One Shot: "FANGIRL GONE WRONG"

654 8 0
                                    


" Lianaa!!! walang hiya kang bata ka! pinalaki kita ng maayos pero ano ito?!" napahikbi ako ng sampalin ako ni mama.

"Anong bang kulang ko ha?!"

" Manang mana ka talaga sa tatay mo!!"

" binibigay ko naman lahat ng luho mo tapos ganito lang ang isusukli mo sa 'kin?!"

" Ang bata bata mo na nagpabuntis ka na agad, kung 'di lang sinabi ng kuya mo ay hindi ko malalaman!"

"Ma, tama na yan." napayuko ako ng senyasan ako ng kapatid kong si James na umalis na muna. Niyakap nito si mama saka pinatigil sa pag iyak.

" Bumalik ka ditong babae ka!" napaigik ako ng hilahin nito ang buhok ko.

" M-ma ang s-sakit.." Lalong bumuhos ang luha ko ng sampalin ako nito.

"Nasan ang ama ng bata?" napailing lamang ako habang iniinda ang sakit.

"Nasaan ang ama ng bata?!" Niyugyog nito ang balikat ko na tila nanggigigil.

"M-ma..." paos na sambit ko.

"Lumayas ka sa pamamahay ko kung hindi mo maihaharap sa 'kin ang ama niyan." seryoso ang mukha nito at walang mababakas na emosyon, napalunok ako saka nag iwas ng tingin.

"n-nasa k-kwarto po ma, sa likod ng pintuan." Binatukan muna ako nito bago tinungo ang kwarto ko. Nanginginig ang kamay na sinundan ko si mama habang si kuya naman ay nagpipigil ng tawa , inirapan ko ito, kasalanan niya tong lahat eh.

" Liana!!!" hindi pa ako nakakapasok sa kwarto ng mapatalon ako sa gulat dahil sa mala-kulog na boses ni mama.

" Walang hiya kang bata ka! ako ba talaga pinagloloko mo! Mga poster ng iniidolo mong bts yang nasa likod ng pintuan oh!!!"

"Aray ko ma!" napasigaw ako ng tuktukan ako nito.

"Sinabing tigil tigilan mo na yang kakakpop mo!"

"HAHAHAHAHA!" binalingan ko si kiya ng humalakhak ito. It was supposed to be a prank fuck, kasalanan lahat to ni Kuya. Nasampal pa ako ni mama ng dalawang beses tangina talga.

Kapagkuwan ay napaiyak ako ng binatukan ako ni mama, iyak na may kasamang tawa.

ONE SHOT COMPILATIONWhere stories live. Discover now