ONE SHOT: GAME OVER

406 5 0
                                    

GAME OVER

" Mabuhay ang bagong kasal!" napangiti ako ng mapagmasdan ang bawat bisita na mababakasan ng saya sa kanilang mga mukha.

Hinagisan nila kami ng pira pirasong mga bulaklak, napahalakhak ako bago naramdaman ang bisig na biglang yumakap sa aking likuran.

" I love you asawa ko," bulong nito sa aking tainga dahil upang maramdaman ko ang init na hatid ng hininga nito.

" I love you too," napalabi ako ng pisilin nito ang ilong ko. Binigyan ko ito ng isang mabilis na halik sa labi saka kinalas ang pagkakayakap sa akin at tumakbo.

" Hazel asawa ko!" kinindatan ko ito kapagkuwan ay napahalakhak ako ng habulin ako nito.

" Habulin mo ako!" tumakbo ako patungo sa hotel ng resort kung saan ginanap ang reception ng aming kasal. Hinayaan ko na ang mga bisita dahil kaya naman na iyon ng ibang kamag anak namin ni Vito.

Habol ang hininga ng makapasok ako sa inukupang kwarto. Napangiti ako ng biglang sumunod si Vito pagkatapos ay siniil ako ng malalim na halik.

" Sa wakas akin ka na ngayon," tumango ako at ginantihan ito ng halik.

Naalimpungatan ako ng makaramdam ng sakit sa gitnang bahagi ng katawan. Naalala ko ang nangyari kagabi, kung saan naibigay ko ang aking sarili kay Vito. Napangiti ako ng mapagmasdan ang maamo nitong mukha— mukhang mapanlinlang, napawi ang mga ngiti ko. Tinignan ko ang oras at alas tres pa lang ng madaling araw. Bumangon ako at ininda ang sakit, napapaigik ako sa tuwing nakakaramdam ng sakit. Nagsuot ako ng jacket at lumabos ng hotel at tinungo ang dalampasigan.

" Musta ang buhay mag asawa?" napangisi ako.

" interesting," humalakhak ito.

" Huling araw na ito ngayon Hazel, siguraduhin mong hindi na siya sisikatan ng araw bukas." tumango ako, binaling ko ang tingin sa tahimik na karagatan.

" Kumusta naman ang puso mong laging sugatan?" nangilid ang luha ko ng maalala ko siya.

" Basta mag iingat ka iha, siguraduhin mong tapos na ang misyon mo mamayang gabi...aasahan ko yan," ngumisi ako.

" Opo daddy," tumango ito bago lumisan.

Nang mag isa na lamang ako ay pinagmasdan ko muna ang karagatan, sari saring memorya ang bumalik sa isip ko. Mga panahong kasama ko siya kung saan lagi kaming masaya. Ano bang nagawa kong mali at nangyayari ito sa akin? nagmahal lang naman ako ah. Napahugot ako ng hininga at pinunasan ang luhang tumakas mula sa aking mga mata.

Ilang sandali ay napagdesisyunan ko ng bumalik sa hotel, napayakap ako sa sarili ng makaramdam ng lamig kahit na nakajacket.
Pagkapasok ko ng kwarto ay nagulat ako sa nakita ko.

" V-Vito?" lumingon ito.

" Gising ka na pala," ngumiti ako ng pilit at lumapit dito, napalunok ako ng sundan ako nito ng tingin ngunit mas napalunok ako ng makita ang bagay na hawak nito, isang baril.

Ngumisi ito.

" Saan ka galing asawa ko?" halos madiri ako sa endearment nito.

" Dyan lang sa labas nagpahangin," tinago ko ang kabang nararamdaman at niyakap ito sa likuran..

" I love you," bulong ko, humarap ito at binigyan ako ng isang halik.

" I love you too."

Ginamit namin ang isang araw sa puro kasiyahan, kahit papaano ay nakalimutan ko ang pakay ko ngunit sa tuwing naaalala ko ang dahilan ay napapawi ang ngiti ko, malapit na— malapit na at matatapos na rin ang larong ito.

