"NO LABEL"
Akala ng iba, kayo na
Kasi kung umasta kayo, para kayong may label
Nag ilove youhan?
Naglalambingan?
Puro kasweetan?
Pero na saan ang label?
Nasa talampakan?
Buti pa ang isang nobela may titulo
Eh tayo? ayy mali! wala naman palang tayo.
Ulitin natin sa umpisa.
Ano nga ba ulit tayo?
Sabihin mo dahil gulong gulo na ako. Marahil ay nabiktima lamang talaga ako ng matatamis mong salita.
Nahulog sa mata at puso mong mapaglinlang.
Natalo ako, natalo ako sa laban na ito. Nahulog ako pero walang sumalo.
Kakaiba ka maglaro, ramdam kong talo talaga ako.
Nagising ako sa pagkakakulong sa isang imahinasyon na merong tayo. Masakit...pero saan ako lulugar? may karapatan ba akong mag demand? wala, kasi wala naman tayong label.
Masakit pero pinipilit ko pa kasi para sakin ay may tayo.
Tama na, bitaw na, sigaw ng isip ko.
Ang hirap ng relasyong walang titulo
Dahil Ang hirap ilugar ng samahan nating walang anggulo.
Para tayong naghahanap ng apoy sa dagat dahil kahit saan mo hanapin ang label natin walang mahahanap kasi wala! Isinugal ko ang puso ko sa isang walang kasiguraduhang pagsasama.
Nakulong ako sa rehas ng matinik mong puso, hindi makalabas ng hindi nasusugatan.
Kaso isa lang ang napagtanto ko, ang laki pala ng puso mo, yun bang kasya ang lima sa loob.Walang tayo
Pero masaya ako.
Dahil lahat ng ginagawa mo ay ipinapaalam mo.
Alam kong wala tayong label
Pero hindi ako umangal
Dahil simulat sapul
Walang nabuong pagmamahal
Ayy mali-- sa akin pala meron
Pero sayo? malabo diba.
Nagkaroon tayo ng tawagan
Kahit pa walang kaliwanagan
Nagpanggap akong okay lang
Sa katotohanang walang tayo
Kahit na nasasaktan na ako.
Kasi sino ba naman ako sayo?
Malay ko bang trip mo lang ako
At biglang iiwang luhaan?
Maghirap mag akusa, sa bagay na walang patutunguhan.
Mahirap magdemand
Lalo na't wala akong karapatan.
Alangang sabihin kong "oy!ligawan mo ako."
Pero na saiyo ang pagkukusa kung gusto mo naman.
Baka kasi pag sinabi kong may tayo.
Ay mapahiya ako
Kasi bigla kitang sinagot
pero hindi ka naman nanliligaw.
Dumating sa puntong,
Naghiwalay tayo
Kahit wala namang tayo
sobrang ang sakit, sobra ang pighati
Pero kailangan ng tigilan, kasi yun din naman ang patutunguhan
Masakit isipin
pero kailangan ng pagpahingahin
ang pusong sumugal sa laban na walang kahit anong armas.
Isa lang ang natutunan ko, wag sumugal kapag wala namang label.
YOU ARE READING
ONE SHOT COMPILATION
LosoweThis is not just a compilations of my one shot stories. Inside this are my random works. Poems, spoken poetry, etc... IN OTHER WORD, THIS IS A COMPILATIONS OF MY WORKS. DON'T MIND THE TITLE LOL HAHAHAHA