CHAPTER 51:

3.4K 82 0
                                    

"Jhewel!!!!!!!!"

Malakas na tawag ni mama sa pangalan ko, mula sa labas nang kwarto ko. Ayaw ko pa sana syang pansinin dahil sa binabasa kong libro, pero dahil nga sa may makulit akong ina, sumigaw nanaman ito kaya napilitan nalang akong labasin sya.

" Bakit po--- ma!! San naman yan galing???.."

Naabutan ko kase sya sa sala namin ,na may hawak na isang white cocktail dress mula dun sa malaking box na nakalagay sa lamesa.

" Bagay ba??..."

Tanong pa nito , sa akin habang nag pose-pose pa sya habang idinidikit yung dress na hawak nya sa katawan nya.

Saan naman nya nakuha ang bagay nayan?.

"Oh may pa - mask pa ang lola mo oh!!..."

Mask? May kinuha naman syang mask at sinukat din yun... Teka? San ba galing ang lahat nang to?.

" May nag dala kase dito nyan isang gwapong lalaki!! Hinahanap ka, eh dahil nga sa angtagal mong lumabas, ibigay ko nalang dw to sayo, tapos nacurious din naman ako kase ang laki nung box kaya binuksan ko na agad ... Tapos hindi ko naman akalain na maganda pala ang nasa loob, yiiiee kung ganun anak, kilala mo yung gwapong lalaking yun? Ayieeee..."

Lalaki? Sino naman kaya yun?

Bigla namang nag ring yung Cellphone ko. At mula duon nakita ko ang pangalan nang isang lalake, wag mo sabihin sakin na sa kanya galing to?.

Text message: from Tayron

Hi jhewel, nakita mo naba yung pinadala ko? Haha! Wag mo na pag isipan kung sasali ka, oh hindi.. basta sumali kana... Haha! Hihintayin kita ...

Seryoso talaga sya? Kung ganun binili nya ang isang to?.

" Nak.. yan ba yung lalaki kanina... Yiee gusto ko yan.. kelan ba magiging kayo? Pag nanligaw sagutin mo na agad hah! "

" Mahh!!!!!"

Aish! Si mama talaga kahit kelan.
Tiningnan ko naman yung mask, at maganda yung pag kakadesign dito. Halatang mamahalin. Pero mamaya -maya pa ay may narinig nalang kaming pag doorbell mula sa labas. Nag katinginan naman kami ni mama, pero sya na ang unang umalis para tingnan kung sino ito. Habang ako kinuha ko naman yung white cocktail dress
Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa sobrang ganda nang pag kakaayos.. siguro mahal din ang isang ito.

" Anak!!!!!! Hindi mo naman sinabi na meron! Pang deliver sayo! Yung gwapo nayun!"

"Po????" Naguguluhan tanong ko kay mama.

" Taran!!!!!! " Ipinakita naman nya sa akin ang isa pang box at nung buksan nya ito, ay nag lalaman din ito nang isa pang red long dress.

Dalawa? Dalawa yung binigay ni tayron?..

" Bakit dalawa?" Tanong ko kay mama

" Siguro nahuli nyalang ibigay yung isa at pinadeliver nalang ito, alam mo nak, mas maganda kase yung may pinag pipilian, at kung ako yung tatanungin mas bet ko yung nauna nyang ibinigay kase sya mismo yung nag deliver .. ayieeee "

Siguro nga may point din si mama, mas gusto ko din kase yung simple lang, kase dito sa huli nyang binigay masyadong mahaba.. at hindi ako dun komportable .

"Ayieee excited na ako sayo anak.... Ayieeee"

Napangiti naman ako sa sinabi ni mama, dahil ako din excited. Oo nga patungkol din ito sa blackhell pero dahil din siguro nag effort na si Tayron. Mahirap narin itong tanggihan pa. At tsaka kahit ito nalang sana yung last...........

 HELLo MR. DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon