"Wow! Saan naman ang punta nang maganda kung ate at naka dress na yellow at bihis na bihis?.."
" Oh! Para sakin bayan? Huh? Nag abala kapa?...pero malayo pa naman birthday ko ah??"
Napairap naman ako nang wala sa oras, pwede bang mambatok nang mga makukulit mong mga kapatid? bakit ba ang aaga nila mang asar?.
"Hoy! Kayong dalawa ! Mag sipasok na nga kayo sa school! Hindi yung binibwisit nyo lang yung ate nyo bilis!"
Saway ni mama dito, umalis din naman ang mga ito pagkatapos mag paalam. Myerkules ngayon at kahit may pasok pasok din ako sa school, ay mas pinili ko munang umabsent nalang, balak ko sanang maagang pumuntang condo ni Renjie
Para kahit papaano makagawa naman ako nang design sa bahay nya para feel talaga yung birthday nya. sigurado din naman ako na wala nayun dun. Maaga kase itong napasok."Jhewel!! Aalis kana ba???"
"Opo... Ma.."
"Ay sya oh dalhin moto, dahil baka mamaya umulan pa...."
Inabot naman sakin ni mama yung isang payong.
"Ma... Okay napo ako, kaya ko na po ang sarili ko.. salamat nalang po." Sabi ko nalang, buti nalang talaga may ina akong maalahanin gaya nya.
"Sigurado ka huh... Sige na..baka malate ka pa sa pupuntahan mo.."
Nag paalam naman ako dito tsaka napag desisyunan nang umalis. Mabilis din naman akong nakakuha nang tricylce . Buti nalang talaga. Para naman hindi na ko mahirapan pa.
Pag katapos naman nang 30 minutes ay narating ko narin ang patutunguhan ko. Agad namana akong nag tungo sa condo yung , alam ko narin naman ang password nito dahil ata sa paulit-ulit nakong pumupunta dito ay mabilis ko narin itong nakabisado . Nang mabuksan ko na ang pinto ay agad narin akong pumasok. Tatanggalin ko na sana yung suot kung sandals nang may marinig akong pag uusap mula sa loob ng sala. Pag uusap iyun nang dalawang lalaki.
Hindi ba sya pumasok ngayon?? Pero paano ko naman magagawa yung surpresa ko kung nandidito sya?
Pero ano din namang magagawa ko? Eh nandito namana din ako.
Pero, pwede naman siguro kung sa ganitong paraan ko nalang din sya isurpresa."Talaga Renjie? edi nag kita kayo nang papa ni Jhewel? Edi ba kilala ka nung lalaking yun? Buti pumayag na pumunta ka?"
Ano? Mag kakilala si papa at si Renjie nung una palang ? Pero paano nang yare yun??...
"Kung ganun Renjie.... Paano yung plano mo ? Diba gusto mong ipag higanti si jane?."
BINABASA MO ANG
HELLo MR. DEVIL (COMPLETED)
RomanceMeet "RENJIE MONTELLO" Kung saan napapasailalim ka SA mga kadimonyohan nya Sa mga pambubully, at pananakit nya... Ang gusto mo Lang Naman ay Ang Magandang buhay , maagang gigising para pumasok sa eskwela , Kumbaga Normal na isang College Student. NG...