako sa kilig saka nagmadaling tumakbo pauwi.

" Mama!!!!!" napasigaw ako sa sakit ng bigla akong nadapa.

ONE SHOT COMPILATIONWhere stories live. Discover now