CHAPTER 60:

3.9K 81 4
                                    

               

                  .      AFTER 6 MONTHS

"  HAPPY BIRTHDAY!! DAD!!"

" YEY"

Pumalakpak naman kaming apat   matapos ma-blow ni Dad Yung candle. Ngayon kase ang 56 birthday nito, kaya  napagdesiyunan naming icelebrate ang birthday nito sa bahay, pero sabi ni Dad na mas mabuti kung kami-kami nalang pamilya , dahil ito daw ang unang araw na kasama nila ako na icinilebrate ang birthday nya.

"Happy birthday dad.. " bati ko dito bago ito binigyan nang isang halik sa pisngi tsaka mahigpit itong niyakap.

"I love you  hanna..."  Sabi naman ito tsaka din ako niyakap.  Kung nag tatataka kayo kung bakit "hanna" ang tinawag nya sa akin,  dahil ito daw kase ang totoo kong pangalan,  pumayag narin ako dahil matagal daw nilang pinag isipan ang pangalang yun...haha.  pero si Kuya Tayron , tawag parin sakin nito Ay jhewel, dahil duon daw nya ako unang nakilala.

Maraming nag bago makalipas nang anim buwan.  At mas naging panatag ako nang dito na ko mamalagi sa totoo kong pamilya.
Pero si mama pati narin sina Dhan at Farrah, kahit papaano ay nakakausap ko naman ang mga ito, maliban lang kay papa. At ang balita ko , nakulong na ito, para pag bayarin ang kasalanang ginawa nya, at  masakit ito para sakin,  nang malaman ang bagay nayun . Pero kailangan kong tanggapin dahil yun talaga ang nararapat.  Nalulungkot din ako sa tuwing tatanungin ako nila farrah kung kelan ako babalik samin.. dahil namimis nadaw ako nito, pero hindi ko naman sila masagot kase hindi ko alam ang isasagot ko at kung paano ko sasabihin sa kanila... Kahit na alam na nila ang lahat... At alam ko na doble ang sakit para sa kanila nang malaman nila ang patungkol kay papa, pero sa huli tinanggap narin nila iyun at hindi na muli nag tanim nang sama nang loob. 

Si Coleen naman ay hanggang ngayon wala parin akong balita dito,  pero si Caleb, kasalukuyan daw itong na admit sa mental Dahil nabaliw daw ito matapos nang aksidenteng iyon. Wala narin akong balita Sa blackhell dahil mas pinili ko naring lumipat nang paaralan para mas maipag patuloy ko ang aking pag aaral nang Kolehiyo. . pero si zue nakakalungkot lang isipin na nasawi din pala ito,... Matapos nung pag kaka comatus nya dahil sa nangyare sa kanya.....
At kung tatanungin nyo ako patungkol kay Renjie , wala narin akong balita sa kanya...

Ang totoo nyan , yun  na talaga nag huli naming pag kikita at pag uusap, at hindi na muli  iyun nasundan pa.. , at aaminin ko kahit isang taon na ang lumipas..
Nandito pari yung sakit.. at kung tatanungin nyo ako kung hanggang ngayon ay mahal ko pa ba ito ??...

Ang sagot ko.....

"Excuse maam... May tawag po kayo..." Naputol naman ang aking pag muni-muni nang bigla akong kalabitin nang isa sa mga katulong namin.

"Sino daw??"

"Emergency daw po ehhh at Kapatid nyo daw po??..." Agad ko namang kinuha yung telepono , at medyo lumayo para kausapin ang nasa kabilang linya.

Kung ganun  sina ,  Farrah at Dhan? Ano naman kaya ang nang yare?..at hindi ko alam kung saan galing ang kabang nararamdaman ko ngayon.

"Hello??"

"[ Hello ate... Si papa...]"

* * * *

Sa byahe palang nag una- unahan na ang mga luha ko sa mata, hindi ko maiwasang hindi kabahan at hindi alam ang gagawin dahil sa mga nang yayare. Kasalukuyan  kaming papuntang Hospital ngayon dahil isinugod daw si papa sa hospital matapos atakihin sa puso.
At kahit ilang beses sabihin sakin nila kuya tayron na kumalma.. hindi ko parin amiwasang mag panic  dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung pati sya mawawala sakin...

 HELLo MR. DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon