ONE SHOT:" ISANG PANAGINIP"

496 5 0
                                    

"ISANG PANAGINIP"

Gabi nang minsan tayo ay magkatabi sa dalampasigan habang magkahawak ang ating mga kamay. Parehong dinidinig ang malamyos na hampas ng alon sa karagatan. At sabay na dinarama ang malamig na hangin. Masaya akong nakikinig sa kuwento mong 'di matapos tapos. Puno ng ngiti sa labi at maligaya sa pakiramdam ang bisig mong nakahagkan sa akin.

" Gabi na naman, madilim at wala ng liwanag." napailing iling ka, " Lumubog na pala si haring araw."

" Lumubog man si haring araw, nandiyan naman ang buwan para paliwanagin ang paligid." Mahina kong sambit.

" Pero hindi pa rin sapat iyon..."

" Ayaw mo ba sa gabi?" nakakunot noong tanong ko na ikinailing mo, " 'Dimo ba alam na sa gabi lang natin makikita ang mga nagkikinangang bituin na tila nakangiti sa atin...sa gabi natin makikita ang tunay na kagandahan ng kalangitan na wala sa pagsikat ng araw."

Napahalakhak ka at inabot ang aking kamay, napapikit ako sa mainit na dampi ng iyong labi.

" Nakakita ka na ba ng shooting star?" nabaling ang tingin ko sa iyo nang bigla kang magtanong.

" Oo, pero isang beses lang, ikaw?" mula sa tuwina ay sumilay ang isang ngiti sa iyong labi.

" Oo...ilang beses na."

" Humiling ka?" nakita ko ang marahan mong pagtango.

" Ano iyon?" hindi ko maiwasang mailang sa tingin na iyong ibinibigay. Tinignan ko ang kamay nating dalawa nang ito'y iyong pagsiklupin.

" Ang hiniling ko... na sana..." isang matamis na ngiti ang iyong binitawan habang ang mata mo ay tutok sa akin. " Hiniling ko na sana ay... makasama ko sa habang buhay ang babaeng hawak ko ngayon. Mapakasalan ko siya sa hinaharap." bulong lamang ito ngunit sapat na para sa aking pandinig dahilan kung bakit pamulahanan ako ng pisngi.

" Nandito lang naman ako, hindi ako aalis sa tabi mo ngunit hindi pa pwede ngayon." mahinang bulong ko.

" Kaya ko namang maghintay para sa iyo." huling katagang iyong sinabi bago ka lamunin ang antok.

--
Nang magising ka kinaumagahan ay hindi ko maiwasang mapangiti. Tila ang nangyari kagabi ay isang napakagandang pangitain kung saan tayo ay sabay na nangarap.

"Ano nga pala iyong sinabi mo kagabi?" hindi ko mapigilang mapangiti ng makita kang papungas pungas pa.

" Sinabi ko?" napasapo ka sa iyong ulo at tila inaalala ito.

" Oo."

" Ano bang sinabi ko?" natahimik ako.

" Pasensya ka na kung may nasabi man akong kakaiba kagabi, 'di ko man nasabi saiyo pero lasing ako nun , iba iba talaga ang nasasabi ko." kita ko ang pagpikit mo at tila iniinda ang sakit ng ulo. " Maaga nga pala akong aalis, magkikita kami ni Jessica." at mula sa kaluwalhatian ay nagising ako sa isang panaginip, panaginip na kailan man ay hindi magkakatotoo. Mga matatamis mong ngiti na unti unti nagiging malamig. Ang pananabik sa mga bisig mong mahagkan ako. Ang panaginip na nais kung maging isang reyalidad. Marahil kagabi ay isa lamang iyong magandang panaginip na ako lamang ang nakakaalala.

Perhaps, we're just like the moon and the sun. We know the existence of each other but never have the chance to be together.

ONE SHOT COMPILATIONWhere stories live. Discover now