CHAPTER 36:

3.1K 73 0
                                    


Matapos nang hapunan , pinag pahinga na din nila ako, balak ko pasana silang tulungan para sa pag liligpit nang pinag kainan pero pinigilan nila ko, at sinabi okay na daw, kailangan ko narin daw kasing ipahinga ang sarili ko.
At kesa naman mag pumilit pa ko ay sa huli, napag desisyunan ko naring sundin sila at wag nang makipagtalo pa. Pumunta nalang ako sa kwarto namin para dn makapag pahinga na.
Dahan - dahan pakung pumasok sa loob at maingat na isinarado ang pinto, baka kase maistorbo ko sa pag tulog ang lalaking yun, yun ay kung natutulog nga sya.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko , parang komportable narin akong kasama ko sya sa iisang kwarto. Ano naman ang ikakatakot ko? Ehh ilang beses narin namang nangyare ang dapat mang yare?.
Kaya wala din.

Pero walang renjie akong naabutan sa kama, asan na kaya yun?.

Nilingon- lingon ko naman ang mukha ko para hanapin sya , at natanaw ko ito sa terris nang kwarto ko. Nakatalikod ito kaya siguro hindi nya alam ang pag dating ko.

" Hi..?"

Wala naman akong maisip na sasabihin nang makalapit ako sa kanya..kaya binati ko nalang ito, pero ni pag lingon wala syang ginawa . Tch sama talaga nang ugali.

Bigla ko naman naalala ang sinabi nito kanina, kung totoo man na wala talaga syang mga magulang? Sino nalang ang taong katuwang nya sa buhay?.
At kung tatanungin ko sya patungkol dito? Magagalit kaya sya?. . .marahil oo, kung kanina nga parang hindi na maipinta ang mukha nya, ngayon pa kaya kung, itatanong ko ang bagay nayun. Lalot nat, ako lang ang kasama nya, baka anu mang oras, ihulog nya ko mula sa terris na kinatatayuan namin.

"Ang sarap nang hangin no... Iba talaga pag nasa probinsya ka ..diba?"

Itinaas ko pa talaga yung mag kabilang kamay ko para mas lalong mafeel ko yung hangin .
Lumingon naman ako sa kanya para sana tingnan sya, kung sumang ayon man ito, pero wala naman akong nabakas sa mukha nyang kahit anong ekspresyon . Nananatili lang blanko ang mukha nya habang Busy ito sa hawak nyang sigarilyo.

Tch.wala naman ata kung mapapala kung makikipag usap ako sa lalaking to , kung kausapin ko sya daig ko pa ang nakikipag usap sa isang rebulto, natatawa ako sa sarili ko, bakit nga bako nag aakasaya nang oras sa lalaking to. Tch. Mas mabuti pa siguro kung ipahinga ko nalang ang sarili ko...

"Sige, Renjie matutulog nako good night---"









" Ano bang pakiramdam pag kasama mo ang pamilya mo?.."

Aalis nasana ako , pero nagulat nalang ako nang bigla itong nag salita.
Agad ko naman syang nilingon .. dahilan sa tanong nya.

"Ah-huh???"

" Nakita ko kayo kanina sa kusina , sama-samang nagyayakapan at base sa mukha mo , mukhang masaya ka talaga."

Seryosong sabi nito, habang sa malayo na katingin.
Kung ganun nakita nya yun? Ang akala ko ba umalis na sya?.

" ahm, ang totoo nyan masaya talaga kapag kasama mo ang pamilya mo.. dahil duon mo mararamdam na may say-say at dahilan din pala ang buhay mo. Dahil may mga taong nandyan na nag mamahal sayo..."

Kahit hindi ko kita ang mukha nya, alam ko na napangiti ito nang mapait, Siguro naman sa mga pag kakataong ito? Okay lang na itanong ko ang patungkol sa mga magulang nya..

"Ahm Renjie ahm.. Wag kasanang magagalit ahh.. ahm gusto ko lang sanang itanong kung--- kung totoo bayung sinabi mo kanina? Ahm okay lang kung masyadong offensive at kung ayaw mong sagutin ahm -----"

" Totoo ang lahat nang yun... Bata palang ako nang mamatay sila.. si Dad namatay sa isang Car accident, samantalang si Mom, namatay sa panganganak. Isisilang nya sana ang bunso kung kapatid pero sa huli, pareho ding silang nawala. Simula nun, Si Uncle na ang humawak sa lahat habang wala pa ko sa wastong gulang,
Ang kompanya, ang pera nang pamilya namin.... Lahat-lahat.
At nung nag kaisip nako at natutunan kung tumayo mula sa sarili kung mga paa. Tsaka kopalang hinawakan ang lahat.
Hindi ko ngalang alam kung tama pa bayung ginagawa ko oh ano...kase hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kung gawin...."

 HELLo MR. DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon