CHAPTER 38:

2.9K 64 0
                                    

"Kuya Renjie, ako nga po pala si Allen, tapos po eto po ang mga kapatid kopo na si Anxion, at tas po si Felix at Madrid tapos po ayun po si Ate Fay. "

Kahit malayo ako sa kanila, rinig na rinig ko parin ang malakas na pag papakilala ni Allen sa kanyang sarili at sa mga kapatid nito, habang si Renjie seryoso lang na nakikinig dito. At speaking of demonyong lalaking yun umiral nanaman ang kasungitan, pero sabagay ganun namana ata talaga ang isang yun, wala nang kapag- apagasang magbago. Pero ewan koba minsan talaga hindi ko sya maintindihan . Hanggang ngayon kase hindi ako nito pinapansin, at kung titingnan ko naman ito, umiiwas lang ito nang tingin at halata mo ang pag kainis sa kanyang mukha. Hanggang ngayon ba naman naiinis parin sya sa ginawang pang aasar ko sa kanya kanina? Eh kasalanan nya rin yun sa dinami-dami kase nang katatakutan nya sa simpleng uod pa.

"Ate welly? Mag kagalit po ba kayo ni Kuya Renjie?"

Nagulat naman ako sa biglaan tanong nitong si Fay, habang inaarrange yung mga pinggan na kakainan namin mamaya, napag desyisyunan kase ni lola , na sa labas kame kumain , para naman daw mas maenjoy namin any hangin sa paligid . Kaya inutusan nalang akonhmg gawin ito, at nag volunteer naman si Fay na tulungan ako.

" Hah? Hindi ah... Ganun lang talaga ang lalaking yun, pinag lihi kase sya sa sama, nang loob kaya laging mainitin ang ulo."

Natatawang sabi ko, psh totoo naman kase , baka nga pinag lihi lang yun sa sama nang loob. Kaya laging nag kakaganun. Kaya hanga nalang ako sa mga taong nag tatagal sa ugali nang isang yun.

" Haha, pero alam nyo po sa tuwing nag tatampo si Lola kay Lolo, mabilis nya rin po itong Sinusuyo.. at binibigyan nang bulaklak.."

So ano gusto nyang palabasin? Bigyan ko din nang bulaklak yung demonyong yun?.eh diba dapat lalaki ang gumagawa nun sa babae? Ehh bat parang sa sitwasyon ko, parang ako pa dapat ang gumawa? Tska kung bibigyan ko man sha nang bulaklak, tsaka na pag patay na ang demonyon yun..psh . Eh ano naman din kung naiinis sya? Edi mainis sya? Eh lagi naman syang ganyan, akala mo lagi , galit sa lahat nang taong makakasalamuha nya.

"Ahh ganun ba? Haha ang sweet naman...."

" Opo, kaya nga dapat po ganun din po nag ginagawa nyo kay Kuya Renjie. Kase po sa tingin ko nag tatampo sya sa inyo? "

Nag tatampo? Psh kung makapang utos tong batang to? Parang hindi sya kasabwat kanina,.

" Haha okay lang yun kung mag tampo man sya ? Eh di Bahala sya sa buhay nya! As if namang may pakeelam ako... "

Sabi ko habang inilalagay yung mga tubig sa baso, napansin ko naman ang biglang tahimik ni Fay kaya napatingin narin ako dito.

"Oh???..bakit?"

" Bakit po kayo ganyan kung makapag salita? Kase po kung makapag salita po kayo, Parang hindi nyo po boyfriend si Kuya Renjie..."

Mabilis ko namang napunasan yung natapong tubig sa lamesa, dahil hindi ko namalayan na puno na pala ang basong nilalagyan ko.

Aish. Bakit ba masyadong matalino ang batang to.. at bakit din ba ko hindi nag iisip, aish jhewel umayos ka nga gawin mo nalang kase kung ayaw mong maghinala payan sayo.

