"Ma, ako na po dyan magpahinga na kayo doon," kinuha ko ang mga pinggan at inayos ito sa lababo. Napapangiti ako sa tuwing sinasabunan ang mga ligpitin.
"anak may lagnat ka ba?" nagulat ako ng biglang si mama sa gilid ko. Dinampi pa nito ang likod ang palad sa noo at leeg ko. Napangisi ako.
" Wala po ma,"
" Himala ata at nagkusa kang naghugas ng pinggan," pinagpatuloy ko ang paghuhugas saka tinaas taasan ito ng kilay.
" Ma, tapos na po," sambit ko ng mailagay sa ayos ang huling pinggan na pinunasan ko para matuyo.
" Oh sya, umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga iaakyat ko na lamang ang gatas mo."
" Sige po ma, kayo rin," tinungo ko ang hagdan at patakbong pumunta sa kwarto ko. Napahagikhik ako habang may naiisip.
Pumunta ako sa closet ko at naghanap ng magandang damit, nagsukat sukat ako habang tinitignan ang sarili sa salamin, napangiti ako ng magustuhan ang isang kulay yellow na simple dress. Pumanhik ako papunta sa cr at nag umpisang maligo. Natapos akong maligo ay isinuot ko ang simpleng bistida na hanggang itaas ng tuhod saka ginamitan ko ng blower ang aking buhok. Pakanta kanta lamang ako habang tinitignan ang sarili sa salamin , ang ganda mo talaga. Miss ko na ang asawa ko hmmm, napanguso na lamang ako. Naglagay ako ng liptint sa labi ko saka kaunting facial powder lamang.
" Chelsie ano yang ginagawa mo?" napatalon ako ng biglang sumulpot si mama.
" a-ah ma, nag aayos po," binalik ko ang tingin sa salamin ng makitang tapos na ako sa ginagawa ko. Tumayo ako at napaikot ng tatlong beses sa harapan ni mama.
Laglag lamang ang panga ni mama na nakatingin sa akin.
" Okay na ba to ma?" napatango ito.
" maganda na ba ako ma?"
"lagi ka namang maganda anak," napahalakhak ako.
" Saan ka pala pupunta? may boyfriend ka na ba? makikipag date ka? sino ba yan?" nahampas ko si mama sa braso.
" Ano ka ba ma! asawa po ang meron ako no," napanguso ako habang iniikot ang iilang hibla ng buhok ko sa aking daliri.
" a-asawa?" napatango ako.
" kailan pa," napangiti ako at nagkibit balikat habang tinungo ang kama.
"saan ka pupunta?"
" matutulog na ma."
" matutulog? akala ko may kikitain ka?"
" Meron nga po ma, kaya kailangan ko ng matulog dahil baka malate na ako sa Dinner date namin ni Elijah Montefalco," napangiti ako ng nakakaloka. Dali kong pinatay ang lampshade at pinikit ang mata. Kaloka si mama mamaya yan magtampo ma sa 'kin si Elijah kasi late na naman ako, pout.
YOU ARE READING
ONE SHOT COMPILATION
AléatoireThis is not just a compilations of my one shot stories. Inside this are my random works. Poems, spoken poetry, etc... IN OTHER WORD, THIS IS A COMPILATIONS OF MY WORKS. DON'T MIND THE TITLE LOL HAHAHAHA