" Kamusta naman ang pag aaral mo nang kolehiyo? Welly..? Maayos ba naman?"
Tanong sakin ni Lola, habang maingat nyang inaayos ang mga narepak konang mga gulay, ganito kase ang pinag kakaabalahan nya tuwing umaga dahil mamaya dadating narin yung mga mag dedeliver nito sa palengke, at isa to sa mg gawaing namiss ko. Noon pa kase ako nayung kasa-kasama ni Lola Para gawin ang bagay nato.
"Opo naman.... Lola "
" Eh ang ama at ina mo? Yung mga kapatid mo? Ayos lang ba sila? Pag uwi mo ikamusta mo nalang ako sa kanila ... Dahil matagal tagal narin nung huli kaming mag kita..."
Tumango nalang ako bilang sagot, dahil masyado kung sineseryoso itong gulay na nirerepact ko, ang tagal na kase nung bago ko huling gawin ang bagay nato.
"Sya nga pala? Si renjie tulog paba??..."
Oo nga pala yung lalaking yun,
Maaga kase akong nagising kesa sa kanya at nung umalis ako nang kwarto ay tulog parin ito.
Nakakatakot naman gisingin dahil mukhang mahimbing pa ang pag kakatulog nito. Baka masapak pako nang wala sa oras kung gigisingin ko."Ayun!! Si Kuya Renjiee!!!!!!"
"Kyahhh! Kuya!! Renjiee!!!good morning po"
Napalingon naman kame sa taong kanina lang tinatanong ni Lola lung gising na, at eto ngayon
Nag lalakad papunta samin, at halata mo naman na kagigising lang nito dahil sa pag kakagulo nang buhok nito, pero ewan koba pero mas bumabagay payun sa kanya.Dali-dali naman itong nilapitan nang mga bata, at kahit nasa hindi nya ipahalata mukhang naiinis pa ito. Tch ayaw nya ba sa mga bata? Oh totoo ang kasabihang , lokohin muna ang lasing, wag lang ang bagong gising.
" Oh iho, kamusta ang tulog mo? Ayos ba.. mukhang napahaba ang tulog mo ah??.."
Masayang sambit naman ni lola mula dito, at etong lalaking to ngumiti lang nang bahagya tsaka umupo sa tabihan ko.
Hindi ko nalang sya pinansin , at halip mas binigyan ko nang pansin ang gulay na nirerepact ko.Pero kahit nasa gulay ang atensyon ko, hindi ko parin maiwasang marinig yung mga pangungulit nang lima kay Renjie
Habang si Renjie pilit nya lang iyung hindi pinapansin at hindi pinapahalata ang pag kainis nito sa mga bata.Ngayon alam ko na , ayaw nya talaga samga bata... Haha.
Pero laking gulat nalang namin nang isang malakas na mura nalang ang narinig namin at iyon ay mula kay Renjie, at nung tingnan ko ito nakatayo na ito.
Napatingin naman ako sa limang bata kasalukuyan ngayong tumatawa.. ano nanaman bang kalokohan ang ginawa nang mga to?."Ate welly ano po yung Pak? Nasinabi ni Kuya Renjie?"
Pak? Oh baka naman FUCK..?
Sinamaan ko naman nang tingin itong si Renjie pero ako pa tong mas sinamaan nya nang tingin.
Tch." Ahm Anxion .. baka naman. Pak-pak??? Yung tinutukoy ni kuya renjie?." Pag papalusot ko. Tsaka tumingin kay lola na, halata namang parang sumang ayon din.
"Eh wala naman pong pak pak tong uod na hawak ko po ehhh...."
Napatingin naman ako sa uod na ipinikaita ni Anxion sa kamay.
Uod ito mula samga gulay.
Kung ganun ang isang mapang bully na lalake? Na pumatay narin nang tao? Na mayabang sa school? Na isa ding kinatatakutan? Ay Takot lang pala sa isang uod ?....Hindi ko naman maiwasang matawa, dahil sa mga naiisip ko, hindi nga lang ako tumitingin kay Renjie dahil alam ko na sasamaan lang ako nito nang tingin.
" Kuya Renjie wag na po kayo matakot , simpleng uod lang po ito..kahit tingnan nyo papo..."
"Fuck pwede ba ilayo nyo sakin yan...",
BINABASA MO ANG
HELLo MR. DEVIL (COMPLETED)
RomansaMeet "RENJIE MONTELLO" Kung saan napapasailalim ka SA mga kadimonyohan nya Sa mga pambubully, at pananakit nya... Ang gusto mo Lang Naman ay Ang Magandang buhay , maagang gigising para pumasok sa eskwela , Kumbaga Normal na isang College Student. NG...