Pumunta kami sa Parke ng umaga, buong umagang pamamasyal. Sa hapon ay inubos namin ang oras sa pagmamaking love. Hindi ko alam kung making love ang maituturing doon, napailing iling na lang ako.

" Nagustuhan mo ba?" tumango ako at ngumiti.

Pumunta ito sa likuran ko at hinagkan akong yakapin, isinandal nito ang baba sa aking balikat.

" Mahal na mahal kita," napawi ang ngiti ko ng marinig ang mga katagang iyon, napuno ng galit ang dibdib ko na pilit kong tinatago. Tumango na lamang ako bilang sagot.

" Punta lang akong restroom,"

" Sige, bilisan mo ha," tumango ako at tumakbong lumisan.

Hinihingal na isinara ko ang pintuan.

" Ayos na ang lahat," sambit ko sa aking earpiece.

Inayos ko ang mga gamit ko, ikinasa ko ang baril bago itinago sa aking damit kung saan hindi makikita, Napangiti ako. The game begins.

" Ang tagal mo naman," salubong nito sa akin.

Ngumiti ako.

" May ginawa lang." hinila ako nito at niyakap.

" I'm sorry," I whispered at binunot ang baril.

Napahalakhak ito, napakunot ang noo ko.

" Hindi mo ako malilinlang," napakalas ako sa kanya, lumayo ako at tinutok dito ang baril.

" Pare-pareho lang naman kayo eh," humugot ito ng baril sa likuran, napaatras ako.

"Akala mo hindi ko alam ang pinaplano mo ha, mahal kong asawa?" ngumisi ito na tila isang demonyo.

"Hanggang ngayon ba ay si Damon pa rin?" saglit na tumigil ang hininga ko dahil sa pangalan na yon. Nanatili pa rin na nakatutuk sa kanya ang aking baril.

" Ni minsan ba hazel ay minahal mo ako? Ako yung laging nandyan pero si Damon ng si Damon ang nakikita mo," naistattuwa ako ng may tumakas na luha sa mga mata nito.

" Ano bang ginawa ni Damon para mahalin mo siya ng ganyan?! " nagulat ako ng magpaputok ito ng baril.

" Kaya pinatay ko siya para sa'kin na mapunta ang atensyon mo...pero pag ibig nga naman dahil pati kamatayan hindi ito kayang pigilan,"

Nangilid ang luha ko, naibaba ko ang baril na hawak ng makaramdam ng awa kay Vito.

" Nagmahal lang naman ako ah."

" No Vito," napailing ako.
" Hindi ka nagmahal! Youre just obsessed! "

Napahalakhak ito.

" Obsessed na kung Obsessed Hazel! ang mahalaga mapunta ka sa akin," napatiimbagang ito.

" Kung kamatayan ang paraan para magkasama tayo, so be it," napaatras ako.

" Your love for Damon will be the death of me Hazel," and before I could protest he pull the trigger.

* Bang!

Tila namanhid ang buo kong katawan, nakaramdam ako ng likido na lumalabas sa aking dibdib. Unti unti akong naghihina. Before I could close my eyes I saw Vito kill himself in front of me.

Napangiti ako, magkakasama na tayo Damon..
For now, the game is over. Let the death be our journey.

" CUT!!!"

Napadilat ako at hinawakan ang ulo.

" Good Job Vito at Hazel!umuwi na kayo at magpahinga," tumayo ako at nag ayos ng sarili.

" Galing mo ah," napalingon ako sa nagsalita.

" You too, Vito." ngumiti ako.

Nag ayos ako ng sarili at napagdesisyunang umuwi, bago ako makaalis ng venue ay may mga humarang na paparazzi, nagulat ako ng bumukas ang backseat door ng kotse ko at pumasok sa Loob si Vito..

He lean on me and pout, " I hate my role, ako yung kontrabida." napahalakhak ako.

Kapagkuwan ay siniil niya ako ng isang matamis na halik, agad ko naman itong tinugon.

ONE SHOT COMPILATIONWhere stories live. Discover now