" Tagu- taguan maliwanag ang buwan wala sa likod, wala sa harap tayo'y maglaro sa dilim diliman at pagkabilang ko ng sampu ay nakatago na kayo," kumaripas ako ng takbo at naghanap ng matataguan, napatingin ako kay Lea at nag uumpisa na itong magbilang." Isa!"
" Dalawa!"
" saglit lang naman Lea!"
" Tatlo!"
napahagikhik ako ng makahanap ako ng pagtataguan ko, tumakbo ako ngunit saglit akong napahinto ng mapagmasdan ko kung ano ito. Isang napakalaki at napakagandang bahay, halatang mayaman ang nakatira. Kitang kita ang mansyon dahil sa sinag ng buwan na tumatama dito.
"sampu!" sumiksik ako sa loob ng karton na nakita ko.
" Nasaan na kayo?? alam kong nandyan lang kayoo," sinilip ko si Lea at medyo malayo pa ito sa 'kin, kapagkuwan ay napagmasdan ko ang kalangitan. Sa mura kong edad ay natuto na akong maka appreciate ng ganda ng likha ng diyos.
"pst," napalingon ako sa aking gilid ng makarinig ng kaluskos.
" pst! bata!,"tila isa lamang itong bulong sa aking pandinig.
" s-sino yan?" nakaramdam ako ng kaba ng hindi ito sumagot, sinilip ko muna si Lea at ng makita kong wala ito ay dahan dahan akong lumabas sa aking pinagtataguan.
" Pst," nabaling ang tingin ko sa isang puno at nahagip ng paningin ko ang isang batang lalaki na nakaupo sa duyan.
" M-multo," napaatras ako ng lumapit ito, ngumisi ito sandali saka napahalakhak.
" ang gwapo ko namang multo," napakunot ang aking noo ngunit kalaunan ay nagulat ako ng bigla ako nitong hinila. Napatingin ako sa kamay kong hawak nito. Dug dug, tila naging isang tambol ang dibdib ko.
" Saan mo ako dadalhin?"
" Dito," ngumiti ito at binitawan ang kamay ko. pinalibot ko ang paningin ko sa buong paligid at namangha talaga ako. Isang hardin na mala paraiso, dahil sa sinag ng buwan ay malaya kong nakikita ang makukulay na bulaklak . Mahalimuyak na amoy nito ang tila bumabalot sa paligid.
"ang ganda," kuminang ang mata ko sa nakikita.
" Ako nga pala si Kurt," inabot nito ang kamay.
Ngumiti ako " ako naman si Bea," nagshakehands kami at napahalakhak sa isa't isa.
Umupo kami sa isang silya na may magarang desenyo.
Lumipas ang oras ay nagkwentuhan lang kami.
" Maniniwala ka ba kapag sinabi kong wala akong kaibigan?" napahalakhak ako.
" sa itsura mong yan wala kang kaibigan? eh ang gwapo mo kaya ," ibinulong ko na lamang ang mga huling kataga.
" Hindi naman kase sa itsura nababase ang pakikipagkaibigan," natahimik ako.
" Wala akong kaibigan kasi hindi ako normal," natigilan ako sa kanyang sinabi ngunit napangiti din.
" Abnormal siguro," bulong ko ngunit narinig nito.
" Maka- abnormal naman"
" sorry HAHAHA," nagpeace sign ako.
" Pero totoo, hindi ako normal kasi sa gabi lang ako laging nakakalabas...Hindi ako pwedeng lumabas kapag araw kasi--,"
" Bea! Bea!"
"Kurt!"
Sabay kaming napalingon ni Kurt sa pinanggalingan ng boses, nakita ko si mommy na kasama ang ina yata ni Kurt at mukhang tinatawag na kami.
YOU ARE READING
ONE SHOT COMPILATION
AlteleThis is not just a compilations of my one shot stories. Inside this are my random works. Poems, spoken poetry, etc... IN OTHER WORD, THIS IS A COMPILATIONS OF MY WORKS. DON'T MIND THE TITLE LOL HAHAHAHA