" Ah hindi sa ganun, ahm normal na kase yan samen, pero promise magiging okay narin kame mamaya.. hhehehe"

Pero tila hindi parin ito kumbinsido.
Bat ba ang kulit nang batang to?

" pero, oo ngano! Mas maganda pa ngang bigyan ko sya nang bulaklak , okay lang kung parang baliktad kame nang sitwasyon haha... Basta ang mahalaga mawala na agad yung tampo nya... Diba?"

Ngumiti naman ito nang malapad, tsaka mabilis na tumakbo papaalis.. san naman yun pupunta..?? Wag mo sabihin sakin na okay na ang lahat?...

Kung ganun edi mabuti at wala nakung dapat ipag alala pa---

"Ibigay nyo na po ito sa kanya?!"

Halos mapanganga naman ako, dahil sa pag balik nito ay may hawak na itong bulaklak nang gumamela.. nakangiti nya itong iniaabot sakin at nag hihintay nalang na kuhain ko. Medyo hindi ko naman agad mabilis na nakuha iyun kaya sya na mismo ang kumuha nang kamay ko at ipinahawak iyon sakin.

" Kaya nyo po yan! Ate jhewel!!!"

Masyado namang supportive ang batang to... Wala talaga sa intensyon ko ang sundin sya pero, kung hindi ko naman ito gawin baka mang hinala pa sha
At kulitin ako na sabihin ang totoo.

Binalingan ko naman nang tingin ang lalaking pag bibigyan ko daw ngayon nang bulaklak,
Kasalukuyan na itong mag isa dahil yung apat na bata ay nag lalaro na nang habulan sa di kalayuan..

Susundin koba talaga ang batang to sa kahibangan nya?..

" Oh ano? Iha nakahanda naba ang lahat? Oh anong nang yayare dito? Para saan yang bulaklak na hawak mo."

Eto na ngang ikinakatakot ko...
Aish.

" Lola! Kase po si ate Welly----"

" Ahh kase po lola! Ibibigay ko lang po itong bulaklak kay Renjie, inutusan ko lang po si Fay na kumuha nito... "

Napatingin naman ako kay fay na kasalukuyan ngayong nakangiti, bwisit kang bata ka... Nakuh pasalamat ka talaga dahil umaayon sayo ang tadhana.

" Ahhy ganun ba? Ay sya ayun oh si Renjie ibigay mona dali, tamang tama mag isa sya ngayon.. sige na bago tayo mag tang halian......"

Aangal pasana ko nang bigla nakong itulak ni Fay papalapit kay Renjie ,wala namana kung nagawa kase huli na ang lahat bago pa ko makaangal, kase napalingon na sa direksyon ko itong si Renjie na halata mo parin ang kunot sa noo nito, pero mabilis din naman itong umiwas nang tingin., Tch ipakain ko kaya to sa kanya! Letche tong lalaking to may nalalaman pang pag iinarte edi sana hindi ko ginagawa tong kalokohan nato ngayon sa kanya. Psh

"Go ate Jhewel tabihan mo na... Ayiee"

Bulong naman ni Fay nang makarating na kame sa likod nitong si Renjie, tch. Isa pa tong batang to. Sarap nilang pag buhuling dalawa nang lalaking to.

Agad naman syang tumakbo papalayo samin at iniwan nako.
Asar. Talaga.
Napatingin naman ako likod nang lalaking to, takte hindi ko alam kung saan ako mag sisimula..

Kasalanan mo talaga tong dimonyo ka! Kung di kalang talaga nang nag iinarte edi sana hindi ko ginagawa tong kahibangan nato!.
Huminga naman muna ko nang malalim bago mg salita...

Hindi ko alam, pero bakit din bako kinakabahan? Eh si Renjie lang naman ang lalaking to , nawalang ibang gawin kunh di mag inarte... Tch.

Agmh basta , jhewel kaya moyan!
Kung ayaw nyang tanggapin yung bulaklak, ipakain mo nalang... Tch..

Inhale. Exhale.





" ahm.... Hi....."





 HELLo MR. DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon