"PAG TEACHER, TEACHER LANG"
"Oy Chelsie si sir oh"
"Ayieeee"
"Ehemm"
"Sir si chelsie oh"
Namula Ang pisngi ko sa mga pinagsasabi ng mga kaklase ko.
Sir Edward is our Math teacher and Hindi ko maitatangging sobrang gwapo Niya kaya Hindi ko maiwasang humanga."Chelsie"
" Yes sir?" Namula ako ng tignan ako ni sir.
"Pakilagay naman sa table nito"
"Opo sir"
"Tapos sabay ka ng maglunch sakin may pag uusapan tayo" napanganga ako.
"O-opo sir"
---
"Uyy chels balitang balita yung paglalunch niyo ng sabay kahapon ni sir ah"
"Ayiiee improvement na ba Yan?"
"Ano ba kayo,nakakahiya"
"Omygash besh, anjan na si sir ehem!"
Napailing na lang ako sa mga kaibigan ko."Good afternoon class" seryosong Saad ni sir.
Natapos Ang klase ni sir ng matiwasay. Hindi ko maiwasang mapasulyap kay sir ng matagal sa tuwing nagtuturo siya minsan ay nahuhuli Kong sumusulyap din siya sa akin at Hindi ko mapigilang mag assume.
---
"Besh" bulong ko kela Alison.
"Oh?"
" Sa tingin ko may gusto rin sakin si Sir" nagsitawanan naman Ang mga kaibigan ko.
*Pout*
" Nagbibiro ka ba?" Natatawang Tanong ni Mich.
"Sabagay Hindi rin naman imposible dahil minsan nahuhuli Kong ninanakawan ka ng tingin ni sir" Saad ni karylle
"At tsaka bata pa naman si sir , ilang taon? 23? Oh Diba bata pa , 5 years lang agwat niyo."
"Ayieeee support , pero kapag nasaktan ka may panyo kami dito hihihi"
"Eh?" Napasimangot na lang ako
-----
"Oyy Chelsie bakit may dalang bucket of flowers si sir kanina tsaka mga chocolates?"
"Para sayo ba Yun?"
"Nililigawan ka ba ni sir?"
"Oyy balitaan mo Ako ha"
Napayuko na lang ako sa mga Tanong ng kaklase ko,pinagtitinginan rin kami sa labas dahil balitang balita Ang mga dalang regalo ni sir at Hindi ko Rin mapigilang mag assume.
"Chelsie!!"
"Oh bakit tumatakbo ka?"
"Pinapatawag ka ni sir Edward sa Faculty room"
"A-ano?" Hindi makapaniwalang Saad ko.
"Ayieeee Go Chelsie!" Kantyaw ng mga kaklase ko.
" Good Morning sir" Hindi ko mapigilang kabahan ng Makita ko si sir Na nakaharap sa laptop niya at may ginagawa, he looks more hotter with a glasses on.
"Come here" napasulyap ako sa flowers at chocolates na nasa tabi ni sir,nahuli naman ako ni sir Na nakatingin Doon.
"Ehem" I cleared my throat.Inabot ni sir yung mga flowers at chocolates Saka binigay sa akin. Nakita ko Siyang napangisi kaya kinilabutan ako.
"Eto oh"
"S-sir" tuluyan akong napanganga sa sunod na sinabi ni sir pag ka abot sakin ng mga regalo.Hindi makapaniwalang tinitignan ko Ito habang pabalik sa room, paulit ulit na nagp-play sa utak ko ang sinabi Niya.
*Pakibigay sa ate mo*
*Pakibigay sa ate mo*
*Pakibigay sa ate mo*
Nanlumo ako ng makapasok sa room,hiyawan naman Ang mga kaklase ko ng Makita Ang dala ko.
"Anong Sabi ni sir?"
"Ibigay ko daw kay ate" tuluyan ng may nahulog na butil ng luha sa mata ko,ang sakit....sobra...Walang hiya ka sir! Masyado kang papool.pinaasa mo Ako...
Napaaww Ang mga kaklase ko sa narinig,tinamaan naman ako sa sinigaw nung isa.
"YAN KASI! PAG TEACHER, TEACHER LANG!!!"
YOU ARE READING
ONE SHOT COMPILATION
DiversosThis is not just a compilations of my one shot stories. Inside this are my random works. Poems, spoken poetry, etc... IN OTHER WORD, THIS IS A COMPILATIONS OF MY WORKS. DON'T MIND THE TITLE LOL HAHAHAHA