FATHERS LOVE
Apat na taon nang iwan ako ni ina at si itay ang nag umpisang umagapay. Sa ika apat na gulang ko ay doon ko muling nakitang umiyak ng labis si itay.
Ang bata kong puso ay nakaramdam ng hindi mapasidlang sakit, ang mga luha'y nangingilid habang pinagmamasdan ang itay.
Noon, ang sabi ni ina ay minsan ng umiyak si itay noong ako'y isinilang. Ang walang kamuwang muwang kong isip ay nalilito sa nararamdaman.
Nilapitan ko ang aking ama, umangat ito ng tingin mula sa pagkakasubsob sa puting higaan kung saan nakaratay ang aking ina.
" Itay, b-bakit ka umiiyak?" Ang munti kong puso ay unti unting nadudurog nang makita ang luhang nagtila agos ng tubig sa batis.
" Tay, ang ingay mo naman." Natawa ako sa sinabi ngunit agad din itong napawi ng lumakas ang kanyang hagulgol.
Inilipat ko ang tingin sa aking ina at muli itong pinagmasdan.Napangiti ako ," Shhh." I started caressing my fathers back.
" Tahan na itay, wag ka ng umiyak ang ingay mo eh. Tignan mo oh," turo ko kay ina.
" Natutulog si Ina, baka magising..." Humagikhik ako saka hinigpitan ang yakap kay itay.
Taon na ang nakalipas, Grade 1 na ako at saktong pitong taong gulang. Dali-dali akong lumabas ng classroom nang marinig ang tunog ng bell hudyat na uwian na." Macy, laro muna tayo!" Nilingon ko ang kaibigan kong Si Isaac saka nginitian ito.
" Saka na na lang, pupuntahan ko pa ang itay!" Sigaw ko at muli silang tinalikuran.
" Saglit lang naman Macy, ang dami ko pa namang pogs dito!" Umiling ako at kumaway na lamang.
Nangingiting tinungo ko ang pinagtatrabahuhan ni itay, patalon talon ako habang mahigpit ang kapit sa aking bag.
Umupo ako sa silong ng mangga at tinanaw ang itay na nagbibilad sa init at nagbubuhad ng kahoy na gagamitin nila. Napanguso ako ng hinawi ang mumunti kong bangs. Hapon na pero grabe pa rin ang init ng haring araw.
" Anak, ito sayo oh."Masaya kong inabot ang isang klase ng tinapay at isang zesto juice na kanilang mga meryenda.
"Eh pa'no kayo tay? Nasa'n ang inyo?" Ngumuyang tanong ko.
" Ayos na ako nak, busog pa ako." Tumango tango ako saka inubos ang tinapay.
Naramdaman ko ang pagmamasid ni itay sa bawat kilos ko.
" Mag aral ka ng mabuti anak ha." Tumango ako saka nag thumbs up.
" Syempre naman itay!"
Isang gabi ng busy akong gumawa ng aking mga asignatura.
" Macy anak! Nasaan ka? May pasalubong ang itay." Narinig ko ang pagbukas sara ng kawayan naming pintuan hudyat na may pumasok.
Nagliwanag ang mukha ko ng mabungaran ang aking ama na may dalang pansit, mamon at ulam na tuyo na aking paborito.
" Grabe! Ang sasarap nito, sana lagi tayong ganito."
Tumawa si itay at saka uminom ng tubig.
" Kaya mag aral ka ng mabuti anak nang hindi lang ito ang kakainin natin kun'di ay higit pa."
Lagi niyang pinapaalala sa akin na mag aral ng mabuti, hanggang sa makagraduate ako ng Elementary ay iyon ang kanyang bukang bibig sa tuwing magkakaroon kami ng oras para sa isa't isa.
Inabot ko ang kamay ng aking ama mula sa pagkapatong sa lamesa.
Unti unting nadudurog ang puso ko nang makita at maramdaman ang kanyang kamay na puro kalyo at galos dala ng kanyang trabaho sa construction site.
Sa mga nagdaang taon ay ngayon ko lamang napagtanto ang lahat, ang labis na hirap na dinanas namin ngunit wala pa rin pala hihigit sa hirap na dinanas ng aking ama.
Sa mga panahong nangailangan ako ay lagi siyang nand'yan, mga panahong naghihirap kami ay nananatili siyang matatag. I salute my fathers because despite of any hardworks he still manage to keep his smile.
Sa pagtungtong ko ng HS ay naging doble ang pagkayod niya, Isang pagkakamali ang nagawa ko noon. Iyon ay ang hindi pag pansin sa kanyang paghihirap.
" Anak, saan ka pupunta?"
Inayos ko ang suot na sandals saka umirap." Wag mo akong babawalan ngayon itay, lalabas lang kami ng mga kaibigan ko, mauna na kayong matulog."
Ang hindi niya alam ay magkikita kami ng boyfriend ko.
Maaga akong nagrebelde, ang mga ibinibigay na pera ni itay sa akin ay ginagamit kong pang gastos sa date namin ng bf ko. Until the time comes na pinagsisihan ko ang lahat, ang oras kung saan sinampal ako ng katotohanan.Tears started flowing down to my cheeks, hindi ko akalain na lolokohin lamang ako ng lalaking minsan ko ng pinaniwalaan at minahal. Sa mga oras na iyon ay doon lamang ako natauhan ng mapagmasdan ang aking ama na nangangayat na.
At doon ko lamang nalaman na bihira na lamang pala siya kumakain dahil imbes na ibili niya ng pagkain ang kinikita niya ay ibinibigay niya sa akin para panggastos ko sa kabalastugan.
Sunod sunod na tumulo ang luha ko ng maalala lahat ng pangyayari, kung paano ko binigo ang aking ama ngunit nanatili pa ring mapagpatawad.
Pinalis ko ang luhang namalabisbis sa aking pisngi at saka ngumiti sa lahat ng taong naroroon. Bumaba ako ng stage at patakbong nilapitan ang aking amang nakasakay sa wheelchair, kulubot na ang balat at nanghihina na ang katawan.
Malawak ang ngiti nito habang kinukuhanan ako ng litrato.'Pa, I made it." Bulong ko sa hangin.
Graduate na ako at nakapagtapos sa kursong civil engineering. Hindi ko magagawala ang lahat ng ito kun'di dahil sa aking ama. He's my hero, he's my only anchor, and he's my inspiration.
Everybody talks about the mothers love but no one talks about our fathers love. Our father whom face the challenges and instances in our life, A father who protected us, A father who work hard for us.
I salute you Pa. You always gave me hope for a better tomorrow, like you're an angel guiding me out of sorrow. No one can ever beat your love for me. Ikaw ang tumayong ina at ama. You deserve my love from beyond, and you deserve the truthful care.
YOU ARE READING
ONE SHOT COMPILATION
RandomThis is not just a compilations of my one shot stories. Inside this are my random works. Poems, spoken poetry, etc... IN OTHER WORD, THIS IS A COMPILATIONS OF MY WORKS. DON'T MIND THE TITLE LOL HAHAHAHA